Mika's POV
"Tara na Shanna! Bilisan mo!"
"Sandali! Kelangan pa ba talaga to?"
"Aba! Oo naman. This time ako na muna ang masusunod ok?"
papunta kami ni Shanna sa Drugstore para bumili nh Pregnancy Test.
Lately kasi parang may mood swings sya, tapos madalas mahilo, last time naman umagang umaga nagkakanda duwal,
"Pero Miks.. Nahihiya ako,"
"Walang dapat ikahiya kung 'HINDI' naman di ba? Sinabi mo sa kin kaninang 'HINDI NAMAN SIGURO' kaya siguraduhin natin."
"Pero Miks...".
bahagyang tumamlay ang boses nya,
"Shanna.. Look! We need to do this, NO! YOU HAVE to do this with me."
pareho na kaming nakatayo sa harapan ng counter, bakas sa muka ni Shanna ang Hiya, Takot at Kaba.
"Isang Pregnancy Test nga miss.."
Napatingin si Shanna nang ako ang bumili, bakas naman sa muka nya ngayon ang pagkagulat.
"Pregnancy Test po? Ilan taon na po ba kayo?"
parang bigla akong nainis sa Sales Lady,
"Bakit pati edad ko kailangan mong tanungin? Tulad na ba ng pagbili ng Condom ang pagbili ng Pregnancy Test ngayon? At isa pa, may masama ba sa pagiging Batang Ina? Magkano?"
"200 po,"
"Oh eto! Magbebenta ka rin naman pala e bat kailangan pa alamin edad ko."
"Uy Mika.. Tama na, Tara na!"
"Nakakainis kasi e. Ano bang masama sa pagiging batang ina, wala naman di ba?"
napatingin lang sya sa akin.
hindi naman talaga yon ang point ko e. Ang point ko dito e yung kung paano na lang kaya kung si Shanna yung bumili? tapos tatanungin kung ilang taon na sya, tapos ano? IjaJudge sya dahil don.
"Miks..."
"Hmm?"
"Thankyou.."
"Anong Thankyou? Babayaran mo yan no, ang mahal pala nyan. 200? Akala ko mga 60 lang ganon. Isang beses lang gagamitin e."
"Baka digital."
Natawa na lang ako bigla sa isinagot nya, seryosong seryoso ang pagkakasabi nyang Digital yung pregnancy tester, hahaha!
halatang walang kaalam alam tong babaitang to, pero sana ganyan pa rin sya pag nalaman nya yung resulta, ako kasi.. Parang alam ko na,
at naawa ako kay Shanna pati sa Tatay nya dahil dun, alam kong malaking problema to pag naging Positibo yung resulta, isa pa e kung pananagutan ba ni Luke ito.
Siguro naman. Kasi hindi ako papayag ng hindi nya pananagutan ang Bestfriend ko, dahil ako ang makakalaban nya.
