Picture po ni Queenie on the side :)
-------------------------------------------------
*Macy's POV
After naming mapagkasunduan ang rules namin. We decided to wake Phia.
"Baby, baby gising na. Mommy cooked breakfast, lalamig." Paggising ni Kurt kay Phia.
Dahan dahang bumangon si Phia at nagkusot ng mata.
"Goodmorning po Mommy. Goodmorning po Daddy." She said and gave us both a peck on the cheek. Hinilamusan ko si Phia at sinuklayan ng buhok bago bumaba.
Inihain ko yung mga niluto ko kanina. Hindi pa naman malamig, sa oven ko kasi iniwan.
"Mommy, Daddy, pwede ba tayo mamasyal ngayon?" tanong ni Phia pagkatapos uminom ng gatas.
"Sure baby, saan mo gustong pumunta?" sagot ko habang pinupunasan ang bibig nya na may mark ng gatas.
"Kahit saan po mommy." She said with a smile at nagsimula ng kumain. Sinabi ko kay Kurt na mag mall nalang kami at pumayag naman sya. Pagkatapos kumain, niliguan ko si Phia at inayusan. Syempre ako din no, model yata ako, kaya kahit papano, magaling ako mag ayos. Pag baba namin sa sala, nakita namin na naghihintay si Kurt.
"Wow, ang ganda naman ng baby ko. Si mommy ba ang nag ayos sayo?" tanong ni Kurt at binuhat nya si Phia. Bakit si Phia lang ang pinansin? Unfaaaaair!!!
Wow ha, bata ka din?
"Opo daddy, pero mas pretty po si mommy oh." Sabi ni Phia at nagpout towards my direction. Very good anak. Tama yan. Hahaha
"I know baby, mommy looks gorgeous whatever she wears." >.< Sabi ni Kurt ng hindi man lang tumitingin sakin. Nakatingin lang sya kay Phia. Pero infairness, narinig nyo ba yon? Maganda daw ako. Hindi lang ngayon, always pa. Hahaha pwede kiligin?? Hahaha
Naging tahimik ang byahe namin. Hindi ko alam pero parang medyo naiilang ako. Para kasing may iba kay Kurt. Medyo mas nagiging touchy kasi sya kanina. Katulad nalang nung breakfast, tumayo sya sa likod ng upuan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Tapos nung naghuhugas ako ng plato, nakisali pa at nahawakan nya ang kamay ko. Hindi ko alam kung sinsadya nya ba pero iba yung feeling ko. Para bang ginagawa na nyang totoo lahat ng to. Ah oo nga pala. Sumusunod lang sya sa rule #5. We have to act like a real couple. That explains it.
Yeah, wag mag assume atey. Mababasag nanaman ang kapusuan natin haha.
Ano bang klaseng konsensya to? Daming komento. Dami mong alam!
Whatever.
Bumili muna kami sa DQ ng ice cream. Habang naglalakad kami sa mall, ninanamnam namin ang masarap na cookies and cream na ice cream.
"Baby tingin ka dito" sabi ni Kurt at sinunod naman ni Phia. Nauuna kasi syang maglakad samin. Pinicturan sya ni Kurt at nagpatuloy na kaming maglakad. Picture dito, picture don. Haha puro picture. Hindi namin namalayan na tanghali na pala. Kailangan na naming maglunch.
"San nyo gustong kumain? Lunch na." Tanong ko sa kanila. Saglit silang napatigil para mag isip.
"Babe remember sambokojin? Yung buffet style resto na kinainan natin dati?" ah yung parang japanese/korean restaurant. Oo nga masarap dun.
"Sige dun nalang. Namiss ko yun. Tsaka para maexperience ni Phia magluto hahaha" sagot ko.
"Really mommy? I will cook?" nagningning yung mata ni Phia nung narinig nya yung magluluto. Hahaha ang cute.
"Yes baby, you will cook you own food."
Sa sobrang excited ni Phia, nauna na syang pumunta sa buffet counter pagkapasok palang namin sa resto. Sinundan ko sya at sinenyasan si Kurt na hintayin nalang muna kami.
BINABASA MO ANG
Fake Mommy
HumorLianne Macy Mendoza. 21 years old. 34-24-34. Heiress of M-industries. □ single. □ taken. ✔ Depends on who's asking. Join her as she takes a big leap from her perfect life to this sweet disaster. "MOMMY! MOMMY MACY KO!"