#ILoveSeokjin
•••
R E E S EAndito ako ngayon sa Dixon Hospital. This is not my last time na pupunta ako dito,pero I hope na ma-discharge na si Carter at maka-uwi na sa bahay nila.
Bibisitahin ko siya for the last time. Gusto ko syang maka-usap ng masinsinan. Gusto kong sabihin ang lahat.
"'Wag mo ulit pasasakitin ang ulo--"
"Sira-ulo ka ba? Kaya nga ako lalayo sakanya dahil sumasakit ang ulo niya 'pag nakikita niya ako diba? 'Wag ngang bobo." Inirapan niya nalang ako at tumingin sa ibang direksyon. Tsk!
Tumingin ako kay tita Jin at sinenyasan niya ako na pumasok na.
Binuksan ko na ang pinto at doon ko siya nakitang naka-upo. Sinamaan niya agad ako ng tingin nang makita niya ako. Ang sakit-sakit. Sobra. Huminga ako ng malalim at sinara na ang pinto.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya. Umupo naman ako sa upuan na nasa tabi ng kama niya at tinignan siya.
"Hindi mo ba talaga ako naalala,Carter?" Ako. Nagsimula nang umipon ng mga luha ko at anytime ay aagos nanaman 'to.
"Hindi." Nadurog ang puso ko sa sagot niya at tuluyan na ngang umagos ang mga luha ko. Hindi niya nga ako naaalala.
"Belated happy anniversary..." Ako. Naiiyak nanaman ako. Peste,ang hina ko talaga sakanya.
"What are you talking about?" Napangiti nalang ako ng mapait.
"Noong araw na tinanong ko sa'yo kung selfish ba ako..."
"Hindi ka sumagot pero sinabi mo lang saakin na kahit ako pa ang pinaka-masamang tao sa buong mundo,mamahalin mo padin ako. Haha,ang nakakatawa lang ay hindi mo 'yun maalala dahil ako mismo hindi mo maalala."
"Carter,ako nalang ang sasagot sa tanong ko."
"Oo,Carter napaka-selfish ko. Sobrang makasarili ako. Hindi ko man lang inisip ang kalagayan mo 'pag nakikita mo ako. Na sobrang nasasaktan ka pala dahil sa ulo mo kapag nakikita mo ako."
"You know what? Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung bakit naging tayo. Bakit ako ang niligawan mo. Bakit ako ang minahal mo. Hindi naman ako karapat-dapat para sa'yo eh. Hindi naman ako ang bagay sa'yo. Iba ang itinadhana sa'yo."
"Bakit ko nga pala 'to sinasabi? Ay oo,magpapaalam na ako sa'yo Carter." Nakita kong gulat na tinignan niya ako.
"Pigilan mo lang ako,Carter...hinding-hindi kita lalayuan."
"Na-realize kong hindi ko na pala naalagaan ang sarili ko. Kaya aalis muna ako." Pinahid ko ang mga luha ko at tumingin sakanya sabay ngiti.
"Mahal na mahal kita,Carter Evans. Sobra." For the not so last time ay niyakap ko siya. Hindi naman siya umangal kaya hindi muna ako kumalas.
Tumayo na ako ng maayod at humarap sakanya.
"Magpagaling ka na ah? Magce-celebrate pa tayo ng anniversary natin,babe."
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Pigilan niya lang talaga ako hinding-hindi ko siya lalayuan. Swear!
Hanggang nasa pinto na ako. Hinawakan ko ang door knob pero bago ko buksan 'yon ay humarap muna ako sakanya kahit na umiiyak.
"I love you Carter Evans,forever and ever." Binuksan ko na ang pinto at paglabas ko ay agad ko 'yong sinara at humarap doon.
"See you soon..."
•••

BINABASA MO ANG
By The Cupid's Arrow [COMPLETED]
RomanceAng sweet at full of love na relasyon ay mahihinto dahil sa isang delubyo na hahagupit at magiging dahilan sa pag-guho ng mundo ni Reese. Ano kaya ang nangyari? Anong klase ba ang delubyo ang humagupit sa relasyon ni Reese? Ano nga ba ang delubyong...