Chapter 12🐰

30 1 0
                                    

#ILoveYoongi

•••
R E E S E

"Reese..." Andito ako ngayon sa bahay nila Carter. Pinapunta kasi ako nina tita Jin kaya pumunta agad ako.

"Po?" Ako. Ano kayang sasabihin nila? Kinakabahan tuloy ako.

"Tungkol kay Carter." Napalunok-laway nalang ako sa sinabi ni tito Louie. Anong tungkol kay Carter?

"Bakit po?" Ako. Huminga ng malalim si tita Jin sabay tingin kay tito Louie at tumingin ulit saakin ng mata sa mata.

"Lumayo ka nalang muna kay Carter." Kung ang mundo ko ay gumuho sa nangyari kay Carter ngayon ay mas gumuho pa sa sinabi ni tita Jin. Hindi ko naman napigilan ang maiyak.

"B-Bakit po,tita? Bakit po?" Naramdaman ko naman na niyakap ako ni tita Jin kaya mas lalo akong naiyak. Bakit ganito? Bakit ba 'to nangyayari saamin? Tangina!

"Alam mo naman na sumasakit ang ulo ni Carter kapag nakikita ka,diba? Reese dahil ikaw lang ang nakalimutan niya kaya ayaw ka niyang makita." Tita Jin.

"He thinks that you're a stranger to him kaya ayaw niya sa'yo." Tito Louie.

"We don't want this to happen,Reese. Even Hailey,ayaw nyang mangyari 'to. Pero para din 'to sakanya,alam naman naming gusto mo na maka-recover na agad si Carter at maalala ka na diba?" Hindi ako sumagot sa tanong ni tita Jin. Wala ako sa wisyo para magsalita. Hindi pa nasi-sink in at nada-digest ang lahat saakin.

"Reese. Alam kong gusto mong tumulong,kaya namin napagdesisyunan ni tito Louie mo 'to." Tita Jin.

Yeah,I badly want to help them and specially Carter para maka-recover agad siya doon sa bwisit na amnesia niya.

Yeah,I want to help...pero kaya ko bang layuan si Carter? Si Carter na halos kalahati na ng buhay ko? I sighed. This is the least I can help.

"Noted tita,lalayuan ko na siya."

---

"Are you sure anak?" Tanong saakin ni daddy.

"Pwede namang sa ibang lungsod ka nalang mag-bakasyon,not out of the country." Mommy.

Napag-desisyunan ko kase na pumunta muna sa New York at bisitahin si kuya Travis doon. Nagta-trabaho kasi siya bilang isang sikat na modelo sa isang sikat din na kompanya. Alam kong may bahay siya doon or apartment or dorm or whatsoever kaya okay lang na pupunta ako doon. Alam niya din naman na susunod ako sakanya doon so nothing to worry about.

Kailangan ko munang mag-refresh at kailangan ko munang asikasuhin ang sarili ko. Ngayon ko lang na-realize na hindi ko na pala napapansin ang mga eyebags ko,dagdagan pa ng mukha ko na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Hindi ko iaalis sa isip at puso ko si Carter,mahal ko siya pero kailangan ko muna syang layuan. For his condition at para maging maayos ang kalagayan niya. Para hindi na sumakit ang ulo niya at para maka-recover na din siya.

I'm doing this long vacation not just for him--but also for me,myself and I.

"It's final mom,dad. Susunod ako kay kuya sa States. Gusto ko munang mag-travel mag-isa para next time...







...kami na ni Carter ang magkasama."
•••

By The Cupid's Arrow [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon