Chapter 6: Sir Vic

505 8 0
                                    

Naalala ko pa noong una tayong nagkita. Naalala ko noong una mong binanggit ang pangalan ko. Sa pagkakataon na iyon alam kong mahal na kita. Sana pagbigyan mo at pansinin mo ang taong nagmamahal sayo.

"Dennise, pwede bang puntahan mo 'yung isa nating resto sa may Eastwood. Hindi na kasi namin kaya ng daddy mo na puntahan 'yun kasi may mga kailangan pa kaming asikasuhin" 'yan agad ang bumungad sa akin pagtingin ko sa cellphone ko. Walang good morning o kahit man lang kamusta. Sanay na din naman ako. Ganyan na sina mommy noon pa man, dinadaan na lang sa text ang pakikipagusap nila sa akin, hindi nila ako mabigyan ng oras, parang display lang ako kung ituring nila.

Ilang araw na din ang lumipas simula noong nai-kwento ko kay Ella ang nangyari sa pagitan namin ni Myco. Ilang araw na din na nakatikom ang bibig niya sa pangyayari, siguro nagsawa na din. Ewan ko. Bagong araw na naman ang haharapin ko--papasok at pupuntahan ang resto namin. Walang pinagbago. Boring pa rin ang buhay ko, walang excitement o thrill man lang. Bakit ang unfair ng buhay? Bakit kailangan masaktan?Kailan kaya ule magkakaroon ng pagbabago ang buhay kung ito? May pag-asa pa ba kayang mabago ito? Siguro hindi na ako aasa, baka ito na din 'yung nakalaan na buhay para sa akin. Malungkot. Nag-iisa.

"Den, saan ka pupunta? Maaga pa ah mamaya pa 'yung klase mo" tanong ni Nanay Rosing sa akin habang bumababa ako sa hagdanan.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko ang pisngi niya.

"Kasi po nay pinapupunta ako ni mommy sa resto hindi na din kasi nila maasikaso 'yun kaya ako na 'yung magsu-supervise"

"Ganun ba? Teka, susunduin ka ba ngayon ni Ella?"

"Hindi na po, ite-text ko na lang po siya mamaya" sagot ko naman sa kanya "Sige po, una na po ako"

Tumango siya. "Ingat ka, Den huh"

Lumabas na ako sa aming bahay. Sinabi ko na din kung saan ako pupunta sa driver namin. Gamit ko ngayon ang family car namin, although  mayron din naman akong sasakyan pero tinatamad akong magdrive. Nakakatamad din na maipit sa traffic, nakakasawa na din ma-stuck at maghintay na umusad ang mga sasakyan na nasa harapan namin. Ang hirap lang mag-adjust. Parang sa buhay ko lang. Nakakasawa

Breakthrough Where stories live. Discover now