[YeonJi]
Isang linggo nang absent si Luhan. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Haisst..... Bakit ko ba siya pinapakailaman? Muntik na nga niya akong saktan e.
"YeonJi, sasama ka ba sa amin? Dadalawin namin si DO?" tanong ni Baekhyun.
"Ah, hindi na muna. Sa susunod na araw na lang." sagot ko.
"Ganun ba? Ihatid ka na lang namin sa inyo." sabi ni Chanyeol.
"Ah hindi na rin." sagot ko.
Kanina ko pa napapansin na ang tahimik ng iba, lalo na si Kai. Sa totoo lang, ilang araw na silang ganun. Tatlo lang sina Chen, Baekhyun at Chanyeol na madaldal pa rin.
Umalis na ang B.Wolves nang hindi man lang nagpaalam sa akin. Nakakatampo naman sila.
Paglabas ko, ay may napansin akong mga nagkukumpulang mga babae sa may gate. Tinignan ko kung bakit.
"Anong nangyari?" tanong ng isang babae.
"Bakit kayo nagkaganyan?" tanong ng isa pa.
"Kawawa naman kayo." sabi ng isa pa.
Pinalilibutan ng mga babae ang B.Wolves. Puro kasi pasa at gasgas ang mga mukha nila kaya alalang- alala ang mga admirers nila.
"YeonJi! Ba't ang tagal mo naman. Kanina pa kami naghihintay." sigaw ni Chen.
"Pasensya na. Hindi ko alam na hinintay niyo ako." sabi ko.
"Pwede bang iwan ka namin ng hindi pa nagpapaalam. Sige YeonJi mauna na kami. Mag-ingat ka daw sabi ni Kai." sabi ni Chanyeol.
Tumingin ako kay Kai pero wala pa rin siyang imik. Wala man lang bakas ng ngiti akong nakikita sa mukha niya.
"Wag kang mag-alala. Yun talaga ang sinasabi ng puso at isip niya. " sabi ni Baekhyun at naglakad na sila palayo.
"Sino ba yang babaeng iyan?"
"Nakakainis. Bakit ba niya nilalandi ang B.Wolves ko?"
"Swerte naman niya. Sana ako na lang ang palaging kasama ng B.Wolves."
Naririnig kong bulungan ng mga babae.
"Kahit kailan talaga. Kung sino pa ang pangit, iyon pa ang malandi." sabi ng isa na pamilyar ang boses.
"Pangit? Pangit daw?"
"Hindi naman siguro siya pangit para lapitan ng B.Wolves."
Bulungan ulit ng mga babae. Humarap ako sa kanila at tama nga ang hinala ko. Si Tae Hee ang tumawag sa akin ng pangit.
"Buti naman inaamin mo na, na pangit ka. Sayo na mismo nanggaling na kung sino pa ang pangit ay sila pang malandi. E di ba, nilalandi mo nga ang boy friend ko." sabi ko kay Tae Hee.
"Boy friend? May boyfriend siya?"
Ano ba 'tong sinasabi mo YeonJi. Boy friend? Gusto mo bang malaman ng iba yun tungkol sa inyo ni Kai? At isa pa, di ba wala na kayo. Wag kang magpadala sa galit mo kay Tae Hee. Wag mo na lang siyang pansinin.
"Sa totoo lang, di ba wala na kayo ni Kai! Wag ka ngang ilusyonada!" sigaw ni Tae Hee. Ano ba naman 'to. Bakit kailangan pa niyang magbanggit ng pangalan? Hay, ngayon pa ba ako aatras sa laban namin. Mananalo't mananalo din naman ako.
"Si Kai ang boy friend niya?"
"Kaya pala palagi siyang kasama ng B.Wolves."
"Ang swerte naman niya."
"Sino kaya ang ilusyonada? Sino ba sa atin ang humahabol at umaasang maging syota si Jong In. 'Di ba ikaw?! Kahit na may girlfriend na yung tao, nilalandi mo pa rin." sagot ko.
BINABASA MO ANG
Back Away from Her! (엑소)
FanficIto pong storya na ito ay medyo hango sa mga vcr, performance, at drama version na ginawa ng EXO. First time ko lang po magsulat ng storya pero sana magustuhan niyo. V(^-^). At isa pa pala: Please always support EXO!!!!! V(^-^). [Story is stopped. N...