Chapter 8: Destiny

455 8 0
                                    

Falling in love is easy but telling to someone that you love them is never been easy.

Alexander

"Our company is falling down! 'Yung mga debts natin nag-iincrease, yung mga investments ng mga investors natin nag pu-pull out na. What do we do now? Tignan mo 'to" may pinatong siyang papel sa mesa ko. "Reports yan ng kalagayan ng company natin. Dapat monthly report yan pero naging weekly na kasi bumababa na ang sales natin. Sa next page naman makikita mo 'yung status ng kompanya, nangunguna na 'yung kompanya ng mga Montenegro. We need to do something!" Pilit na pinapakalma ni Kim ang sarili niya.

"Kailangan natin ng isang kompanya na makakatulong sa atin" hindi ako makapag-isip ng magandang solusyon ngayon, nagkade letche-letche na ang lahat. Hindi gumagana ang utak ko. Hindi ako makapag-isip.

"Right! we need the help of your family company, Alex." Napatingin ako sa kanya. Nakipagtitigan ako sa kanya, tinatansya kung seryoso ba siya sa sinabi niya.

"We don't need the help of my parents, we can do this one. We can make our company back on its normal state. Hindi natin kailangan ang tulong ng mga Caymo o mga Valdez."tutol ko sa sinabi niya.

"Ano ba, Lex! Kailangan na natin sina Tita. Alam kong ayaw mong magpatulong sa kanila kahit na sila na nag o-offer ng tulong. Bakit ba ayaw mong magpatulong sa kanila huh?"

"Ayoko lang na may family member ako na makakatrabaho, ayokong magpa-under sa kanila. All my life sinusunod ko ang gusto nila, kahit man lang dito ayokong magpahawak sa kanila. Kaya please huwag sila."

"Then who? Sino ang magiging katuwang natin? We're so down right now, Alex. That's the only way para mapaangat ule 'tong company natin"

I'm Alexander Lavigne Valdez, twenty-seven years old. Isa akong anak ng isa sa mga pinakamayamang pamilya sa buong mundo, may mga iba't iba  kaming business around the world pero ang kompanyang ito ay masasabi kong akin. Nabuo ang kompanya ko dahil kay Lola, siya ang naging dahilan kung bakit ko nagawang patayuin ang ganitong klaseng negosyo. Si Lola ang naging nanay ko, since ang parents ko ay laging nasa business seminar o nasa kompanya lang nila. Noong una mataas ang ratings ng company pero nung nawala na si Lola unti-unti itong lumulubog at hanggang ngayon ay patuloy pa din ang pagbagsak nito.

Breakthrough Where stories live. Discover now