*Kurt's POV
"I......missed this." She said in a low voice. Sa sobrang hina, I barely heard it.
"Umm, sorry, mali yata yung dinig ko, ano ulit yun?" tanong ko. Baka mali lang ako ng pagkakarinig kasi mahina yung pagkakasabi nya.
"Sabi ko is Phia already sleeping?" tugon nya. Ah, yun pala. Buti nalang hindi ako sumagot nung una kundi pahiya yun. Not good pre, not good.
"Ah, oo. Kakatulog lang actually. Nagpaalam nga sakin kung pwede daw syang mag absent tomorrow kasi uuwi ka na, pero sabi ko pagdating naman nya nadito ka na." Pagkekwento ko.
"Ganon ba? Excited sya no? Haha. And bait ng anak mo tsaka magalang."
"Anak natin. Masanay ka na. haha" sigurado ako nagbublush na yon ngayon, I really love teasing her.
"Oo nga pala, anak ko din. Saan ba school ni Phia? Nursery ba sya?" pagpapalit nya ng topic.
"Sa St. Pierre Academy and yes, nursery palang sya." Sagot ko sakanya.
"Ummmm okay lang ba kung ako na lang ang sumundo sa kanya? Alam ko naman kung saan yung school kasi nadadaanan ko yun kapag pumapasok ako." Gusto nyang sunduin si Phia? Matutuwa yun pag nalaman na Mommy nya ang susundo sa kanya.
"Okay lang. Hindi ka ba maaabala? 12:00pm ang labas ni Phia. Tsaka paano pala yung work at school mo?" Ngayon ako naman ang sunod sunod na nagtanong.
"Kukuha ako bukas ng bagong schedule sa school tomorrow morning. Nakausap ko na sila mom and dad about work and technically everything is set."
Wow. In a day natapos nya lahat yun? She's still organized. Napaka galing nya mag manage ng schedule nya.
"That's good. Hindi ko na muna sasabihin kay Phia na ikaw ang magsusundo sa kanya. Surprise nalang. I'll cook lunch." Ano kayang iluluto ko?
*Macy's POV
"Dun ka pa din ba nakatira?" I know his address. Highschool palang may sarili na syang bahay. Umuuwi lang sya sa kanila kapag nandun ang parents nya. Lagi kasi silang nasa States.
"Yes. I'm still living in the same house. Pinarenovate ko na nga lang to make it bigger. Kasama ko padin si Nay Ising." Si Nay Ising. Ang ever maalalahanin na si Nanay Ising. Ang bait bait nun eh. Napatingin ako sa wall clock at narealize ko na sobrang tagal na naming magkausap, 10pm na?! So it means halos isang oras na kaming nag kekwentuhan dito? Shooot!
"Ah sige. We'll be there by lunch. Sige good night na, maaga pa ko bukas."
"Ah sige good night din. And thank you. Bye." Sabi nya then he ended the call.
Nakahiga na ko sa kama ko. Kakatapos ko lang mag empake ng mga dadalhin ko.
Sa loob ng isang araw ang daming nangyari. Nakita ko si Kurt, nalaman ko na nagkaanak sila ni Tiff, naging substitute nanay ako at ngayon, bumaliktad na ang mundo ko. Parang kahapon lang everything is organized. Gigising ako ng maaga para pumasok sa school, buong hapon ko nasa opisina ako. I already have my life back on track. I already have plans for my future! After everything stumbled down 5 years ago, heto ako at nakabangon na. Tapos ngayon ano? Nakigulo nanaman ako sa problema ng iba?! To make things worse sa EX ko pa! Hindi ko lang basta binuksan ulit yung pinto ng buhay ko para magkaroon ng chance na makapasok sya, ako pa mismo yung humila sa kanya papasok ng pumayag akong maging nanay ng anak nya! What a life.
Anak nya. Anak nila. Hindi padin ako makapaniwala. Hanggang ngayon di ma-process ng utak ko yung sinabi nya. Paano nagawa sakin ni Kurt yon? Paano nagawa sakin ni Tiffany yon?! Hindi lang nila ko basta niloko, nagbunga pa yun. Tapos ako ang mag aalaga sa bunga ng kasalanan nila? Kelan pa ako naging masokista?
BINABASA MO ANG
Fake Mommy
HumorLianne Macy Mendoza. 21 years old. 34-24-34. Heiress of M-industries. □ single. □ taken. ✔ Depends on who's asking. Join her as she takes a big leap from her perfect life to this sweet disaster. "MOMMY! MOMMY MACY KO!"