#ILoveHoseok
•••
R E E S E"Ugh! Sinong susundo saakin dito ngayon!" Inis na tanong ko kay kuya Travis on the phone. May pictorial kasi daw siya kaya hindi niya ako masundo. Argh! Hindi ko pa naman kabisado 'tong New York.
By the way,nandito na ako ngayon sa airport ng New York,hawak-hawak ang maleta ko sa may kaliwang kamay ko at cellphone naman sa kanang kamay ko.
Nakaka-badtrip naman 'tong si kuya!
[May pinasundo ako dyan sa'yo bunso,Evo ang pangalan. Sige na sige na,aasahan kita dito sa building ah? Bye bunso,ingat ka.] End na ang call. Tungunu! Sino ba sa lugar na 'to ang Evo? Argh! Malilintikan talaga sa'kin 'yung lalaking 'yun mamaya.
Naglalakad lang ako habang hinahanap 'yung Evo nang biglang may humablot ng hinihila kong maleta. Owemji!
"Wah!!! Snatcher!" Sigaw ko. Nagulat naman 'yung lalake na humablot ng maleta ko--uy in fairness sobrang gwapo at ang cool ng dating ah. Pero wahh!! Magnanakaw!
"Huy,'wag ka ngang sira kaibigan ako ng kuya mo." Napataas naman ako ng kilay ko.
"Pwes sino ka?" Ako. Tumigil naman siya sa paglalakad at humarap saakin sabay lahad ng kamay niya at ngiti.
"Evo Kim." Tinanggap ko naman 'yung kamay niya at nag-shake hands kami.
"Reese Morgan." Ako. Ngumiti naman siya saakin at nagsimula ulit maglakad. Mukhang friendly ah,gwapo pa.
"Oy,Reese! May boyfriend ka na baka nakakalimutan mo."
Oo naman,hindi ko nakakalimutan ang boyfriend ko pero ang problema ako ang nakalimutan niya. Hays.
"Hala,uy bakit ka naluluha? Uy,ako nga si Evo." Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi ni Evo.
"Naluluha pero tumatawa? Hala,ikaw ba talaga 'to?" Tinignan ko naman agad ang pinakita niya.
Picture ko...
"Teka,kay kuya ko lang binigay 'yan ah. Bakit nasa'yo?" Ako. Napakamot naman siya ng ulo sa tanong ko.
"Eh 'pano kita mahahanap kung hindi ko alam ang mukha mo?" Tumango-tango nalang ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Ako na kasi slow.
Fine,yeah whatever.
"Sa apartment muna ni Travis tayo pumunta ah?" Nagulat ako sa sinabi niya. Tinakpan ko ang katawan ko gamit ang leather jacket ko. Nakita ko naman na napataas siya ng kilay niya.
"Ano ba? Iuuwi muna natin 'yung mga gamit mo sa apartment niya 'no." Hays...akala ko ano na. Ano bang iniisip mo Reese?!
"At isa pa,wala akong laban dyan sa leather jacket mo 'no. In fact,hindi kita type kaya no worries." Aangal pa sana ako sa sinabi niya nang paandarin niya na ang kotse. Bwisit na lalaki.
•••
BINABASA MO ANG
By The Cupid's Arrow [COMPLETED]
RomanceAng sweet at full of love na relasyon ay mahihinto dahil sa isang delubyo na hahagupit at magiging dahilan sa pag-guho ng mundo ni Reese. Ano kaya ang nangyari? Anong klase ba ang delubyo ang humagupit sa relasyon ni Reese? Ano nga ba ang delubyong...