--
Yara's point of view.
"Dalian mo na, David! Kay bagal!" sigaw ko kay David na hingal na hingal na tumatakbo sa likod ko. Eh, pano ba naman kasi malelate na kami.
"Sandali lang diba? Ang bilis mo naman kasi tumakbo eh." sinasabi niya yun habang yung mga kamay niya ay nasa tuhod niya.
"Malamang mabilis, natakbo nga diba?"
"Osha tara na." kinuha niya ang kamay ko at ininterwine sa kanya. Aba.
"Ang kamay ko." pero mas lalo niya lang hinigpitan yung hawak sa kamay ko.
"Ayoko."
"Hindi kita pakakasalan." agad agad naman niyang binitawan ang kamay ko nun. Kaya eto na ang oras para tumakbo ako ng mabilis.
Nandito na kasi kami ngayon sa hallway, at nagbell na kanina pa nung nasa guard house palang kami. Eh ayoko malate baka papilahin ako sa covered court at pagpulutin ng 50 tuyong dahon. May flag ceremony kasi ngayon eh. TToTT
Pagdating ko sa may covered court ay nakapila na ang lahat at hinihintay nalang nila ang late. Buti nalang naghihintay sila ng 5 minutes, pero mayrong punishment, nakalagay ka na kasi sa 1st warning.
"Pangalan?" tanong sakin ng head ng student council.
"Maria Clara Mendez." oh yes. Ako si Maria Clara Mendez. Kapatid ni Leonardo Jose Mikaelo Mendez at Lyndon McKinley Mendez na anak ni Genevieve at Carlo Mendez. Bestfriend ni Patrick Valencia at Lulu de Moricef. At ang soon to be wifey ni David Lee! :)
Sabi nga nila, "Knowing a person's name is like his/her own personality."
My name is Maria Clara Mendez, isang conservative na babae, madaldal, magalang, ugaling bukid, mahinhin, matalino, maganda, lapitin ng mga lalaki, honest at higit sa lahat maganda. Joke lang! Hahaha. Paulit ulit? Maganda na kanina maganda pa rin ngayon? XD Hindi ako yung kilala niyong Miss A na maangas, tahimik, kung kumilos ay parang lalaki, swagger, mahilig makipagsagutan at kakaonti ang kaibigan.
Obviously, kabaliktaran ni Maria Clara si Miss A. Hindi mahilig maglagay ng bag sa balikat si Clara. Mahilig sa kaibigan si Clara. Masayahin si Clara. Matakaw si Clara, pero parehas namang maganda si Miss A at Clara. Hahaha.
Ewan ko ba kung bakit ko naisipang baguhin ang ugali ko tuwing papasok ako sa school. Siguro kasi gusto kong malaman ng mga tao kung anong first impression nila sakin at gusto ko ding malaman nilang lahat ng tao ay magbabago't magbabago, sa ayaw at sa gusto nila.
Bakit ba kasi ang layo ng nickname ko sa Maria Clara? Eh ang bulol nung nagbigay nung nickname eh. Maria Clara nalang hindi pa masabi.
"Mayiya Yara.." tamo. Eh sino pa ba ang nagbigay sakin ng nickname na yan?
Si David malamang.
"Tara na." hindi ko napansing nasa likod ko na pala siya. Ang daldal ko nanaman kasi eh. Hahaha.
Pumila na kami at agad agad namang nilista nung head ng student council yung pangalan namin sa may record book niya. Hoooo. 1st warning.
Nataposyung flag ceremony at punishment samin. Hindi na ako nagingay kasi baka paglinisin pa ako at patakbuhin dahil sa 2nd warning. Mahirap yun pare ah!
Pagdating naman namin sa classroom ni David ay nandun na yung first teacher namin.
"Good morning ma'am, sorry we're late." nagbow kami meaning we're sorry. At dahil mabait naman tong first teacher namin ay pinapasok na kami't pinaupo.
BINABASA MO ANG
"miss, ano name mo?"
Teen Fiction"Knowing a person's name is like knowing his/her own personality."