Chapter 14: One Big Shot

208 2 0
                                    

Maingay sa loob ng internet shop. May mga lalaking estudyante na nagsisigawan ng "Hoy! Stun mo!", yung iba naman kung ano-anong salita ang lumalabas sa kanilang mga bibig, puro mura ang isinisigaw. Siguro nae-excite lang sa nilalaro nila. 'Yung katabi ko namang babae, ang lakas ng pitik ng space bar sa keyboard, 'yung akala mong wala ng bukas kung makapindot, sabay sabi ng, "Yes! Level Complete!". Sa kabila ko naman ay may dalawang babaeng nag-uusap at nagkakamustahan.

Pero sa lahat ng ingay na naririnig ko, may isang boses ang nangibabaw.

"Ikaw ba Becca, may relasyon ba kayo ni Paulo?" nagulat ako sa tanong ni Mike.

"Ano? Hindi ah. Saan mo nakuha 'yang tanong mong yan?" sagot ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa aking ginagawa.

"Napansin ko noong nag-aasign ng mga makaka-partner sa thesis, napangiti ka noong nalaman mong si Paulo 'yung ka-partner mo tapos noong nagkamali pala si Maam, biglang nag-iba ang reaksyon mo. Tapos sabay pa kayong umuwi, sabay kumain."

Nakatingin lang sa akin si Mike. Nakangiti. Parang nang-iintriga. "Tapusin mo na yan Mike. Bukas na yung presentation. Andami mong alam!" bumalik ako sa pagta-type. Pagkaharap ko sa monitor, bigla akong napangiti.

"Hindi raw crush pero nakangiti. Hay nako Becca, mga galawan mo e." Pang-aasar ni Mike sa akin.

"Pinagsasabi mo djan? Natatawa ako sa post ng kaibigan ko."

Sa totoo lang, gusto kong aminin kay Mike na gusto ko talaga si Paulo, ay hindi pala, mahal ko na pala si Paulo. Gusto kong tanungin kung paano ko sasabihin ang tunay kong nararamdaman. "Naniniwala ka ba sa One Big Shot?"

Napatingin ako sa lalaking kasama ko. Nakatingin lang siya sa monitor. Nagta-type.

"Anong ibig mong sabihin? Anong One Big Shot?"

"Lahat ng opportunity na dumadating sa ating buhay ay one big shot. Parang sa basketball lang yan. Last three seconds. Nasa siyo ang bola, it's either ipapasa mo sa iba o ititira mo na lang."

Napaisip ako sa sinabi niya. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"Ang buhay ay kasing-ikli ng three seconds. Life is too short. Huwag mong sayangin ang opportunity na mayroon ka. Grab it and take that chance. You just need to decide."

"Bakit mo ito sinasabi sa akin?"

Tumingin siya at ngumiti.

"High school pa lang ako noon. May nakilala akong isang binibini. Nagkagusto ako sa kanya, siya ay si Ana. Matagal na akong may gusto sa kanya. Second year pa lang kami noong una ko siyang makausap. Transferee kasi siya. Nasa sa kanya lahat ng gusto ko sa babae. Mabait at hindi maarte." Itinigil niya muna ang pagta-type.

"Naging close kami pero hindi ko pa din maamin ang tunay kong nararamdaman. Siguro, three days before ng JS Prom namin, pinipilit ako ng mga kaibigan ko na ayain ko siya para maging ka-partner ko. Pero nanaig ang pagiging torpe ko, sabi ko sa sarili ko, sa mismong prom ko na lang sasabihin ang lahat."

Nakatingin lang ako sa kanya. Nakikinig. Buti medyo tumahimik na yung computer shop dahil nagsialisan na 'yung mga lalaking naglalaro.

"Tapos? Anong nangyari? Nasabi mo ba?"

"Prom Day. That day, lahat ng pampa-pogi ko binili ko. Nagsuot ako ng magandang suot. Bumili ako ng sapatos. Nagpagwapo kumbaga. Lahat ginawa ko para mapansin ako. 'Yung mga kaibigan ko todo kung manulak para puntahan siya at hingin kung pwede ba siyang isayaw." Nakangiti ito ng malapad habang nagkwe-kwento sa akin. "Ang ganda niya, andun siya sa gitna ng ball. Nakasuot ng pulang gown, nakangiti siya sa akin. Ngiting nagpa-inlove sa akin. Ngumiti din ako pabalik. Pinuntahan ko siya. Kabang-kaba ako that day, paulit-ulit kong sinasabi 'yung ONE BIG SHOT. Binati ko siya. Alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin?"

Breakthrough Where stories live. Discover now