HI! Kaway sa mga nagbabasa :) Comment and vote naman po kayo.
Thanks.
ENJOY!
********************************
*Kurt's POV
Si Macy ba talaga to? It's been 5 years, pero alam ko sa sarili ko na walang nagbago.
She's still as beautiful as ever. I can't believe na makikita ko pa sya.
Nakatitig lang ako sa mukha nya habang kinakausap nya ako. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nya. Ang alam ko lang galit parin sya sakin. She has every reason to hate me.
G*go kasi ako eh, walang kwenta, manloloko, lahat na. Pinakawalan ko yung pinaka magandang bagay na nangyari sa buhay ko.
Ako nga pala si Kurt Justin Lee. Everyone calls me Justin. 22 years old. I'm the CEO of Lee Corporation.
I have a daughter. Sophia Lizzette Lee, 4 years old.
I'm also Macy's EX boyfriend.
"KURT! Damn you! Nakikinig ka ba?!" Oops. Hala, nagalit na lalo.
"Uhmm sorry babe, nadidistract kasi ako dahil sayo." Shet ano daw?!
Anong sinabi ko? Yaan nyo na nga. She's blushing. Ang cute nya haha.
Hanggang ngayon ganyan padin ang reaksyon nya, walang pinagbago.
-_^ - Ako
o//////o - sya
"Ano bang pinagsasasabi mo ha?! Would you mind telling me what the hell is going on? Paano ko naging anak to?!" Sabi ni Macy na hindi makatingin sakin.
"Baby play music for a while, we have to talk" inabot ko kay Phia ung ipod.
"First of all, I want to say sorry Mace." Nagkamali ako. Hindi ko dapat ginawa yun noon.
"I don't need your sorry Kurt. Ang kailangan kong malaman ay kung kaninong anak tong bata na to at paano ako nadamay sa lahat ng to." Matigas na sabi nya. Kitang kita ko ang galit sa mata nya.
"Anak ko sya, namin ni Tiffany."
*Macy's POV
"Anak ko sya, namin ni Tiffany." Kay Tiff? Nagbibiro ba sya?
"Dahil gusto mong malaman, sasabihin ko sayo. Sa totoo lang hindi ko inakala na darating pa yung araw na magkikita ulit tayo. Pero eto, nandito ka, sa harap ko. At alam kong nagtataka ka, pero oo, nagkaanak kami ni Tiffany. "
Paano nangyari yon?! The same year na naghiwalay kami namatay si Tiffany! Pinaglololoko ba ko nito? Paano magkakaanak ang patay?! G*guhan ba?!
"Buntis na si Tiffany nung maghiwalay tayo. Namatay sya nung pinanganak nya si Phia." Hindi ako nagsasalita.
Hindi ko alam pero lalo kong naramdaman yung sakit ng nakaraan. Nang iwan nya ko. Tapos ganito? Malalaman ko na nagkaanak sila ng "BESTFRIEND" ko?
Bakit sya pa? Pwede namang ibang tao nalang diba? Ayokong mag-isip! Ayoko munang isipin lahat ng to, masakit eh. I have to act tough. It has been 5 years, hindi ko na dapat sya mahal.
"Ah ganun pala ang nangyari. Di ako updated haha. So paano naman ako nadamay ha?" pinilit kong tumawa kahit na sa loob ko para na kong sinasaksak ng paulit ulit.
"Nagsimula ng magtanong si Phia tungkol sa mommy nya eh." sagot nito.
Eh loko pala to eh, anong kinalaman ko dun diba?
"Hindi ko pwedeng sabihin na si Tiffany ang nanay nya." Mukhang nahalata nito na nagtataka ako kaya sinabi na nya.
"Bakit naman? Karapatan nya yun. Tsaka isa pa, patay na si Tiff. Igalang mo naman sya! Ang tagal nyang dinala yung bata sa sinapupunan nya, tapos ano? Hindi man lang malalaman ng anak nya kahit pangalan nya?! Eh t*rant*do ka pala eh!"
"HINDI KO PWEDENG SABIHIN DAHIL MASASAKTAN SYA!" napalakas ang boses nya kaya nagsi-tinginan yung mga tao.
"Nang mamatay si Tiffany, sa mismong burol nya, sinabi sakin ng magulang nya na kahit kailan hindi nila kikilalanin si Phia na parte ng pamilya nila! Alam mo ba kung gaano kasakit yun ha?! Ako nga na tatay nya nasaktan nung narinig ko yun eh, sya pa kayang bata?! Isipin mo nalang, pag nalaman nyang patay na ang mommy nya, kawalan na agad. Tapos darating ang araw na hahanapin nya ang pamilya ni Tiffany! Ayokong mara-" nangingilid na ang luha sa mata nya. Mahal nya talaga yung anak nya.
"Ayaw mong maranasan nya na itakwil at mawalan ulit ng kapamilya. Naiintindihan ko na. I'm sorry, hindi ko naman kasi alam na ganun ang nangyari. Pero bakit ako? Paano nya naisip na ako ang mommy nya?"
Di ko alam pero nang marinig ko yun at nakita kong nasasaktan sya sa mga nangyari, nawala bigla lahat ng galit na nararamdaman ko sa mga oras na yun.
"Uhhmmm ano kasi. Nakita nya kasi yung picture mo, kaya ayon, nagtanong sya kung ikaw daw ung mommy nya. Umo-o nalang ako." Hindi nya ako magawang tingnan habang sinasabi ang mga bagay na yon.
Ganon kababaw? Grabe! What have I gotten myself into?!
****************************
Vote/Comment/Messages will be highly appreciated.
Copyright ©2014 by princess_casanova
All Rights Reserved.
BINABASA MO ANG
Fake Mommy
HumorLianne Macy Mendoza. 21 years old. 34-24-34. Heiress of M-industries. □ single. □ taken. ✔ Depends on who's asking. Join her as she takes a big leap from her perfect life to this sweet disaster. "MOMMY! MOMMY MACY KO!"