The Start

187 6 3
                                    

Prolouge:

"We should love, not fall inlove, because everything that fall gets broken"

"I've Changed. I'll show you"

"Minsan kelangan mong umiyak para mailabas ang sakit, pero minsan kelangan mo din lumaban."

-

Chapter 1'

Luke at Me.

"Goodmorning tay! aalis na po ako. I love you!"

"Kumain ka muna anak!"

"Hindi na tay! maleLate na po ako e."

ininom ko yung gatas ko at kumuha ng isang pirasong tinapay, sinoot ang roller skates ko at nagpunta ng school.

By the way, Ako nga pala si Shanna Javier, 16, 4th year highschool sa East Academy. May bestfriend ako, kaso lalaki, isa syang Geek na Nerd, Haha :D Siya si Chandler. Walang gusto makipag kaibigan sa kanya kasi Nerd nga sya at sakin din kasi Mahirap lang ako. Pero okay lang. Yung iba nga walang makain e.

"Hi Chandler!"

Bati ko sa kanya ng magkasalubong kami sa gate.

"Hi Shaneng! Sabay na tayong pumasok?"

"Oo ba! Tara?"

Shaneng! Ayun sya, nandun sya Shaneng. Nahihiya ako. tignan mo nga kung ayos pa ang muka ko

mapagpanic na tanong ni Chandler nasa labas kasi ng room namin ang crush nyang si Kath, model sya ng isang sikat na Clothing Line dito, maganda syempre at matalino. pero gaya nga ng sabi ng marami, nobody's perfect, kaya ayun! medyo sumabit sa ugali!

"Hay nako Chandler! tara na, wag ka na magpantasya dyan."

"Sexysis, you're number one Fan," sabi nung isang kaibigan ni Kath

"Ohw I see, hmm.. you look good today Chandler! May kamuka ka e, si Dexter, yung sa TV?" puri ni Kath kay Chandler

"Sino sexysis? si Dexter Ocampo?" sabat nung kaibigan ni Kath

"Boba! Umalis ka nga dyan" sabi ni Kath, Umandar nanaman ang katarayan, pati ba naman ang kaibigan. tss.

"At ikaw Babaeng Kalye?" She was talking to me. Tinignan ko lang sya.

"You looked, eeewww!"

Hindi ko na lang sya pinansin at pumasok na ko ng room, pero pag pasok ko,

Booooggggsssh!

"Hahaha!" tawanan ng mga kaklase ko,

"Oh Shanna, mamaya pa ang swimming class natin, excited ka? pati ba naman sa sahig nagswimming ka?"

-Kath

"Shanna ayos ka lang?"

-Chandler

"Nakakaawa ka naman Shanna"

-Kath

napipikon na ko talaga sa babaeng to! pero papalampasin ko to hanggat kaya ko. pero pag ako napikon na' humanda sya!

Tahimik akong nagpunta sa rooftop, nasa library kasi si Chandler. Magaaral daw sya para sa exam namin. next month! haaay nako. >.<

Naupo ako sa gilid at umiyak, naaalala ko si Nanay. bago sya namatay, naalala kong sinabi nya sakin, "Wag na wag ka magpapaApi sa mayayaman anak, Mahal na mahal ko kayo ng Tatay mo" namatay sya sa sakit na Cancer.

"Lagi ka na lang ba iiyak?"

biglang may nagsalita mula sa likod ko, at nagabot ng panyo. si Luke, Isa syang sikat na estudyante dito, matalino sya, mayaman, gwapo. pinapangarap ng marami dito sa school na to.

"Sss..a, Salamat"

"Minsan kelangan mo talaga umiyak para ilabas ang sakit pero minsan mas kelangan mong lumaban"

pagkasabi nya umalis na sya, pahapon na kaya umuwi na ko. nagpahinga na para sa isa nanamang araw ng kaguluhan bukas.

-

(A.N. : ayan na yung Chapter 1ko. Comment naman dyan Guyth! para sipagin magUD Salamat!)

Change the WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon