Chapter 2: Partner!

1.1K 12 0
                                    

Akala mo nakuha mo na. Akala mo mayroon nang KAYO. Hanggang sa akala lang pala.

"Class, igu-group ko kayo sa dalawa para sa thesis ninyo"

Panibagong pasakit na naman ang kailangan itawid. Pinaka-ayoko sa lahat ay ang paggawa ng thesis. Mahirap, kailangan maraming isakripisyo. Mahina ako sa mga words. Hindi ko sinasabing bobo ako sa English, nakakaintindi ako pero hindi ko lang forte ang pagsusulat. Elementary pa lang ako hindi na ako nahilig sa mga ganyan. Kung sa Math at Science lang din ay pwede pa pero sa English maraming dugo ang mailalabas ko sa aking katawan.

Naalala ko pa nung grade five ako. Tinanong ako ng guro ko kung ano daw ang pinagkaiba ng plural tsaka singular alam mo ba ang sagot ko "Ma'am akala ko po ba forte niyo ang English, bakit po kailangan mo pang ipasagot sa amin? Hindi niyo po ba alam kung anong sagot?" Oo na, napakabastusin kong bata pero anong gusto niyang sabihin ko hindi ko nga din alam ang sagot.

Pag may test kami patungkol sa plural at singular, ang nagiging basehan ko para masagutan yun, kapag may -s sa dulo ng subject, may -s din dapat ang verb. Dahil nga sa paborito ko ang Mathematics, iniisip ko na kung may -s ang bawat isa, ay ganun din sa iba para EQUAL. Pero mali pala ako.

Minsan sa buhay natin ang akala mong tama ay siya pa itong mali. Hindi lahat ng bagay ay kaya mong mapagpantay, may mga bagay na ginawang unequal para maging balanse ang mundo gaya ng mahirap at mayaman, pangit at maganda, magaling sa Math at magaling sa English, mahal mo siya pero may mahal siyang iba (pero yung mahal ng taong mahal mo ay may mahal din iba, o diba balance! Hindi ka nag-iisa).

Narealize ko lang ito noong nasa second year na ako ng Highschool. Simula nun alam ko na ang pagkakamali ko. Pag singular ang subject singular din ang verb. Pag plural, dapat plural din. May mga batas kasi tayo na dapat nating sundin, sa ayaw at sa gusto mo.

"Clarisa Mae Lara at Justine Lee, Tristan Jade Faustino at Faye Clemente" ayan na nagtatawag na ang aming professor sa mga makakapartner.

"Marian Jane Fernandez and Gayle Garcia. Christian Lloyd Aguibitin at Maris San Jose" patuloy na pagtawag ni prof, kinakabahan ako kung sino ang makakapartner ko tinignan ko si Rebecca, tumingin naman ito sa akin at ngumiti.

"Daniel Dela Cruz at Kathy Bersola. Rebecca Pendelton at......"

Si Becca na. Pumikit ako habang nakacross fingers

Sana ako. Sana ako.

Ini-imagine ko na ang pwedeng mangyari pag kami ang magkapartner. Pupunta kami sa food court ng isang mall para mag meeting tungkol sa thesis ( sympre hindi lang yung gagawin namin, instant date na din yun), mag-un-unli call ako para mapagusapan namin ang mga dapat naming gawin (tatagalan ko na din para naman maganahan ako sa paggawan ng letseng thesis na ito), pupunta kami sa isang coffee shop na may libreng internet para makakuha kami ng references related sa topic namin tapos bibilhan ko siya ng malaking maiinom para mas matagal ko pa siyang makasama.

Breakthrough Where stories live. Discover now