Chapter 3: Pag-amin

665 11 0
                                    

Pag kasama ka ang mundo ko ay nag-iiba. Sa tuwing wala ka puso ko ay nangungulila. Sana sa pagkakataong ito iyong tanggapin, ang puso kong nagsusumamo na ikaw ay makapiling.

Hapon na, ngunit wala pa siya. Tumingin ako sa loob ng classroom ngunit wala yung taong nagngangalang Mike. Wala din siya kagaya ni Becca.

Alas dos na ng hapon isang oras na lang at matatapos na ang aming klase. Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang cellphone na siyang dahilan upang malaman ko kung nasaan si Becca. Naging bolang krystal ko na nga itong cellphone ko dahil ito lamang ang nakakapagsabi kong nasaan ngayon si Rebecca. Sinubukan ko siyang i-text.

"Oy Becca, bakit 'di ka pumasok? Asan ka ba ngayon"

Actually kinakabahan ako sa magiging sagot niya. Madaming tumatakbo sa utak ko at ayaw itong tanggapin ng sistema ko dahil alam kong masasaktan lang ako.

Nakatingin lang ako sa cellphone ko. Hinihintay na tumunog ito at umilaw, umaasang magre-reply si Becca sa text kong 'yon. Labing limang minuto na ang nakalipas ng biglang tumunog ito at  umilaw ang cellphone ko. Aha! Nagreply na siya. Agad ko itong binukasan at napasimangot sa reply niya.

"May inaasikaso kasi kami ni Mike para sa thesis namin. Susubukan kong makahabol sa huling subject natin. Wait mo ko hah"

Hindi ko alam ang isasagot ko.Parang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko at pagkasuntok sa sikmura ko. Hindi ako makaimik. Hindi ko din magawang magtype. Naiinis ako. Magkasama silang dalawa.

Puso: Selos yan brad!

Utak: Anong selos! Bakit girlfriend mo ba?

Puso: Kahit na! Siya kaya ang kalove team niya sa love story na siya lang ang nakakaalam.

Utak: Alam mo itigil mo na yan, masasaktan ka lang. Walang patutunguhan ang pag sintang purorot mo na yan.

Puso: Huwag kang sumuko hindi mo lang alam baka may patutunguhan din yan. Hindi mo ba alam ang kasabihang "worth the wait"?

Breakthrough Where stories live. Discover now