*Macy's POV
"Yang I already know that!" sigaw ko dahil kausap ko si Stef at Yang.
"Macy, alam mo ba talaga yang pinasok mo?! Iniwan ka na nya noon! What makes you think na he will stay for good this time?! Ipapaalala ko sayo ha. 5 taon ka ng stuck up sa ex, oh wait let me emphasize that, EX BOYFRIEND mo. Ilang taon ka nang umiiwas sa lalaki. Ilang taon ka na ding galit sa kanya dahil iniwan ka nya sa di malaman na dahilan. Tapos ngayon ikaw pa ang tutulong sa kanya?"-Yang
"Hindi naman si Kurt ang dahilan kung bakit ko ginawa yun. Si Phia. Alam nyo naman yung- -"-Macy
"Yung pinagdaanan mo nung bata ka pa at ayaw mong maranasan yun nung Phia." Pagtutuloy ni Yang sa naputol kong sasabihin.
"Ulol! Sinong ginagago mo ha? Sabihin mo kinagat mo yung paawa ni Justin! Wag mo nga kaming pinaglololoko! Kung yung iba iniisip na nakamove-on ka na, pwes alam namin na hindi! Mahal mo parin yung hayop na yun!"-Stef
"STEFHANIE BUENAVENTURA! Bunganga mo ha! Pero oo nga, sure din ako mahal mo pa yun." Sabi ni Yang na halatang kinilig sa sinabi nya. Hala si Yang, bipolar lang? May pa sigaw-sigaw pang nalalaman tapos biglang kinilig? Haha
"Sorry na Yang. Pero Macy, Ipapaalala ko din sayo na binasted mo lang naman yung artista na ngayong si Enrique, pati yung architecture student na tagapagmana lang naman ng Rodriguez Industries and not to mention, yung bestfriend mo for god knows how long na si Mike. Gwapong un? Binasted mo lang?! Pustahan tayo oh, by the end of the month mas pipiliin mong manatili nalang as Phia's fake mommy. haha"-Stef
"Sige ba! Game ako dyan." Parang kinakabahan ako dun ah. Kaya ko nga kaya? Hindi ba mahuhulog ang loob ko sa kanya?
Kaya mo yan Macy! Kaya mo yan. Hindi mo na sya mahal. Nililito ka lang ng gwapo nyang mukha. Ooopps, erase. haha
Yan, dyan ka magaling. Ang hina ng puso mo sa gwapo. Ang problema, maling gwapo yung natipuhan mo.
"Whatever. Sige na, I have to go. Kailangan ko pa mag imbento ng kwento na kakagatin nila mommy at daddy. Ayy mali, sasabihin ko kela mom and dad yung totoo tapos iimbento ko ng kwento para sa mga magtatanong. " Ayyy ewan, napakagulo! How am I suppose to fix everything in just one day?!
"More actions, Less words. Sige na, una na kami. If you need help with anything, tumawag ka. Bye" Sabi ni Stef at hinila na si Yang before she could even react.
O-KAY....
So ako nalang ngayon? Di man lang nila ko sinamahan diba? Soooo nice of them.
Kailangan ko ng mental checklist. Tama. Yun nga ang kailangan ko.
Macy's Mental Checklist:
1.) Talk to mom and dad.
2.) Fix everything at the office.
3.) Get a new class schedule.
4.) Make a BELIEVABLE story.
*Kurt's Pov
Nandito na kami sa bahay. Inutusan ko agad si Nay Ising na ayusin ang magiging kwarto ni Macy. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Tuwa, kaba, takot. Halo halo eh.
Ang laki ng kasalanan ko sakanya. Halos ikamatay ko ang paglayo sa kanya noon pero ayokong mas lalo syang masaktan. Hanggang ngayon alam ko sa sarili ko na mahal ko parin sya. Hindi naman nagbago yun. Hindi ko nga alam kung paano nangyari ung samin ni Tiffany eh.
Kung sana hindi nalang ako pumunta noon. Kung sana nanatili nalang ako sa bahay ng gabing yon. Edi sana masaya ako. Sana kami pa ngayon. Sana ..
Di ko napansin ang pag-agos ng luha. Pucha! Kabaklaan ba! Dali dali akong tumalikod ng pumasok si Nay Ising. Sya na ang nag-alaga sakin simula nung bata ako. Lagi kasing nasa States sila mama at papa. Siya lang ang nakakaalam ng buong katotohanan bukod kay Ann.
BINABASA MO ANG
Fake Mommy
HumorLianne Macy Mendoza. 21 years old. 34-24-34. Heiress of M-industries. □ single. □ taken. ✔ Depends on who's asking. Join her as she takes a big leap from her perfect life to this sweet disaster. "MOMMY! MOMMY MACY KO!"