"Tama na Shanna, makakasama yan sa baby mo sige ka.."
Nandito ako ngayon sa Cupcake Store ni Mika, may 2nd floor ito na nagsisilbing Kwarto nya,
"Kelan mo balak sabihin kay Luke yang tungkol sa bata?"
"Hindi ko alam Mika.."
"Anong hindi mo alam? Hindi pwedeng hindi mo alam Shanna! Pinalayas ka ng Tatay mo dahil sa kagagawan nyong dalawa, kaya dapat hindi lang ikaw yung nagsaSuffer!"
Parang inis na sabi ni Mika, Hindi ko rin kasi talaga alam kung anong mangyayari pag nalaman ni Luke to, natatakot akong baka.. Magalit sya,
"Sige! Kung di mo kayang sabihin.. Ako ang magsasabi!"
akmang aalis na sya ng pigilan ko sya,
"A..ako na.."
--
I end up Standing di kalayuan sa bahay ni Luke, natatakot talaga ko, hindi ko alam kung anong mangyayari pag nalaman nya,
Kilala sila Luke, Kilala ang pamilya nila, at maaring may hindi magandang mangyari pag nalamang nakabuntis sya, at isang mahirap pa, gaya ko.
Kinuha ko ang Pregnancy Test sa bag ko at napatingin lang ako doon, hawak ko yon habang sinisimulan ko na muling maglakad palapit sa bahay ni Luke,
Saktong nandito ako sa harap ng gate nya ng may matanawan akong nagbukas ng Pinto, at si Luke yon pero laking gulat ko nang may babaeng lumabas kasunod ni Luke nakaShorts ito at tila Tshirt ni Luke ang suot nya,
"Luke!"
sabay higit ng babae sa balikat nito para magturn si Luke paharap sa kanya,
and...
She Kissed my Boyfriend.
Kath, kissed my boyfriend!
napatingin sa akin si Kath kaya tumalikod na ko at naglakad, sa pag turn ko, nakita ko.. Si Lyndon, Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko,
may namumuong luha na sa mga mata ko habang naglalakad, papalapit ako ng papalapit kay Lyndon, nakatayo lang sya doon, nakatingin sa akin at walang ekspresyon ang muka hanggang sa ..
"Shanna.."
Sambit ni Lyndon, ngayon na lang nya ulit nabanggit ang pangalan ko.
tuluyang bumagsak ang mga luha ko, nakatayo na ako ngayon sa harapan ni Lyndon, tila puno ng awa ang mga mata nya,
"Shanna!!!"
Narinig kong sigaw naman ni Luke, patakbo itong lumapit sa amin, nakayuko ako sa harapan ni Lyndon hanggang sa nabitawan ko ang hawak kong Pregnancy Test.
Nakatayo si Luke sa gilid ko, tila takang taka sya sa nangyayari hanggang sa pulutin nya ang pregnancy test at matapos nyang makita yon.
"A..ano to Shanna? Anong ibig sabihin nito?"
Siraulo ka ba Luke? Eh yung nakita ko? Anong ibig sabihin nun?
hawak ni Luke ang mga braso ko, Pahigpit iyon ng pahigpit, at ang mga mata nya nakakatakot parang puno nang galit,
"Hey Luke! Nasasaktan si Shanna.."
napabaling si Luke kay Lyndon at Binitawan ako at tinulak, sa sobrang lakas noon, napaupo ako.
"Heeey! What The--"
"Hayop kaaaa!"
Hindi naituloy ni Lyndon ang sasabihin nya dahil sa pagmura at pag sugod sa kanya ni Luke.
sinuntok nya si Lyndon, nagsusuntukan na sila ngayon pero wala akong magawa hanggang sa lumabas si Kath.
"Hey! Ano ba! Tama na!"
Sigaw sya ng sigaw habang inaawat ang dalawa hanggang sa may dumating na guard para pigilan si Luke at Lyndon.
"Tara na Luke..."
Sambit ni Kath, at binitawan na nang guard si Luke
si Lyndon naman ay lumapit sa akin at inalalayan akong tumayo,
"Are you Okay?"
nagnod naman ako,
"Lets go"
inakay nya ko at akmang paalis na rin kami nang magsalita si Luke,
"Tama nga talaga lahat ng hinala ko sayo Shanna... (Sabay wipe ng dugo sa labi nya) A whore, will always be a whore! You Bitch!"
At ako pa? Nasasabi nya sa akin yan? Samantalang sila nga magkasama sa isang bahay? The Fuck! Ganoon nya na ba ko niloloko? Damn this Feeling! Why! Bakit kailangan ko masaktan ng ganto!
susugurin sana sya muli ni Lyndon pero pinigilan ko sya, hinawakan ko sya sa braso, sabay iling ko,
"Don't give a shit Lyndon... We're over!"
nakita kong nagkuyom ang mga kamay ni Luke matapos kong sabihin yon.
"Let me RePhrase it , you Whore.. IM breaking up with YOU!"
sabay talikod nya.
muli, parang naguunahang pumatak ang mga luha sa mata ko, naglakad na kaming paalis ni Lyndon.
si Lyndon na minahal ako pero hindi ko minahal, si Lyndon na nasaktan ko pero hindi pa rin ako iniiwan, Eto pa nga sya.. Sya pa tong nandito sa tabi ko, sa mga oras na tong pakiramdam ko,
Tinalikuran na ko ng mundo.
