The Truth

14.4K 291 4
                                    

*Kath's POV

Tingin ko kilala nyo nanaman ako. Ako ang mommy ni Macy. Well, atleast ako ang kini-kilala nyang mommy.

Tama kayo ng nabasa. Hindi ako ang tunay nyang ina. Actually, hindi namin sya anak ni Daniel. Macy is Daniel's niece. Anak sya ng nakatatandang kapatid ng asawa ko. Dont get us wrong. Hindi namin itinago kay Macy na adopted lang sya. Pero despite the fact na alam nya ang totoo, she never asked questions regarding her real parents.

Nakilala pa ni Macy si Suzette. Suzette Mendoza is her real mother. Pero sa kasamaang palad, patay na sya. She died when Macy was 7. Cancer. We were highschool friends at alam ko lahat ng nangyayari sakanya. Close kami ee. Kaya alam ko pati ang kwento nila ni Arlan.

*FLASHBACK

"Kath *hik .ka-th" Ate Suzette said in between her cries.

"Bakit ka ba umiiyak ate? Ano bang nangyari? Nag kausap na ba kayo?" alalang tanong ko.

"Buntis ako. Ka-th *hik bun-tis ako." Mas lalo pa syang umiyak.

Naiintindihan ko sya. Knowing na sya ang eldest sa kanilang magkakapatid, nasakanya nakapatong lahat ng pressure sa family nila. And now this. Buntis sya.

"Nasabi mo na ba kay Arlan?" marahan syang umiling at nagpatuloy sa pag iyak.

"Ate, kailangan nyang malaman. Kahit pagbalibaliktarin mo ang mundo, may karapatan sya." Alam nyang tama ako pero alam ko din na hindi sya sasang-ayon.

"Kath alam mong hindi pwede. Oo! May karapatan sya dahil anak nya to. Pero after what he did?! For peter's sake, wala na kong pakialam kung mamatay na sya ngayon! He cheated on me Kath. To make things worse, hindi nya sakin sinabi na ikakasal sya sa iba! Now tell me? Karapat-dapat ba syang maging ama ng anak ko?!" anger, pain and loneliness filled her eyes. Tears kept falling down her cheeks.

Nasasaktan akong makita sya ng ganito dahil parang ate ko nadin sya.

"Anong plano mo?" wala na kong maisip kundi damayan sya at suportahan nalang sa gusto nya. She's been through a LOT.

"Im going back to New York. Dun ko palalakihin ang bata. Kung maaari sana, kayo nalang ni Daniel ang makakaalam kung san ako pupunta." Tumango lang ako at nagsimula ng magbook ng flight para sa kanya. Alam kong buo na ang desisyon nya.

After that day, Hindi na nya kami kinontact. Kahit ang parents nila, hindi alam kung saan talaga nagpunta si Ate Suzette. For 7 years, she only sent me emails once in a while. Para lang sabihin na ayos lang sila ng anak nya. But one day, nagbago ang laman ng email na ipinadala nya.

_____________________

From: Suzette Mendoza

Help me Kath. Kailangan ko kayo ni Daniel dito as soon as possible. Please be ready to stay for a while. Im counting on you.

_____________________

Yan ang huling email na natanggap ko mula sa kanya. The next day, pumunta agad kami ni Daniel

sa tinitirahan ni ate in New York.

*ding dong

Isang batang babae ang umiiyak na bumungad samin.

"Ma-ma.. My mama... She wont wake up." Sabi sakin ng batang babae. Kaba, takot at lungkot ang makikita mo sakanya.

Agad na napatakbo si Daniel sa kwarto ng ate nya at naabutan nito as nanlalamig na katawan ng kapatid. Patay na si Suzette. We were too late.

Fake MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon