Chapter 9🐰

38 1 0
                                    

#ILoveTaehyung

•••
R E E S E

"Sino ka ba? Hindi kita kilala,kaya pwede ba? Umalis ka--"

"Kuya!" Hinawakan ko naman si Hailey at sinenyasan na 'wag nalang pansinin. Baka sila pa ang mag-away. Ayaw na ayaw ko 'non.

"Son,he's Reese Morgan. Obviously siya ang nakalimutan mo." Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ni tito Louie.

"Nakalimutan?" Hindi niya pa pala alam na may amnesia siya?

"May amnesia ka anak. At siya lang ang nakalimutan mo." Tita Jin sabay turo saakin. Pinigilan ko ang mga luha ko kase anytime alam kong aagos nanaman 'yon.

"Sino nga siya?" Carter.

"Girlfriend mo nga." Hailey.

"Bakit hindi ko maalala?" Carter.

"Kasi nga may amnesia ka." Hailey. Tinignan naman ako ng masama ni Carter.

"Ayoko sakanya. Ayokong makita siya! Sumasakit ang ulo ko! Paalisin niyo siya!" Pipigilan pa sana siya nila tita Jin at tito Louie pero sumabat na ako.

"Aalis nalang po ako. Babalik nalang po ako--"

"Kahit 'wag na." Napalunok ako ng laway sa sabat ni Carter pero hindi ko nalang pinansin. Tinignan ko si Hailey na naluluha na pala. Bakit siya umiiyak?

"Hatid na kita,bes." Tumango nalang ako sa sinabi niya. Gusto kong malaman kung bakit siya naluluha.

"Bes! Okay ka lang ba?" Tanong niya saakin nang makalabas na kami ng kwarto.

"Bakit ba ako ang tinatanong mo? Dapat ikaw ang tinatanong ko nyan eh. Bakit ka naluluha kanina?" Ako.

"Hindi kasi ma-digest ng isip ko ang set-up niyo ni kuya ngayon. Sorry bes,kung pwede ko lang ayusin ang turnilyo ng utak niya aayusin ko agad." Naiiyak na ako sa sinasabi niya.

"Bes,okay lang. Don't worry,babalik sa dati ang lahat." Ako. Ngumiti siya ng mapait saakin,ganon din ako sakanya.

---

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame.

Kaya pala grabe ang kaba at kabog ng dibdib ko 'nung anniversary namin ni Carter,may mangyayari palang masama.

Bakit kaya nangyari 'yon 'no? Wala naman kaming kasalanan pareho ni Carter. Every Sunday nga eh nag-sisimba kami. Wala kaming problema sa relasyon namin.

Kung nag-aaway kami nagkakabati din naman. Pero bakit nangyayari 'to? Karma ba 'to? Para saan? Ano ba ang kasalanan namin ni Carter? Ganon na ba katutol ang panginoon sa relasyon namin para magka-amnesia siya at makalimutan niya ako?

Bakit ang unfair ng mundo? Kung kelan masaya na...





...doon pa magkaka-problema.

*Knock Knock*

Tinignan ko ang pinto and there I saw my mom. Habang nakatingin saakin full of worry.

Naiyak nanaman ako. Naramdaman ko nalang na may yumayakap na pala saakin.

"Mom,I'm in pain." Sabi ko. Hinaplos naman niya ang buhok ko. Now she's comforting me.

"Umiyak ka lang anak. Ilabas mo lang." Mommy. Umiyak lang ako nang umiyak.

"Mom,karma ba 'to? Karma ba 'to saamin ni Carter? Wala naman kaming nagawang kasalanan ah. Bakit ganon?" Ako.

"Reese,hindi karma ang tawag sa nangyayari sainyo ni Carter." Tahimik lang ako,hinihintay ang susunod na sasabihin ni mommy.

"Then what is it,mom?"

"Trial. Lahat ng relasyon ay may pinag-dadaanang pagsubok." Mommy.

"Para saan?" Ako.

"Para malaman niyo kung kayo ba talaga ang para sa isa't-isa,kung kayo ba talaga ang itinadhana. Kami nga noon ng daddy mo eh,may hinarap din kaming trial."

"Ayaw ng lolo mo saakin para sa daddy mo kaya pina-arrange marriage siya sa iba. Pero pinaglaban namin ng daddy mo ang relasyon namin,kaya sa huli kami padin at kayo ng kuya Travis mo ang bunga."

"Sa sitwasyon niyo ngayon ni Carter,anak wala munang lalaban. Mahirap ang lumaban ng mag-isa anak. Mahirap,sobrang hirap. Yung bang parang gusto nyong maging kayo pero ikaw lang ang nagwo-work. Ikaw lang ang nage-effort. Parang ganon."

"May amnesia si Carter,malala ang sakit na 'yon. Hindi pangkaraniwan and worst,hindi pa temporary kaya imposibleng maalala ka niya agad. Patience anak,'yung lang ang i-feel at gawin mo. Nothing more,nothing less."

Matapos nang mga advices and stories ni mommy ay umalis na siya.

"Patience is a virtue."
•••

By The Cupid's Arrow [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon