Shanna's POV
Abnormal na lalaki talaga yon. >.< ang yabang kakainis. haaay! wala na talagang kwenta mga tao dun sa school na yon. Puro mga Matapobre.
"Oh anak? Bat nakabusangot yang pagmumuka mo?"
"Wala po tay! ang init kasi!"
"Napadaan nga pala si Ninong Kiko mo,"
"Talaga tay? Sayang naman po at hindi ko naabutan, ano pong gimawa dito?"
"Ehh ayon nga anak' mababakante ang trabaho nya bilang Department Inspector sa kompanyang pinapasukan nya, ehh naalok ako kung pwedeng ako na lang muna dahil kailangan nya lng muna dalawin ang mga kapatid nyang nasalanta ng bagyo doon sa probinsya."
"Ehh tay' wag na po. may nahanap na naman po akong trabaho dyan sa restaurant sa kanto e. dito na lang po kayo sa bahay tay!"
"Anak naman. Kahit papano nama'y may pinagaralan ako, at kailangan din ntin makaipon kahit papaano, mga dalawang buwan lang naman siguro yon anak' malalaki laking kita na rin yun."
"Sigurado po ba kayo tay?"
"Oo naman anak!"
"Ehh sige po."
Payagan ko na rin siguro si Tatay magtrabaho, sa bagay.. nayayamot lng sya dito sa bahay, sa pag aalaga ng mga halaman.. dapat siguro may iba naman syang pagka abalahan.. kaya ayos na rin..
Naglalakad ako papunta ulit ng Village sasamahan ko kasi ang kaibigan kong si Mika magdeliver ng Cupcakes sa isang bahay doon..
sana naman hindi ko na makasalubong ulit yung mayabang ba Lyndon na yun!
--
Lyndon's POV
Kakauwi ko lang sa bahay ng madatnan ko ang isang pamilyar na lalaking nakaupo sa sala ko.
"Xylo?"
tama nga ako, si Xylo nga, Brother ko.
lumingon lng sya sakin at ibinalik ng atensyon nya sa tv.
"Nakick Out ako ulet e."
"Ahh.. So san mo naman balak?"
"Sa school nyo."
lagi kasi syang nakiKick Out, Loko loko kasi, thug, Bad boy, pilyo, pasaway. at tama, sa school namin sya maghahasik ng lagim.
"Labas muna ko, nga pala nasira ko yung ref mo, palitan mo na lang!"
"Arrrrggg! Xylo!"
di kami magkasundo neto kadalasan. napaka kulit kc at isa pa hndi nya ko tinatawag na kuya! Ano nanaman kayang kabulastugan ang gagawin netong lalaking to.
(A.N.: Abangan nyo po kung paano mag kakakilala si Shanna at si Xylo! :)