#ILoveNamjoon
•••
R E E S E"Uwaah!! Kuya na-miss kita!" Sigaw ko nang makita ko si kuya. Andito kami ngayon sa Harrison Building. Dito nagtatrabaho si kuya bilang isang model.
"Awh,na-miss din kita,bunso." Kuya. Bigla namang nag-"Ehem." si Evo kaya naalala ko 'yung kanina sa airport.
"Miss niya daw ako pero hindi niya naman ako sinundo kanina sa airport." Ako. Napakamot naman siya ng ulo niya.
"Oo nga 'tol,nasabihan pa nyang magnanakaw daw ako. What the!" Inirapan ko nalang si Evo. Bahala siya dyan.
"Eh kung sana nagpakilala ka muna kesa bigla mo nalang agawin saakin ang maleta ko hindi sana kita mapagkakamalang magnanakaw. Duh!" Ako.
"Sense naman. Hindi mo ba ako kilala? Isang Evo Kim ang sumundo sa'yo." Siya sabay pogi-sign.
"Tsk! Hindi ka gwapo okay? Hindi." I lied. Tungunu. Napaka-gwapo niya kaya,'yun nga lang mahangin. Bawas pogi points!
Magsasalita pa sana siya nang pumagitna si kuya.
"Oh oh,pag-uuntugin ko kayong dalawa eh." Umirap nalang ako.
"Untugin mo nalang ang sa mga solid FANS ko kesa dyan sa kapatid mo na napaka-dalagang Pilipina. 'Lam mo 'yun? 'Yung napaka-sikat mo pero hindi man lang ako kilala ng kapatid ng kaibigan ko. Tangina! 'Tol,shet ang sakit!" Patago akong natawa sa mga sinabi niya. Adik pala 'tong kaibigan ni kuya eh. Sumbong ko siya kina mommy at daddy. Haha!
"Ang daldal mo,Kim." Kuya.
"What the! Sa lahat-lahat iinsultuhin mo pa ako? Hindi mo man lang ba ako pasasalamatan?" Ang drama naman nitong si Evo. Sarap ituktok sa pader eh.
"Ay oo nga pala,salamat sa lahat 'tol. Mahal na--"
"Uy 'tol,alam kong sobrang gwapo ko pero wala sa bokabularyo ko ang BroMance kaya 'wag mo na akong mahalin. Stop that na--"
"Sira-ulo! Ihagis kita sa bangin eh."
"'Wag naman. Sayang ang genes ko 'no."
Naiinip na ako. Napaka-talkative naman ng lalaking 'to. Kaya siguro naging close sila ni kuya kasi napaka-talkative din naman ng isang Travis Morgan.
"Tapos na ba kayo dyan? Nagugutom na ako eh." Natahimik naman sila at parehong tumingin saakin.
"Uy magfo-food trip ang magkapatid. Sali naman--"
"Langya ka 'tol,kumain ka mag-isa."
"Ano ba,Travis? Ganyan na ba kakapal ang mukha mo at hindi mo pagbabayaran ang pagsundo ko kay Reese sa airport?" Ahh,so may kapalit 'yon?
"Wala ka bang utang na loob?" Evo.
"Ikaw,wala ka bang hiya?" Ako. Napakamot naman siya ng ulo niya pero agad din namang binawi.
"Ahh basta,sasama--"
"Mr.Kim,you have a photoshoot with Ms.Mercado." Natawa naman ako nang dumating 'yung isang babae at sumabat kay Evo. Wahahaha!
"'Pano ba 'yan,'tol? Haha,baboots!" Kuya at hinatak na ako palabas ng building at pumunta na ng parking lot.
"Hindi mo ako matatakasan,Reese." Nagulat naman ako sa sinabi ni kuya.
"Anong pinagsasabi mo?" Takhang tanong ko. Seriously,hindi ko alam.
"Ikwento mo saakin ang buong istorya para hindi ko sugurin sa ospital 'yung si Carter at hampasin ng poste." Tungkol lang pala kay Carter.
"HahaHARSH. Ang daldal na nga,chismoso pa." Ako. Nagsimula na siya sa pagmamaneho.
"Chismoso nga,gwapo naman." Kuya.
"Asus,nahawa ka ata sa kahanginan ni Evo eh." Ako habang natatawa.
"Inborn na sakanya ang pagiging mahangin,bunso. Kaya 'wag mo akong ihalintulad sa lalaking 'yon,dahil pinanganak lang ako ni mommy na gwapo 'yun lang tapos. Haha!"
•••

BINABASA MO ANG
By The Cupid's Arrow [COMPLETED]
RomantiekAng sweet at full of love na relasyon ay mahihinto dahil sa isang delubyo na hahagupit at magiging dahilan sa pag-guho ng mundo ni Reese. Ano kaya ang nangyari? Anong klase ba ang delubyo ang humagupit sa relasyon ni Reese? Ano nga ba ang delubyong...