Hello, sorry for my late update. Sorry for the typos. Sa ipad ko lang po kasi tinype eh. Srry.
--
Point of view ni Yara. (Yes, Yara na ang tawag niyo sa kanya ha?)
So siguro naman natutuwa na kayo kasi nalaman niyo ang nickname ko noh? Wag muna magdiwang nickname palang yan. Eksaherada?
So eto ako ngayon, naghihilamos para makababa na ako. Saturday na ngayon. Ang bilis nga ng araw eh. 1 week na nakalipas din simula nung 'forgotten date incident' namin nila David.
Speaking of the David. Tinangap niya na yung sorry ko kahapon. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip niya at tinangap niya yun.
Pero, wag ko ng problemahin yun. At least tinangap niya diba? Aangal pa ba ako? Hindi naman makatutulong sa pagsnow sa Pilipinas ang pagangal eh.
Pagkababa ko ng hagdan nakita ko kaagad sila mami at sila kuya na nagaalmusal na. Hindi man lang ako hinintay, parang hindi ako kapamilya ah? Syempre kapuso ako eh. Maka-7 kaya ako. Loljk. K for korni. Tsaka, channel 2 talaga ako. Haha. Gusto ko nga yung Kathniel pati yung Myrves eh. ;D
"Good morning 'nak! :)" bati sa akin ni mama with matching smiley face pa.
"Good morning din po Ma!" tapos hinalikan ko siya sa cheeks niya. Syempre sweet ako eh. Haha.
"Good morning kuya." tapos ganun din, hinalikan ko din sila sa mga cheeks nila. Sweet nga kasi ako.
"Good morning din." bati nila ng sabay. Praktisado.
Pagkaupo ko sa dining chair kinuha ko kaagad yung natitirang chicken fillet, alam ko kasi na kukunin yun ni kuya LJ eh. Haha. Kaya ayun pagkakuha ko nakabusangot yung mukha niya. Binelatan ko nalang siya. Bwahahaha.
"So, may plano kayo today mga anak?" tanong sa amin ni Mama particularly kila kuya. College students nga kasi sila diba? At saturday ngayon so pwedeng may mga thesis or something important silang kailangang gawin.
"Wala naman po, Ma." kuya Lyndon.
"Pero may balak po sana kami." kuya LJ.
"At ano naman yun aber?" tanong sa kanila ni mama with matching irap pa. Haha. Mukhang teenager talaga tong nanay ko.
"Gusto po sana naming mag-amusement park." kuya LJ.
"Kasama po si princess. Para naman po may brothers day kami diba?" kuya Lyndon. Teka? Kasama ako?
"Bakit kasama ako? Hindi ba brothers day? Bakit kasama ako?" ako.
"Ay? Hindi ka ba namin bro?" tanong sakin ni kuya Lyndon. Tapos nagapir silang dalawa ni kuya LJ. Ang sama talaga ng ugali ng dalawang to. Dagdag mo pa si mama na tumatawa lang. Dadi please help me! Lol.
"Sabi ko nga bro niyo ko eh, sis." tapos binelatan ko sila. Uso bumelat ngayon eh. Bleh.
"Aba't!" aakma na sana ng suntok si kuya Lyn ng awatin siya ni mama.
"Oh tama na 'yan. Hindi ba dapat naghahanda na kayo para sa lakad niyo?" pagpapaalala samin ni mama tungkol sa pupuntahin nila, I mean namin.
"Tara na nga J. Hmp." kuya Lyndon sabay irap. Bwahaha.
"Mukha ka talagang bading." asar sa kanya ni kuya LJ pero seryoso pa rin yung mukha. Epic face. Tapos nagapir kaming dalawa. Hahaha. Partners in crime kasi kami niyan.
BINABASA MO ANG
"miss, ano name mo?"
Teen Fiction"Knowing a person's name is like knowing his/her own personality."