Chapter 16: Ang Pagtakas sa Nakaraan

229 2 0
                                    

"Then let's get lost together"

Alas dose na ng gabi at hanggang ngayon ay binabaybay namin ang kahabaan ng NLEX. Wala akong maisip na lugar kung saan kami pupunta. Ang alam ko lang ay papunta kaming Norte. Seryosong nagmamaneho si Aly habang ako ay nakatingin lang sa labas ng bintana. Hindi ako makatulog. Hindi ko rin maramdam ang pagod. Walang naglakas loob na magsalita sa aming dalawa. Purong katahimikan lang.

Siguro paraan ito ni Aly upang makapag-isip ako, hinahayaan niya akong manahimik at pag-isipan ang lahat ng mga desisyon ko. Ang desisyon kong lisanin muna ang Manila. Lisanin ang mga problema. At alam kong ganun din siya, na kailangan din niyang lumayo ng Manila.

Crooook.

Napahawak ako sa 'king tiyan. Oo nga pala hindi pa ako nakakakain ng dinner. Kahit siguro isang subo ay hindi ko nagawa. Nahihiyang tinginan ko si Aly. At aba, nakangiti ito na may halong pang-aasar.

"I'm sure you're hungry, hindi ka pa naman nakapag-dinner kanina. Sayang at hindi mo natikman yung pasta" he said.

"Yeah, sayang nga e. Kung kelan nanlibre si Ella" napangiti na din ako upang itago ang kahihiyan dulot ng pagkalam ng tiyan ko.

"Ginugutom mo mga alaga mo, yan tuloy nag-iingay hahahaha" tumawa ito ng pagkalakas.

"Nakakainis ka naman. Nang-aasar ka pa" naka-crossed arm kung sagot.

"Ang cute mo talaga" biglang nag-init ang pisngi ko. Ang lakas talaga ng epekto nito sa akin kahit simpleng ang cute mo talaga, ay feeling ko nagbackflip ako sa sobrang tuwa.

"So nacu-cute'an ka pala sa akin" nakangiti kong sagot.

"Binabawi ko na. Tignan mo lumalaki na 'yong ulo mo"

"Nasabi mo na e. Aminin mo, crush mo talaga ako" pang-aasar ko sa kanya.

"Napaka-conceited mo talaga"

"Haha! Hindi mo ko kinontra. Crush niya ako" sagot ko sa kanya habang pino-poke ko ang kanyang tagiliran.

"Lazaro, huwag ka nga. Madisgrasya pa tayo"

"Hahaha crush niya ko" binuksan ko ang bintana at nilabas ko ang ulo ko.

"Hoy! Den, anong ginagawa mo? Bumalik ka nga dito" binagalan niya din ang takbo ng sasakyan.

"CRUSH AKO NI VALDEZ!" sigaw ko. Buti na lang at walang masyadong sasakyan na dumaraan baka mapagkamalan pa akong siraulo "WOOOOH!" muli kong sigaw bago pumasok sa loob.

"Nababaliw ka na talaga" pailing-iling na sagot niya sa akin. "Epekto ba yan ng gutom?"

"Ang sarap sa feeling" nalimutan ko na gutom pala ako dahil sa ginawa ko. Ang sarap sa pakiramdam.

"Ay nako. Ikaw talaga"

"Ano na naman? Try mo minsan promise ang sarap sa pakiramdam"

"No. Thank you. Hindi pa ako baliw para gawin yun"

Sinapak ko siya sa braso. "Ang sama mo"

Tumawa lang siya ng bahagyan. "Drive thru na lang tayo djan sa may Mcdo. Mag-ga-gas din ako"

"Sige" sagot ko sa kanya.

Kung kanina ay mamamatay ka sa katahimikan, ngayon naman ay mamamatay na kami sa kakatawa, kantsawan at kwentuhan. Napuno ng asaran at pagbabangayan ang nangyari sa loob ng sasakyan.

Breakthrough Where stories live. Discover now