Chapter 4🐰

34 2 0
                                    

Next update: Wala na. Hoho,joki-joki lang po ulet! Peace po tayo mga peeps!

•••
R E E S E

5pm na po! This is freaking not good. 2 hours lang naman ako naghintay sakanya! Argh! Aawayin ko talaga siya pagdating niya. As in!

---

What the heck! 6pm na! Wala ba syang balak na pumunta dito? Baka nakalimutan nyang pinapunta niya ako dito? Argh! Should I call na ba? Oh,yes. Tatawagan ko talaga siya.

Akmang kukunin ko na ang phone ko nang biglang may pumutok sa langit.

Uwaahh..mga fireworks. Pero napahinto ako nang mapansin kong may mga salita ang mga fireworks.

"Happy anniversary Reese Morgan. I love you,forever and ever"

Napaluha ako sa nabasa ko. Bwisit 'tong si Carter,pinapaiyak ako eh. Pinahid ko ang mga luha ko at patuloy lang na pinagmasdan ang fireworks until it disappears. Wala talagang forever.

Bigla namang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko 'yon. Tawag galing kay Hailey,ano namang problema nito?

Sinagot ko naman syempre ang tawag.

"Yes bes--"

[B-Bes...] Kinabahan ako ng bonggang-bongga nang marinig ko ang iyakan sa likod ng iyak din ni Hailey. What? What is happening?

"Hailey,anong meron? Why are you crying?" Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad papunta ng kotse hanggang sa mapansin kong tumatakbo na pala ako.

[B-Bes...] Damn this! Ang ayoko sa lahat eh umiiyak 'tong si Hailey,umiiyak lang kasi siya 'pag may masamang nangyayari.

"Damn Hailey! Ano nga?!" Ako.

[Ree,nasagasaan ang minamanehong sasakyan ni kuya Carter. Ree,my brother's in danger.] Napahinto ako sa paglalakad at napa-upo sa lupa.

Anong sabi niya? Hindi...it's just a joke! Kuniha ko ang phone ko at kinausap si Hailey.

"C'mon,Hails. 'Wag ka ngang mag-joke dyan. May fireworks pa nga dito eh--"

[Reese,pumunta ka dito sa Dixon Hospital. Now!] Agad akong tumayo at nagmaneho na. Alam ko...alam kong joke lang 'yung sinabi ni Hailey. Hindi masasagasaan si Carter. Hindi pwede. Hindi ngayon!

Pinahid ko ang mga luha kong umaagos. 'Wag kang tanga Reese. Jino-joke ka lang nila. Part lang ng surprise ni Carter 'yun kaya 'wag kang OA dyan. Woo!

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kotse at pumasok ng D.H (Dixon Hospital). Pinaka-una ang ospital sa pinaka-hate na lugar ko. Ayokong pumasok sa mga ospital kasi alam kong masama ang nangyari sa papasok doon.

Lumapit agad ako sa admin's desk.

"Carter Evans." Sambit ko. Tumango naman siya at ini-scan ang computer. Sana wala...sana wala...sana wala--

"Nasa ER po ma'am" Napalunok ako ng laway ko sa sinabi niya. Shit! Dapat wala! Dapat talaga wala eh! Damn! Talagang sa Emergency Room ah?

Tumakbo ako papunta sa direksyon ng ER. Malayo palang ako ay nakita ko na sina tita Jin,tito Louie at Hailey sa tapat ng kwarto. Mga pamilya nga ni Carter...mga pamilya nyang humahagulgol sa pag-iyak.

"Ree!" Sigaw ni Hailey sabay takbo palapit saakin habang umiiyak. Bigla niya naman akong niyakap kaya niyakap ko din siya.

Nang makalapit na kami sa tapat ng ER ay pabigat ng pabigat ang lakad ko. Bakit ganon? Kung kelan anniversary na namin tsaka pa nangyari 'to?

"50/50 ang buhay niya Ree." Tito Louie. Habang pulang-pula ang mga mata.

"Nanganganib ang buhay ng anak ko!" Tita Jin sabay iyak nanaman. Kinomfort ko naman siya at niyakap.

"'Wag kang mag-alala tita. My boy is strong,hindi niya tayo iiwan ng napaka-aga."
•••

By The Cupid's Arrow [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon