Unexpected Events

16.5K 285 8
                                    

Remind ko lang po kayo, im only 17. Frustrated at hindi pro writer. Pag pasensyahan nyo na po ang typo errors.

Picture at the side. Stef-Yang-Macy

**************************************

*Macy's POV

Minsan napaglalaruan talaga tayo ng tadhana. I've been wondering kung sino siya all my life. Kung bakit di namin sya nakasama ni mama, kung bakit wala akong daddy, kung bakit nya ko pinabayaan. Pero the universe really has its way.

*CHUA CORPORATION BUILDING

Nandito ako ngayon sa office ni Mr. Arlan Chua. Ang sinasabi nilang biological father ko. I dont really buy their story. Seriously? Hindi nya alam na buntis si Mama Suzette? What a reason. Kung mahal nya talaga si mama, edi sana hinanap nya. Common sense naman!

"Ms. Mendoza pasok na daw po kayo." Sabi ng secretary ni Mr. Chua.

I followed her to Mr. Chua's office, knocked once before entering. Bumungad sakin ang isang lalaking prenteng nakaupo sa swirvel chair nya.

"Seems like nalinawan ka na din anak" panimula nya.

Anak? No way.

"Dont call me anak just yet. Im not convinced with your story. Remember, in the business world, we dont just sign proposals, it takes a lot of process before we approve." Didnt i tell you guys? May lahi ako. 25% mabait, 75% MALDITA. Yes, CAPS LOCK PARA INTENSE AT DAMANG DAMA.

"I know that this is a lot to process pero im telling the truth." Tears started forming at his eyes. Di kalaunan ay pumatak na din ito. I didnt say a word. I was waiting for him to continue pero hinihintay nyang bigyan ko sya ng signal to do so.

"Then explain." Matipid kong sabi with my emotionless face.

"Hindi ko niloko ang mama mo. I was saving her and her family from misery."

Saving?! You made her miserable!

"Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ayaw ng pamilya ko kay Suzette. Simply because my parents wanted me to marry Queenie's mom. I insisted na mahal ko si Suzette kaya they did everything to break us apart. Ginipit nila ang kumpanya ng mga Mendoza. Since ang mama mo ang eldest daughter, sya ang namamahala sa kumpanya ng mga panahong yun. She suffered a lot. I was a witness to her hardship. I was willing to fight with her pero hindi ko na kinayang makita ang mama mo na umiiyak araw araw dahil sa unti unting pagkawala ng mga investors at pagbagsak ng kumpanyang pinaghirapan ng mga magulang nya. My parents threatened me na uubusin nila ang lahat ng investors ng mga Mendoza kung hindi ko papakasalan si Nadine. Una tumanggi ako, pero nakita ko kung anong epekto ng ginagawa nila. Laging nagkakasakit ang mama mo nun sa sobrang stress. She cried a lot. She was in pain. M-Industry is Suzette's life. I cant take that away from her. Alam kong hindi sya papayag pag nalaman nya ang kundisyon ng magulang ko para maisalba ang kumpanya nila. Kaya pinalabas kong niloko ko sya. Na hindi ko sya mahal. Para sa ganong paraan, kamuhian nya ko. Makakalimutan nya ko. Masakit Macy. Mahal na mahal ko sya. Kung alam ko lang, kung alam ko lang sana na magkaka-anak kami, i should've fought harder. " Tears were streaming down his cheeks while narrating the story.

Mama, narinig mo ba yun? Di ka nya niloko, mahal na mahal ka nya. I wish you heard it loud and clear. Malakas naman siguro signal dyan sa langit ee. This is it Ma. The moment you've been waiting for.

"Pa-pa." I mumbled as i stepped closer.

Lumapit ako at niyakap sya. All my life i've been waiting for this day. The day na makikilala ko sya. I can't believe that i was looking for someone who's already in front of me.

Fake MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon