*Kurt's POV
Halos 8 na ng makarating kami kela Macy. Kinailangan pa kasi naming i-check lahat ng items kung may defects.
"Oh anak, bat ginabi kayo?" tanong ni papa.
"Medyo natagalan po kasi sa office nila Mace. May kinailangan syang tapusin." Tipid na sagot ko.
Sa di kalayuan, tanaw ko si Macy na ginigising si Phia sa backseat ng kotse ko. Napagod si bata oh. Plakda na. haha
"Baby, gising na. Nandito na tayo sa house nila lolo and lola. Di ba sabi mo papakita mo yung designs mo sa kanila?" rinig kong alo ni Macy sa anak ko.
"I used to watch her mom do the same thing when she falls asleep at the car." Ani ni Tito Daniel.
Hindi ko namalayan na nandun na pala sya.
"Justin, tell me the truth, do you still have feelings for my daughter?" dugtong na tanong nya ng hindi ako sumagot sa naunang sinabi.
Do i still have feelings for her? Yes. It never changed. Nagkataon lang talaga na may nagawa akong pagkakamali na hindi ko na nagawa pang itama. Mas pinili ko nalang na mahimik at hindi sumagot.
"On the other hand, mas mabuti siguro na hindi ko na malaman ang nararamdaman mo. That way, hindi ko kailangan makialam sa buhay nyo. Pero tandaan mo Justin, the moment my daughter cries because of you, i will make sure that you will be out of her life for good." After that lumapit ito sa anak na patuloy and pag gising kay Phia.
Tito's right. Hindi ko na pwedeng paiyakin ulit si Macy. I was lucky enough to have a second chance, and I dont want to push my luck. Gagawin ko ulit lahat para mabalik ko lahat sa ayos.
*Macy's POV
"How was work?" tanong ni daddy sakin.
"Ayos lang naman po. Medyo nahirapan lang kaming imeet ang demands ni Mr. Chua. Pero nagawan naman po ng paraan, thanks to Kurt na tumulong samin." Agad kong kwento kay dad.
"Nako wala naman akong masyadong naitulong sainyo eh. By the way Phia, di ba ipapakita mo yung mga designs mo sakanila?" baling ni Kurt kay Phia.
Agad na tumakbo si Phia sa kinalalagyan ng bag nya para kuhain ang mga drawing nya. She looked excited to show them her "designs". Hahaha
"Here po oh, lolo, lola." Abot nya kela mommy at daddy. Kanina ng ipakilala namin sya, napansin ko na kinakabahan sya. Pero the moment mom hugged her, naging kumportable na din sya sa mga ito.
"Wow naman, ang gaganda. Macy you should help her make her portfolio. May talent si Phia" mom praised her and it made Phia giggle.
"Actually mom, I included those designs sa mga isasample kay Mr. Chua bukas. The team agreed. I modified it a bit pero that's still the skeleton." Nakita ko na proud si Mommy sa achievement ni Phia. Besides, dyan din ako nagsimula dati. Hahaha
"By the way, I want to inform you na lahat ng kailangan sa kasal nyo ay naayos na namin nila Kath. From invitations to the reception venue, arranged na. The wedding will be held 3 days from now. Syempre kailanga----"
"3 days from now?! Tita isn't that all too sudden? " naputol ang sinasabi ni tita Marga ng hindi ko mapigigilang magreklamo.
"Oo nga naman mama, parang ang bilis naman. I want to invite my friends abroad. Kahit na---"
"Manang pakisamahan naman po si Phia sa taas para makapagbihis na sya." Putol ko sa sasabihin ni Kurt. I dont have to be a fortune teller para malaman ang kadugtong ng sasabihin nya.
"Your friends already confirmed na darating sila sa kasal nyo. We called all of them kanina. " sabat naman ni Mom.
Seriously, sila ba ang ikakasal at alam nila lahat ng gusto namin? Hahaha
"So lahat po pala ayos na? " tanong ko habang palipat lipat ang tingin sa mga magulang namin.
"Well we still need your approval. Kahit na lahat ng kailangan ay ayos na, we won't have a wedding unless both of you will be there." Diretsong sabi ni Tito Alfred.
Nga naman, alangan namang ikasal kami ng wala kami dun, ano yun proxy? Haha
Tumingin ako kay Kurt at marahang tumango as a sign of my approval.
"Then it's settled." Kurt firmly stated.
Inexplain nila samin lahat from the entourage to the food. Lahat talaga handa na. Shucks, kami nalang talaga ang kulang. Pinakita nila samin yung mga gown ng abay at syempre yung isusuot namin. It was wonderful. Lalo na yung rings. Simple lang sya with engravements sa loob.
Ikakasal na ko. Ikakasal na talaga ako.Wew, I never expected that this day will still come true. Kurt and I are two souls that drifted apart pero ngayon heto, ikakasal na kami. Even though it's fake, I want to make the best out of it.
Kinabukasan maaga akong pumasok sa office. Ibinilin ko si Phia kela Mommy.
Pagdating ko sa office inumpisahan na namin ang pag aayos ng dadalin sa office nila Mr. Chua. Ipepresent kasi namin ang mga samples sa kanya today.
I called his office para iconfirm ang pagdalo namin sa meeting mamaya.
By 9am, we were on the way to Mr. Chua's office. Di ko alam kung bakit kinakabahan ako. Lahat naman ayos na and i'm sure na magugustuhan ni Mr. Chua ang lahat ng designs namin. Pero something is still bothering me. Parang may mangyayaring mali.
*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPPPPPPP!!!!!
*Kurt's POV
Ilang araw na lang ikakasal na ko! I received a lot of calls from my friends this morning at sabi nila kailangan daw may bachelor's party ako. Sabi pa nila, maghahanda daw sila ng party tonight. As in agad agad na noh? Excited sila? Parang sila ang ikakasal ah. Hahaha
I was looking at Macy's picture na nakapatong sa desk ko. Kinuha ko ito at tinitigang mabuti.
"In 3 days, you will be Lianne Macy Lee. Bagay. haha" I know, para kong baliw dahil kinakausap ko nanaman ang picture nya. Hahaha
*I'll say will you marry me?... I swear that i will mean it. I'll say will you marry me...?
Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng biglang may tumunog yung ringtone ko na Marry Me ni Train. Kaninang umaga ko lang yan pinalitan. Natuwa kasi ako sa message nung kanta.
*Blaaaaaagggg
Her picture fell from my hand and nothing but worry and panic was left of me.
All the happy thoughts vanished ng marinig ko ang sinasabi ng kausap ko sa telepono.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Justin! Iho! You have to hurry! Si Macy, nasa ospital!" sigaw ng mama ko na alam kong umiiyak na.
Why does this have to happen now?
**************************
Vote/Comment/Messages will be highly appreciated.
Copyright ©2014 by reen031
All Rights Reserved
BINABASA MO ANG
Fake Mommy
Hài hướcLianne Macy Mendoza. 21 years old. 34-24-34. Heiress of M-industries. □ single. □ taken. ✔ Depends on who's asking. Join her as she takes a big leap from her perfect life to this sweet disaster. "MOMMY! MOMMY MACY KO!"