Chapter 18🐰

29 1 0
                                    

•••
R E E S E

Andito ako ngayon sa sala. Nanonood ng Next Top Model. Ang gaganda nila tapos ang se-sexy pa. Owemji na tologo.

Bigla namang bumukas ang pinto at niluwa 'non ay si kuya Travis. Nakakapagtaka naman. Tinignan ko ang wristwatch ko at nakita kong 6pm pa. Kadalasang 9pm siya umuuwi eh.

"Problema,brother?" Tanong ko sakanha sabay subo ng pizza. Food is layp. Ohohoho!

Paikot-ikot lang siya sa buong apartment. Pumasok sa kwarto niya,tapos sa banyo,sa kusina,dito sa sala,tapos sa kwarto niya ulit and so on. Nahihilo na ako sa ginagawa niya kaya tinanong ko na sakanya kung ano ang nangyayari.

"Kuya Travis? Halo~,anong problema mo? Anong meron?" Ako. Pero parang hindi niya padin ako naririnig.

"TRAVIS MORGAN SAGUTIN MO ANG TANONG KO!!!" Natigilan naman siya at humarap saakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"May photoshoot pa kasi ako,eh sa ang taas ng lagnat ni Evo,nag-leave din ang personal assistant niya kaya hindi ko na ma-absorb ang nangyayari." Kuya. Bumuntong-hininga naman ako at kinuha ang jacket ko.

"Sige na,ako na bahala." Tinignan niya agad ako.

"Talaga? Ikaw ang pupunta sa photoshoot--"

"Hahampasin kita ng poste kuya. Ako na bahala kay Evo,pumunta ka na doon at mag-posing-posing na. Okay??? Bye~" sabi ko sakanya sabay wave at lumabas na ng kwarto.

Bakit kaya siya nagkaroon ng lagnat? 'Yan kasi eh,napaka-kulit.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto pero walang response kaya pumasok na ako ng dahan-dahan.

Siguradong nasa kwarto niya 'yon. Hays.

Unang pinto na binuksan ko ay ang malapit sa kusina...

Banyo lang pala. Psh.

Sunod na binuksan ko na pinto ay ang kwarto niya na. Hindi naman makalat,pwede ba 'yon? Napaka-kulit pero conservative sa surroundings?

Pumasok na ako at lumapit kay Evo na mahimbing na natutulog ngayon. Para syang anghel 'pag natutulog.

Sobrang ayos ng kilay niya. Ang taas ng mga pilik-mata niya. Ang tangos pa ng ilong. Ang kinis ng mukha at...




...napaka-kissable ng lips niya. Super-pula na para bang nang-aakit. Aish! Ano ba 'tong sinasabi ko?

Waahh!! Reese Morgan may boyfriend ka sa Pilipinas!!!

Okay,okay. Akmang hahawakan ko na ang leeg niya para i-check kung mainit nga ba siya nang bigla nyang buksan ang mga mata niya.

"Hala,nagising ba kita? Sorry,sige aalis--"

"No,please...dito ka lang." Nahinto ako sa sinabi niya at biglang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko. What? Anong ibig sabihin nito? Ugh! Wala lang 'to. Yes,wala lang 'to.

"U-Uh sige..." Umupo naman ako sa tabi niya. Nakatingin lang siya saakin habang naka-ngiti ng maamo. Hindi 'yung ngiti na pilyo,nakakaloko or such. Halatang wala syang energy ngayon parang mangulit ah.

"Nurse na ba kita?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Sira. May lagnat ka kasi daw sabi ni kuya tapos--"

"'Wag ka nang mag-explain. Basta andito ka okay na 'yon." Napalunok ako sa sinabi niya. Bakit ang weird niya? Ganito ba talaga 'to 'pag nilalagnat?

"Wait lang,kumain ka na ba?" Tanong ko sakanya. Umiling naman siya habang nakatingin padin saakin. Shocks! Nakaka-ilang.

"Ikaw talaga pagkain nalang lagi ang nasa-isip mo." Tawa-tawang tanong niya habang nakatingin padin saakin.

"Ano ba? 'Wag mo nga akong tignan ng ganyan." Ako sabay tingin sa ibang direksyon. Pero nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang chin ko at iharap ang mukha ko sakanya. Napalunok-laway tuloy ako. Oh my gollybells.

"Bakit,bawal ba?" Naka-smirk na tanong niya saakin. Inirapan ko naman siya at inalis na ang kamay niya sa baba ko.

"Luh,it's so nakaka-ilang kaya." Tumawa nalang siya ng bahagya sa sinabi ko.

"Anyways,food is life kaya. Duh. Hindi ka mabubuhay if walang pagkain. Kaya tumayo ka na dyan at kakain tayo." Ako.

"Wala akong nalutong pagkain. Knock-out ako pag-uwi." Siya. Bumuntong-hininga naman ako at tumayo na.

"Then,ako ang magluluto. C'mon,Evs. Bawal magpalipas ng gutom." Ako. Ngumiti naman siya saakin at hindi padin bumangon.

"Kakain ka ba,Mr.Kim?" Naka-pameywang na tanong ko sakanya.

"Hindi ko kaya,Ree. Ang bigat ng--uy...I like that." Sira talaga. Hinila ko kasi siya sa pagkakahiga,syempre hinawakan ko ang kamay niya pero mga peeps...walang malisya.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko sakanya.

"Ikaw." Agad ko syang tinignan sa sagot niya pero nakita ko ang ngiti nyang napaka-pilyo.

"Kahit ano nalang,basta ikaw nag-luto. Ikaw talaga,patapusin mo kasi akong magsalita." Siya at kumindat saakin. Umiling nalang ako at inalalayan na syang pumunta ng kusina.
•••

By The Cupid's Arrow [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon