Chapter 13: Gumising ka please.

527 9 1
                                    

Sabado.

Andito ako sa isang puno ng mangga na nagsisilbing silong ko sa init ng araw. Nakaupo sa damuhan habang hawak ang papel at ballpen na gamit ko sa pagdugtong ng istorya sa kwento nina Becca at Paulo.

Maraming tao. May mga nakaupo, kagaya ko, mga estudyanteng nag-aaral, mga magbabarkadang nag aawitan kasama ang kanilang gitara at mga lalaking naglalaro ng football. Isang pinaka unusual na sabado para sa akin. Tahimik, kahit na napapalibutan ako ng mga iba't ibang tao. Hindi ganun kagulo. Hindi ganun kaingay.

Kalmado ang hanging tumatama sa mukha ko, kalmado ang panahon ngayon, pati na rin ang isip ko ay kalmado. Lahat ng pangyayari ngayong araw ay kalmado.

"I'm sorry but can you please leave me alone?" naramdaman kong mayroong ibang tao na nakatayo kasama ko dito sa ilalim ng puno. Hindi ko ito tinignan sapagkat nakatuon ang buong atensyon ko sa istoryang pilit kong tinatapos.

Hindi ito nakinig sa aking pakiusap bagkus ay umupo ito sa aking tabi.

"Taray, busy ah" napalingon ako sa taong katabi ko. Hindi ako nakasalita, hindi ako nakakibo. Para akong isang batang babae na nakakita ng isang bagay na nagpahinto sa aking ginagawa. "Sige ka iisipin kong crush mo na ako niyan" sagot niya sa akin habang nakangiti.

"Asa!" sagot ko sa kanya ng makabawi ako sa pagkagulat.
"Teka, anong ginagawa mo dito? tsaka paano mo nalaman na andito ako?"

"Binibisita ka? Tsaka paanong hindi ko alam na andito ka e, sa lahat ng taong napagtanungan ko, iisang direksyon 'yung tinuturo sa akin kaya ayun. Andito ako sa harapan mo" paliwanag niya habang nakatingin sa akin. "Ganun ka pala kasikat no, 'di ko man lang alam. Edi sana nakapagpa-autograph sana ako."

"Baliw ka talaga" narinig ko ang mahina niyang tawa.

Sa pagkakataong narinig ko muli ang pagtawa niya, masilayan muli ang ngiti niya at makita ang makikinang niya mata. Alam kong sa sarili ko na importante siya sa buhay ko.

Swerte ko naman. Nakilala kita.

"Want some ice cream? Bili tayo."

"Malayo dito 'yung pabilihan ng ice cream"

"E, ano yun?" may tinuro siya, tinignan ko ito at napangiti. "Game?"

"Bakit may ice cream dito sa loob ng campus?"

"Well" ngumiti ito ng pagkalaki.

"Alex!"

"Opps, sa pagkakaalam ko 'Aly' ang tawag mo sa akin"

"Sorry" tumayo siya sa pagkakaupo niya sa tabi ko.

"Anong gusto mo? ako na kukuha."

"Kahit ano na lang"

Lumayo na siya sa pwesto namin at lumapit sa nagtitinda ng ice cream.

Tumingin ka sa aking pwesto.
Ngumiti ka at kumindat.
Ang gwapo mong tao.
Salamat at dumating ka.

Breakthrough Where stories live. Discover now