Shanna's POV
pagkadilat na pagkadilat ko ng mga mata ko, agad kong naisip yung sa pregnancy test, natatakot akong baka Positive yon, Alam kong magagalit si Tatay at mabibigla sya, Gayun na lang din ang awa ko dito.
Kinuha ko ang bag kong pinaglagyan nung plastic na naglalaman ng pregnancy test at agad akong nagpunta sa banyo.
"Please... Wag muna..."
matapos kong sabihin yon ay dahan dahan akong tumingin doon at...
DALAWA ANG PULANG LINYA,
Positive?
tumulo na lang ang luha ko, hindi pa ako handa.. paano to, OhmyGod! patawarin nyo po ako!
"Shanna Anak! Kain na tayo!"
narinig ko ang pagtawag sa akin ni Tatay mula sa baba..
"Shanna!"
"Opo.. Sandali lang po.."
matamlay na sagot ko doon, dapat ko na bang sabihin yon?
*Bzzzzttt* (PhoneVibrates)
Text messages from: Best Mika
"Goodmorning Bestieee! Fighting! Kaya mo yan. KAYA NATIN YAN. Im always with you, Sabihin mo na yan kay Tatay huh? Lakasan mo loob mo, kasi higit sa lahat alam kong tatay mo ang makakaintindi sayo. Iloveyou Bestieeee!"
napangiti na lang ako ng sabihin iyon ni Mika, kahit talaga sa text alam na alam nya kung paano ako pasayahin at icheer up pero kinakabahan talaga ko,
pagbaba ko..
"Anak.. Tila matamlay ka?"
"Hindi po tay.."
"Kamusta pala ang school, mula nung nang galing kayo sa Batangas di ka na masyado nagkukwento sakin tungkol sa school ah?"
"Ayos naman po tay.. Wala naman pong ibang ganap e."
"Ah ganoon ba? Osige e, kain na.."
hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito kay tatay, pabuka na sana ang bibig ko nang..
"Anak.. Magaral kang mabuti ha? Ipangako mo sa aking makakatapos ka nang pagaaral mo.. Para hindi ka apihin ng kahit sino, handa akong magtrabaho, igagapang kita anak, makatapos ka lang "
parang dinudurog ang puso ko habang sinasabi yon ni Tatay..
Tay.. Sorry!
hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumulo na ang luha ko sa harap ni Tatay mismo
"anak..Bakit?"
"Tay..."
"Bakit Shanna? Anong problema?"
"Tay payawarin nyo po ako,"
"Anak? Bakit? May problema ba?"
"Tay.. B...Bun..Buntis po ak--"
hindi ko na naituloy ang pagsasalita ko dahil tumalikod sya..
"Si...sinong ama nyang dinadala mo? Si Lyndon ba?"
"Tay.. Hindi po.."
"Kung ganoon Sino!"
mataas na ang boses nya,
"Si..Luke po,"
"Luke?"
"O..opo.."
"Luke Pascual?"
teka? Bakit kilala ni Tatay si Luke? Paano?
"O..po tay.. Tay! Patawarin nyo po ako, hi..hindi ko po sinasadya.. Hindi po nami--"
"Ipalaglag mo ang bata."
Ipalaglag? Bakit? Why would I need to do that?! Hindi!
"Tay?"
"Ipalaglag mo ang bata o.. aalis ka sa puder ko!"
Tila sinasaksak ako ng paulit ulit sa mga sinabi ni Tatay, Sarili nyang Apo? Hindi nya matanggap?
"Ganoon lang ho ba kababaw ang pagmamahal nyo sa akin tay?"
"Mahal kita Shanna, Kaya kailangan mong ipalaglag yang batang yan."
"Mahal nyo ko? Pwes tay kung mahal nyo ko dapat mahalin nyo rin ang magiging anak ko."
"Hindi ko kayang mahalin ang batang yan!"
"Pero tay! Hindi ko po magagawang patayin ang anak ko."
"Lumayas ka!"
matapos nyang sabihin yon ay lumabas sya.. naiwan akong napaupo sa sahig.. Bakit kailangan nyang ipapatay ang magiging apo nya? bakit hindi nya matanggap yun! Bakit!
