Shanna's POV
Nagising ako nasa tabi pa rin ni Luke, I was tracing his eyebrows, his nose then lips but suddenly he wakes up,
"Iloveyou.."
I just smiled and replied;
"Iloveyoutoo.."
"SHANAAAAA!"
Narinig kong sigaw ni Lyndon mula sa kabila kaya napabalikwas ako ng bangon,
"What are you scared of?"
tanong ni Luke na napaupo pa sa kama,
napangiti lang naman ako,
"Nothing..."
Oo nga pala, Hindi na kasi ako sanay sa gantong sitwasyon, na ayos kami ni Luke, langing si Lyndon ang nasa tabi ko kaya laking gulat ko na lang ng tawagin nya ko,
"Tara na?"
"Saan?"
"Pupunta na dun? Magaalmusal?"
"Tayo?"
"Oo?"
"Sabay tayong pupunta dun?"
"Oo naman? Ayaw mo ba?"
tumayo na lang ako sa pagkakaupo at lumabas na kami, Takenote. His arms around my waist while walking hanggang sa makarating kami sa loob,
nasa kusina silang lahat,
"Oh Shanna san ka ba--"
hindi na naituloy ni Lyndon yung sasabihin nya nang makita nyang magkasama kami ni Luke,
natahimik na lang silang lahat,
"Excuse me.."
biglang sabi ni Kath sabay akyat, napatingin naman ako kay Luke na sinundan nang tingin si Kath..
"Go.. Follow her,"
bulong ko sa kanya, at sinundan naman nya si Kath,
napabalik ang tingin ko kay Lyndon na umiwas naman ng tingin sa akin..
"Lyndon..."
pero hindi nya ko pinansin, nilagay nya yung pinagkainan nya sa sink tapos umalis na sya, kwinento ko naman kela Music na ayos na kami,
last day na namin to dito, kaya sana bago kami umalis ay maayos nang lahat.
kinahapunan natanawan ko si Lyndon sa beach, nakaupo naglalaro ng buhangin, kaya naman nilapitan ko sya,
"Lyndon.."
pero diretso pa rin ang tingin nya sa dagat.
"Uyy.. Pansinin mo naman ako?"
hindi pa rin sya tumitingin sa akin.
"Lyndon namaaannn..."
siguro kaylangan nga muna nyang mapagisa.. kaya naman umakma akong aalis na nang bigla syang magsalita,
"Ganun lang yon? pagtapos ng lahat ng pananakit na ginawa nya sayo? ganun lang?"
"Lyndon.."
umupo ako sa tabi nya, Umiiyak sya? p..pero bakit?
"Ganun ka na ba katanga? Napaka Martir mo Shanna!"
nagulat ako sa mga sinabi nya,
"Anong karapatan mong sabihin yan ha?"
"Wala.. Wala nga pala akong karapatan. Kasi nagmahal lang naman ako ng babaeng may mahal na iba, na kahit sinasaktan sya, patuloy pa rin syang bumabalik at nagpapakatanga!"
matapos nyang sabihin yon ay umalis na sya, Ilang saglit pa bago ko bumalik sa Resthouse ay nakasalubong ko sya ulit, nakabihis na at dala na ang mga gamit nya, Uuwi na sya?
nagpaalam na sya sa kanilang lahat pwera lang sa amin ni Luke,
pasakay na sana sya ng kotse nang biglang bumaba si Kath,
"Pwede bang sumabay na ko sayo?"
walang pa mang sagot si Lyndon ay sumakay na si Kath at umalis na sila,
kasabay ng paglayo nila ay ang pagbaling ko ng tingin kay Luke na papasok na nang resthouse, tahimik lang sya , anong problema?
