Same Person, Same Feeling

386 9 5
                                    

Ano ba ang mas masakit? 'Yung napaamin siya na may pagtingin siya sa akin ngunit 'yung mga galaw niya ay hindi tugma sa sinabi niya o yung binabalewala ka lang niya na parang wala lang ako sa kanya?

Ang hirap. Ang hirap ng ganitong sitwasyon. 'Yung alam ko na kung saan ko ilulugar 'yong sarili ko pero 'di ko naman masabi kung yung lugar na ba yun ay para sa akin. Oo masaya ako nung umamin siya, yung bang napapatalon at napapatili ako sa saya kasi at last umamin na siya. Yung dalawang taong kong paghihintay sa kanya naging worth it na din sa wakas. Sabi ng kaibigan ko chance ko na din yun na sabihin yung nararamdaman ko pero natakot ako. Natakot ako na pag sinabi ko 'yun maraming consequences ang haharapin ko. May mga lalaki din na umaasa sa akin, sa panahon na yun hindi ko nakayang sabihin ang nararamdaman ko tinitimbang ko lahat ng sasabihin ko sa kanya.

Nakakabobo. Umaasa ako na sa pag-amin niya may magbabago sa kanya, 'yung palagi na niya akong i-memessage, kakamustahin at papasayahin ngunit sa imahinasyon ko lang pala yun. Pagkatapos niyang umamin sa akin mas naging mahirap akong i-approach siya kasi palagi akong nag memessage sa kanya pero siya palagi niya lang akong sineseen. Noong una iniintindi ko siya kasi estudyante din siya na tulad ko, may mga commitments din siya at responsibilities sa school (sa aming mga accountancy students mahirap talaga makahanap ng time para sa ibang tao). Palagi siyang nag-sosorry, ako naman okay lang ako ng okay kahit hindi naman. Wala naman kasi akong magagawa, nasa Pampanga siya sa Ilocos naman ako, anlayo namin sa isa't isa at higit sa lahat ang turing lang namin ay magKAIBIGAN. No commitment. No label. No responsibility. Walang kami.

Umaasa pa din naman ako hanggang ngayon, sinasabi ko na lang sa sarili ko na "baka gawa ito ng tadhana, pagsubok ko lang siguro ito". Pero mahirap pala na ikaw lang 'yung lumalaban, ikaw lang yung umaasa na pagdating ng araw, pag okay na lahat, pag tapos na kami sa pag-aaral namin e may magiging kami. Yan lang naman ang pinaghahawakan ko pero sa tuwing may magpaparamdam sa akin na may halaga pala ako yun yung time na gusto ko nang bumitaw, pero pag gagawin ko na, dun naman siya magpaparamdam sa akin. Ang sakit na pero heto parin ako umaasa at nagmamahal sa kanya. Kung nagkataon nga siya palang yung unang lalaking nagpa-ibig sa akin. Ako kasi yung babae na naniniwala na ang unang magiging boyfriend ko gusto ko siya na din ang huli. Wala e, napaniwala ako kina Lola't lolo ko pati na rin kina Mama't papa. Kaya hanggang ngayon kahit na isa sa mga lalaki nagpaparamdam sa akin wala akong nagustuhan, siya lang talaga. Pero parang siya pa 'yung unang heartbreak ko e. Masakit na pero kinakaya pa din.

He's the reason why I publish this book. 'Yung mga scenes partly na-  experience ko yan. Nagsimula din kami sa pag-uusap sa isang networking site pero hindi sa Twitter kundi sa Facebook, isa siyang admin ng fanpage ni ate denden, siya pa yung unang nagmessage sa akin kasi may pinost ako sa page na yun. Hesitant pa ako nung una kung sasagutin ko ba siya o hindi, eventually, sinagot ko yung message niya. Naranasan ko na din 'yung ipagpalit ako ng nanliligaw  sa akin sa  kaibigan ko, naranasan ko na yan (last year nga lang nangyari sa akin yan e) 'yung lalaking yun nun muntik ko nang minahal kasi sukong-suko na talaga ako noon pero 'yung lalaking yun din pala ang manloloko sa akin. Umabot siya ng tatlong taon sa pagliligaw sa akin pero 'di ko din siya kayang sagutin kasi 'di ako ready tsaka may natitipuhan na din ako nun at siya yung lalaking hanggang ngayon patuloy kong hinahangad. Actually, gwapo din yung lokong lalaking yun e, pero hindi talaga umeffect sa akin. Ganyan kasi sa pag-ibig, kahit gaanu pa kagwapo o kayaman yang taong yan kung hindi naman siya 'yung tinitibok ng puso mo, wala din naman mangyayari. Masakit din yung nangyari sa akin e, hindi ko kasi inexpect na yung kaibigan ko pa ang magiging tukso. Well, that's life din naman wala na din naman akong magagawa nangyari na ang dapat nangyari kaya ayun bumalik lahat sa kanya yung pagmamahal ko na pilit kong tinatago pero kahit na anong gawin ko hindi ko siya kayang kalimutan. Ganyan na siguro ang buhay, laging aasa sa tadhana.

Hindi na ako makapagfocus sa mga ginagawa ko, hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Kasi nung huli, naging ganito din siya sa akin, magmemessage ako, siya naman ay i-seseen ako pero not knowing na nadisgrasya pala siya that time. Kaya nag-aalala talaga ako sa kanya ngayon, kasi wala pa akong natatanggap na message galing sa kanya. Gulong-gulo yung isip ko pati puso ko, ang hirap ng ganito, yung malayo kami sa isa't isa. Gusto ko siyang mapuntahan at makita pero hindi ko alam kung saan siya sa pampanga. Ang nakakatawa pa e, hindi pa kami nagkikita pero nagkakavideo call din kami, ayoko talagang i-entertain yung feelings ko sa kanya kasi una 'di pa kami nagkakasama tsaka nagkikita thru video call lang lagi pero nung nalaman kong naaksidente na siya dun na lumabas ang lahat sa akin: awa, lungkot, pag-aalala at pagmamahal ko para sa kanya. Nakakatanga na talaga ang pag-ibig. Kahit matalino man ang tao, magiging tanga pa din ito pagdating sa pag-ibig.

-ABei

P.S. pasensya na dito pa ako nagdrama, wala na kasi akong mapagsabihan kasi alam ko yung mga bestfriend ko sawa na sa kadramahan ko tsaka wala akong makukuhang matinong sagot sa kanila. Tsaka yung isa kong kaibigan naman kakabreak lang nila ng jowa niya. If may mga sasabihin kayo tungkol sa ka-dramahan ko, comment lang kayo I badly need din yung mga may makakausap ako. Thank you

Breakthrough Where stories live. Discover now