Chapter 1: Rebecca at Paulo

2.5K 16 0
                                    

Paulo

Ang utak, madaling turuan ng paniniwalaan
Pero ang puso mahirap diktahan ng nararamdaman.

Mausok sa kahabaan ng EDSA. Halos magkakadikit dikit ang mga sasakyan dahil sa traffic tuwing rush hour.  Para bang sa sobrang stranded sa delubyong traffic na ito ay naisaulo mo na lahat ng mga linya ng mga naglalakihang billboard na nadadaraanan ng sasakyan papuntang Cubao.

Siksikan sa loob nito. Isa ako sa mga malasardinas na nakikipagsiksikan sa isang latang umaandar. Sobrang traffic at malalate na ako. Malas ko lang siguro.

"O yung mga Cubao djan, baba na!" Sigaw ng konduktor ng bus. Dahil sa siksikan at ako ay nasa bandang dulo kailangan ko pang makipaggitgitan upang makalabas sa mga kompulan ng mga taong sa tingin ko ay kagaya kong late na din.

Pagkababa ko, ingay at usok ang bumungad sa akin. Ingay ng mga sasakyan na tila ba'y nagpapagalingan sa pagpapatugtug ng mga kani kanilang sasakyan. Ingay na nanggagaling sa mga taong nagtitinda ng mga iba't ibang klaseng paninda at higit sa lahat ang ingay na nagmumula sa mga taga tawag ng pasahero ng jeep. Tumakbo ako sa sakayan ng jeep sa kabilang bahagi ng kalsada. Nakadagdag pa sa pagka-haggard ko ang init ng araw.

"Thirty minutes pa" kaya ko pa ba? himala na lang siguro ang mangyayari "Lord, sana po bigyan niyo po ako ng sasakyan na kayang magpatakbo sa loob ng limang minuto papuntang PUP Amen" dasal ko. Hindi ako binigo ni Lord, agad niya itong binigay ang kailangan ko. Sumakay ako sa isang jeep na tila ba'y papuntang langit ang bilis nito. Nakakaba sa bilis wala itong sinasanto sa pagpapatakbo tinalo pa ata nito ang mga racing car na napapanood ko sa telebisyon.

Bumaba ako ng jeep at tinakbo ang kalsadang nag uugnay sa gate ng aming paaralan (wala na akong ginawa kundi tumakbo, pasensya late na 'yong tao e), binilisan ko ito. Huminto ako saglit para hanapin ang ID ko. Nako! Asan na kaya yun?. Kinalkal ko ito. "Hindi pwedeng mawala yun o maiwan sa bahay. Asan ka na ba?" Paghihimutok ko. "Ayun!" nakita ko itong nakaipit sa libro ko ng Finance. "five minutes na lang" dinaanan ko ang mga estudyanteng naghahanap rin ng kani-kanilang ID.

"TWO MINUTES!" kinakabahan ako na parang nasa basketball 'yong last shot ay nasa akin yung bola at ako yung pag asa ng team namin para manalo kami sa championship ganyan ang kabang nararamdaman ko. Nasa fourth floor na ako at ang room namin ay nasa fifth floor. Kanina ko pa tinatawagan si Rebecca pero ayaw sumagot.

"10......9.....8.....7.....6.....5......4.....3......2.....1" Chamba!Swerte ko nga naman, walang tao. Wala ang mga classmate kong ganitong oras ay nagchichismisan ng kung ano-ano at nakikipagkwentuhan ng mga napanood na mga palabas sa sinehan o sa telebisyon man. Walang professor na magsasabing "Mr. Villa why are you late.?" as in wala, blangkong upuan at malinis na paligid.

Napabuntong hininga ako sa aking nakita. Naglakad ako sa silya ko at doon ako umupo.

It took one look,
And forever lay out in front of me.
One smile then I die,
Only to be revived by you..

Naramdaman kong may nag vi-vibrate sa bulsa ko. Kinapa ko ang bagay na gumagalaw. Yung cellphone ko pala! May tumatawag. Agad ko itong sinagot.

Breakthrough Where stories live. Discover now