Chapter 19🐰

39 1 0
                                    

•••
E V O

Nakakagulat talaga na pag-gising ko siya agad ang nakita ko,ang pinaka-magandang babae na nakita ko...si Ree.

'Nung nakita ko siya sa picture ni Travis nagandahan agad ako sakanya. Hindi ko nga alam,siguro na-love at first sight ako sakanya. Amputs,nakakabakla!

"Hindi ko kayang sumubo." Pagsisinungaling ko sakanya. Tinaasan niya naman ako ng kilay. Isa ang pagiging mataray at maldita niya ang nagustuhan ko sakanya. Shet,nakakabakla talaga.

"Ano ka,inutil? Lagnat lang ang sakit mo,Mr.Kim,hindi ka nabundol o..." Natahimik siya at hindi niya na pinagpatuloy ang pagsasalita niya kaya nabahala naman ako.

"Hey,okay ka lang ba? Ano? May prob--hala,uy bakit ka umiiyak?" Natataranta na ako kase bigla nalang tumulo ang mga luha niya. May pinagdaanan ba 'to? Bigla ko namang naalala ang pag-uusap nila ni Travis noong nakaraang araw..ay teka..week na ata..aish ewan.

"Sigurado ba silang may amnesia talaga si Carter? Baka ginu-good time ka lang nila para layuan mo na siya?" Hindi ko na natuloy ang akmang pagpasok sa apartment ni Travis nang marinig ko na nag-uusap sila. Halata namang seryosong problema,amnesia daw eh,kaya naglakad nalang ako paalis doon.

"Like duh,kuya? Hindi sila tutol sa relasyon namin ni Carter. So bakit nila gagawin 'yon?" Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi ni Ree. Parang gumuho ang mundo ko at parang na-broken hearted ako sa narinig ko.

"Sigurado ka?" Travis

"Siguradong ano?" Ree.

"Na-hindi sila tutol." Travis.

"Yeah." Umalis na ako sa lugar na 'yon. Mukhang hindi ko kaya ang pinag-uusapan nila.

Bakit kaya ako nasasaktan? Mahal ko na kaya siya? Mahal ba talaga o frustration? Ewan...

Tinignan ko siya at huminga ng malalim. Ito na ang tamang oras para tanungin ko sakanya ang tungkol doon sa Carter.

"Tungkol ba kay Carter?" Tumigil siya at tumingin saakin na para bang nagulat sa tanong ko. So tama nga ako,'yung Carter nga? Psh. Sigurado namang mas gwapo at mas hot pa ako doon.

"P-Pano mo nalaman?" Umiling nalang ako sa tanong niya. Hindi ko alam pero feeling ko nasasaktan ako,knowing na may boyfriend pala siya sa Pilipinas.

"Bakit,Ree? Ano bang nangyari?" Tanong ko sakanya. Yumuko lang siya at hindi na napigilang umiyak. Nilapit ko naman ang upuan ko sakanya at niyakap siya. Hinayaan niya naman ako kaya hindi muna ako kumalas. I think she needs someone she can lean on right now,this time.

"Boyfriend ko siya." Tuluyan na ngang nadurog ang puso sa sinabi niya pero hindi ko nalang pinahalata 'yon.

"Pero hindi niya ako maalala." Nagulat ako sa sinabi niya. Gusto ko mang magtanong eh hindi ko magawa. Hinintay ko nalang na siya na mismo ang mag-kwento kung bakit.

"Noong anniversary namin,pinapunta niya ako ng Enchanted Kingdom. Pinaghintay niya ako for 3 hours. Hindi ako nakaramdam ng galit pero naiinis lang ako sakanya at gusto ko syang awayin 'pag makita ko na siya." Anniversary...ang tagal na pala nila. Ano pa bang laban ko?

"6pm,nagpasabog ang EK ng display fireworks at nakita ko ang mga salitang nabuo ng mga fireworks. 'Happy anniversary,Reese Morgan. I love you forever and ever.' Pero sakto naman na pagkatapos kong basahin 'yon ay tumawag sakin ang kapatid niya..." Tahimik lang akong nakikinig sa kwento niya.

"Nasagasaan ang minamaneho nyang sasakyang ng malaking truck. Nagka-amnesia siya,at ako...ako ang dahilan." Hinaplos ko ang ulo niya.

"No,Ree. Hindi ikaw ang may kasalanan." Ako. Hindi naman talaga siya,'yung Carter naman eh. Ang tanga,kung maayos talaga ang utak niya ay paniguradong hindi mababangga ang minamaneho nyang sasakyan. Tch.
•••

By The Cupid's Arrow [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon