Chapter 9: Unexpected

501 14 1
                                    

Lutang

Finding myself.

Nasa labas ako ng isang fastfood sa unusual na oras. Umoorder ako ng kape at burger. Nakatulala sa kawalan.

Naaamoy ko ang usok na nagmumula sa mga naninigarilyong call center agents na nagmemeryenda sa fastfood na 'yun. Meryenda sa gitna ng gabi?

Unusual ang gabing iyon para sa akin. Sino ba ang may gustong mag pagala-gala sa gitna ng gabi? Ako lang ata. Maraming tao. Maingay. Maraming kotse sa daan. Bakit nga ba ako napadpad dito? Hindi ko din alam basta ang alam ko naglalakad lang ako sa may subdivision namin, hindi ko alam kung ano bang ginagawa ko dito. Hindi din ako makaramdam ng kahit anong antok. Ni pag-pikit ng mata, hindi ko magawa.

Marami akong nakikitang tao. Iba-iba. Unusual din dahil ang daming pumapasok sa resto sa ganitong oras ng gabi. Marami ba ang mga hindi makatulog dahil sa gutom o mga katulad ko din na lutang lang kaya naisipan magpunta sa lugar kung saan makakapag-isip sila at maaaring tumambay? Sa lugar kung saan maaaring magmuni-muni at matulala. Walang pakialaman. Walang manggugulo.

Nakikinig lang ako sa cellphone ko kung saan may isang musikang mabagal ang tempo. Musikang inaawit ng isang babaeng nagngangalang Adele. Makinis. Maalumamay. Malambot ang kanyang boses. Masarap pakinggan. Nakakakalma. Hindi ito unusual. Palagi akong nakikinig ng mga ganitong uri ng musika. Musikang nakikiramay sa aking pinagdadaanan. Mga awiting makakapagparelax sa tensyonado kong utak.

Naririnig ko ang usual na musika sa ilalim ng pinaka-unusual na gabi. Nalalasahan ko ang bawat salitang binibitawan ni Adele. Nararamdaman ko ang mga nais niyang ipayo sa akin kasabay ang nakakaiyak na tugtog ng piano. Sinasabi niyang huwag kong hayaan na malugmok ang sarili ko sa sitwasyong hindi lang ako ang nagdesisyon. She wanted me to let go. Ayaw niya akong maikulong sa kadiliman ng puso ko na dulot ng pananakit niya sa akin. 'Wag na daw akong umiyak. Tama na raw. Tahan na raw.

Pero hindi ko mapigilan. Pwede ba akong umiyak ule? Pero last na. Pangako ko sayo, Adele. Last na to, susundin ko na lahat ng payo mo. Hayaan mo sana ako na sa huling pagkakataon maibuhos ko lahat ng galit at sakit sa pamamagitan ng pag-iyak. Hayaan mo sana akong maubos ang luha ko. Balang araw masasabi ko din ang mga sinabi mo sa akin noon. "Nevermind, I'll find someone like you". Sana mahanap ko na siya. Sana pagdating ng panahon makahanap ako ng mas better sa kanya. 'Yung someone na kaya akong ipaglaban, mahalin at pahalagahan.

"Miss, pwede bang makiupo?" tanong ng isang lalaking unusual sa aking paningin. Tinanggal ko ang mga earphones na nakalagay sa tenga ko. Biglang nawala si Adele.

"Ano ho iyon?" paglilinaw ko sa tanong niya. "Pasensya na kayo, kuya hindi ko kasi naintindihan."

"Pwede ba akong makiupo? Wala na kasing bakanteng upuan. Okay lang ba?" nakatayo siya sa aking harapan ang isang lalaking may buhat ng isang tray na may laman lamang na frech fries, burger at isang softdrinks. Ilang segundo pa ang nakakalipas, bigla akong nagising at namulat sa unusual na pagkakatulala sa malayo.

"Ay sige kuya."

Kinuha ko ang jacket ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa at ipinatong ito sa aking hita.

"Salamat, Miss"

Muli kong tinawag si Adele. Muli kong iniligay ang earphones ko na nagdudugtong sa mundo ko at ng babaeng laging nagbibigay ng payo sa akin sa pamamagitan ng awitin nito.

  And I wonder if I ever cross your mind
For me it happens all the time

It's a quarter after one, I'm all alone and I need you now
Said I wouldn't call, but I lost all control and I need you now
And I don't know how I can do without, I just need you now.

Breakthrough Where stories live. Discover now