Chapter 18: Pag-asa

279 4 0
                                    

Kasalukuyan kami ay nasa La Union sa may Convenience Store, dito muna namin naisipang magpahinga at bumili ng mga gamit namin na pwede naming gamitin sa pagpunta namin sa Ilocos.

Namimili ngayon ng makakain si Aly habang ako naman ay tinitignan lamang siya sa isang tabi. Puro mga junk foods, de-lata, marshmallows at hotdog ang nasa basket niya ngayon. Hindi ko lubos maisip kung ano ang tumatakbo sa utak niya ngayon— kung saan ba talaga kami pupunta? bakit puro ganyan ang kanyang binili? kung ano na ba ang balak niya? sa buhay niya? sa amin?

Napaisip ako bigla.

May mga pagkakataon kaya na naiisip niya si Laura habang nasa bakasyon kami?

Ano kaya ang tunay niyang nararamdaman?

Ano kaya ang nangyari sa kanilang dalawa?

Bakit kaya siya iniwan? Halos lahat na sa kanya na. Lahat na siguro ng maaaring gustuhin mo sa isang lalaki taglay niya na.

Bakit kaya?

"Aly?" tumingin siya sa akin.

"Bakit?"

"Hmm. What happened?"

"What do you mean, what happened?" litong tanong niya sa akin.

"What happened between you and Laura? Bakit kayo nagkahiwalay? Bakit ka niya iniwan? I'm asking those questions out of curiosity and also part of our deal, that you'll tell me about your past."

Muli niyang tinignan ang mga binibili niya.

Alam ko at ramdam ko na hindi pa siya handang ikwento pero ako 'yung naiinip. Mamamatay na ako sa katatanung ko sa sarili kung bakit ganun? bakit ganyan?, na kahit ilang beses kong tanungin sa sarili ko, alam kong sa kanya ko lang mahahanap ang kasagutan ng bawat katanungan ko.

Lumapit ako sa kanya, nasa may counter na siya at inilalahad na ang kanyang bayad sa cashier.

"Aly, you said yes noon. Pwede ko bang malaman ito ngayon?"

"Sukli niyo po, Sir" sabay abot ng sukli ni Aly.

"Thank you" pasasalamat ni Aly. Binuhat niya na lahat ng kanyang pinamili at tinignan ako. "Okay, pero pag-uusapan natin ito sa loob ng sasakyan."

Sinunod ko na lamang siya. Hindi na din ako nagsalita, tahimik lang na sinusundan ko siya hanggang makarating kami sa parking lot. Inilagay niya ang kanyang pinamili sa likod ng sasakyan at pinagbuksan pa ako ng pintuan. Ngumiti lamang ako sa kanya, tanda ng pasasalamat. Tumango lang si Aly at sinarado ang pintuan, agad din naman niyang tinungo ang drivers' side.

Mabilis din niya itong pinaandar.

"So..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Aly.

"Back in college..."

~♣~

Isa lang akong tipikal na estudyante, papasok at uuwi. Siguro kung sa unang tingin nila sa akin aakalain nilang hari-harian ako sa eskwelahan dahil sa may kaya din naman ang pamilya ko. Akala siguro nila ako yung siga-siga ngunit dun sila nagkakamali.

Tahimik lang ako, parang hindi nage-exist. Kumbaga sa isang bagay, pangdisplay lang. Walang epekto sa ibang tao, walang halaga sa kahit kanino. Isa lang akong estudyanteng nakaupo sa likod ng classroom, katabi ng iba ko pang weirdong kaklaseng 'di ko gusto ang mga trip sa buhay.

Hindi ako conversationalist. Sa katunayan, ayoko talagang magsalita.Mas madaldal pa nga 'yung utak ko kaysa sa bibig ko. Boring akong tao kaya siguro wala akong maituturing na kaibigan sa section namin.

Breakthrough Where stories live. Discover now