Chapter 10: Prinsipeng sakay ng Puting Kabayo

524 8 5
                                    

Hinila ako ni Aly. At wala na akong magawa kundi ang tumakbo na rin palayo sa lugar kung saan may mga taong nagkakagulo.

Tumakbo lang kami nang tumakbo. Walang tigil. Walang kapaguran. Siguro dahil na din sa adrenaline rush kaya hindi kami makaramdam ng kapaguran. Hindi namin alam kung saan pupunta. Well, ako lang siguro, hindi ko alam kay Aly basta sumunod na lang ako sa kanya.

Ilang kanto na din ang nalampasan namin. Malayo na kami sa lugar na iyon. May mga fastfood chains, bars at coffeeshop na nadaanan namin sa kakatakbo.

Pero may isang bagay ang pumukaw sa aking atensyon. Ang paghawak ni Aly sa aking kamay. Yes naman, holding hands while running away ang peg. Nakaramdam ako ng pagkakilig. Para tuloy akong isang tipikal na prinsesa sa isang fairytale na niligtas ng kanyang Knight in Shinning Armor sa kamay ng isang mapanganib na dragon. Ako ang prinsesa at siya naman ang prinsipe. Noon, hindi ako naniniwala sa mga ganyan--mala-fairytale at mala-prinsesang kwento pero nang hawakan niya ang kamay ko, lahat ng paniniwala ko ay biglang naglaho. Tumakbo kami, palayo sa isang kastilyong malapit ng gumuho. Hawak niya ang aking kaliwang kamay at ang kanang kamay ko naman ay nakahawak sa laylayan ng aking palda. Wala siyang dalang kabayo. Tanging ang sapin lang ng kanyang mga paa ang nagsisilbing magic carpet.

Sa pagtakbo namin palabas ng magical forest, naaninag ko ang kanyang mukha. Maaliwalas at maamong mukha ng isang matipunong prinsipe. Kahit na hindi na ganun kaayos ang buhok niya at medyo hindi na ayos ang armor niya sa katawan, patuloy lang kami sa pagtakbo. Tumingin siya sa akin at ngumiti, para bang sinasabi niyang :"Kapit ka lang mahal na prinsesa, tanaw ko na ang liwanag. Huwag kang mag-alala andito lang ako." Sa 'di kalayuan, may natatanaw akong liwanag. Unti-unti na din nawawala ang pangamba sa aking dibdib. Para bang malapit na kami sa kaharian kung saan naghihintay ang mahal na hari't reyna, hinihintay ang kanilang mahal na anak kasama ang kanyang mapapangasawa. Bumagal ang takbo ni Prinsipe Aly. Hindi ko na din naririnig ang gumuguhong kastilyo. Kalmado rin ang hangin ng paligid. Napangiti ako.

"Oy? Bakit ka nakangiti djan? Muntik na nga tayo dun e" tanong sa akin ni Aly.

"Wala."

"Wala daw, napopogian ka siguro sa akin no?" mapang-asar na tanong niya sa akin. May pagka-conceited pala ang taong 'to.

Bumalik ako sa totoong mundo. Parang nagsara ang librong ini-imagine ko. Bumalik ako sa magulong mundong ito.

"Kapal mo 'din noh" tumawa naman siya. "Anong nakakatawa?"

"Cute mo kasi pagna-aasar ka" tumingin siya sa akin habang nakangiti.

"Abnoy ka din noh?"

"Muntikan na tayo don, ah" pag-iiba niya sa usapan. Nakaharap siya sa salamin ngayon sa isang kotseng naka-park kung saan kami tumigil. Inaayos niya ang kanyang buhok.

"Oo nga e. Salamat pala Aly, ah?" dahil sa hingal at pagod namin sa pagtakbo, napasandal ako sa gilid ng kotseng naka-park.

"Wala yun" matapos niyang ayusin ang buhok at damit niya, sumandal na rin siya sa kotse. "Hindi ka ba inaantok?"

Breakthrough Where stories live. Discover now