Chapter 4: Ang Simula

618 14 0
                                    

Dennise

Ang pag-ibig ay parang pagtawid sa kalsada. Maraming mangyayari at magbabago sayo o sa mga taong nasa paligid mo. Marami kang madadaanan, marami kang makikilala. Hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa'yo sa kabilang kalsada. Bawat hakbang ay tila isang pasugalan, kailangang sumugal para malaman mong may papatunguhan ba o wala. Maaaring hindi ka na makarating sa dulo o kaya ay umaasang sa pupuntahang mong lugar ay may isang taong matagal ka na niyang hinihintay. Mahirap salungatin ang dikta ng tadhana. Mahirap kalabanin ang agos ng kapalaran. Mahirap, sobrang hirap.

"Actually, bes, ang saklap naman ng pangyayari dito sa ginawa mo. Okay na sana e, ang taas na ng kilig ko tapos biglang ganun? Kawawa naman 'yong karakter ni Paulo" Itinaas ni Ella ang kanyang kamay habang binibigyan niya ng komento ang librong ginawa ko. "Sayang naman hindi mo man lang pinagbigyan yung tao, kawawang Paulo"

"Ganun talaga yun. Hindi naman totoo ang happy ending sa real life"

"Natumbok mo! Hindi naman kasi real life yun, story yun. Pwede mong baguhin ang buhay ng karakter. Pwede mong gawing mala-fairytale ang buhay nila. Hindi 'yung masasagasaan pa si Paulo ng jeep." nakangiti siya habang ini-imagine ang mala-fairytale na story nina Becca at Paulo.

Tama nga naman. Pwedeng-pwede ko itong palitan pero bakit hindi ko magawa? Hindi ko din alam.

"Akin na nga yan." Kinuha ko ang folder na naglalaman ng kwento ni Paulo at Becca na isu-submit ko sana sa publishing company na pinagtratrabahonan ko. "Oo nga't kaya kong baguhin 'yung pangyayari ngunit hindi ako ganun. Hindi ako naniniwala sa fairytale na yan, ako yung taong ipapamukha sa ibang tao na real life ito at hindi ito fantasy."

Breakthrough Where stories live. Discover now