Chapter 17: Ulan

170 3 0
                                    

"Sa tingin mo ba, uulan?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa langit.

Pangalawang araw na namin dito sa Baguio. Nakapunta na din kami sa may Strawberry Farm, pati na din sa may Mines View Park at napagdesisyonan naming na sa pangatlong araw namin dito ay baba kami at dederetso kaming Ilocos.

"Huwag naman sana" bigla akong kinabahan. I don't know pero 'di ako mapakali kapag umuulan o naririnig ko ang ideya ng pag-ulan.

"Okay ka lang, Den?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami papasok sa isang stall. Napansin na siguro niya 'yung kakaiba kong ikinikilos.

I hate rain. Hindi dahil sa inconvenience na nadudulot nito kapag gumigimik ako, kapag papasok sa school o kapag pumupunta ako sa iba't ibang lugar. Ayoko ng ulan dahil sa masasakit na ala-ala ang binabalik nito sa akin.

" I was ten years old noong nawala ang mga grandparents ko. Malapit talaga ako kina lolo at lola, ika nga ng iba favorite apo daw ako. Siguro nga tama sila. Ikaw ba naman lumaki sa kanila diba? Sinong hindi mapapalapit kung kasama mo sila araw-araw. Na pag-gising at pagtulog mo sila ang una't huling taong makikita mo. So ayun nga, that time they planned to go out of the country. Specifically, Paris. Gusto kong sumama pero hindi nila ako pinayagan kasi sabi nila may pasok pa ako. Ilang araw din akong umiyak dahil alam kong matagal ko ring hindi makikita sina lolo't lola. Na bilang bata sympre aakalain mong hindi na sila babalik. Pero tinotoo pala nila iyon. Papunta na sila sa airport, nang biglang umulan ng malakas. Sobrang lakas ng ulan. Zero visibility. Hindi namalayan ng driver na ibang daan na pala ang tinatahak nila hanggang sa nabangga sila ng truck."

"Anong ginawa mo noon?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami sa hilera ng mga tindahan ng t-shirt na may nakalagay na 'I love Baguio".

"Umiyak lang ako habang nakatitig sa salamin ng kwarto ko. Sinasabayan ko ang pag-agos ng ulan mula sa aking bintana." Nakarating na kami sa dulo ng hilera bg tindahan.

"Yun ang unang beses na umiyak ako dahil sa ulan. The second time naman ay 'yung kay Myco."

"Ang saklap naman niyon."

"Sinabi mo pa. Ilang araw din akong hindi nakikipag-usap sa iba. Hindi din ako makapag-concentrate sa pag-aaral ko. Isama mo pa na classmate ko si Shiela."

"So hate mo ang ulan?"

"Hmm. Yeah. Feeling ko kasi everytime na uulan, may taong mawawala sa akin."

Nakatingin lang siya sa akin. Mula sa malungkot na mukha, biglang nakita ko ang mga ngiting kanina ko pa hindi nakikita.

"Hindi ba kaya tayo nandito para kalimutan ang lahat? Hayaan na muna natin sila sa Manila. Sa ngayon, i-enjoy muna natin ang mga oras na magkasama tayo dito"

Na-realize ko na broken hearted nga pala kaming dalawa. Parehong iniwan.

Humakbang ako palapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. "Salamat at dumating ka"

Humigpit pa lalo ang yakap niya sa akin. "Ako nga dapat ang magpasalamat sayo" sabay halik sa tuktok ng ulo ko.

Humiwalay ako sa yakap niya at ngitian ko siya.

"Gusto mong sumakay sa kabayo?" tanong niya sa akin sabay turo sa puting kabayong iniikot ng isang lalaki.

Napangiti ako. Naiisip ko, kahit man lang dito matupad na 'yung fairytale na tumatakbo sa isip ko, kaya pumayag ako sa sinabi niya. Naglakad kami palapit sa kabayo. Tulad ng nasa kwento, ako ang unang sumakay bago siya. Nasa harapan ko siya ngayon. Humawak ako sa balikat niya pero nang kumilos 'yung kabayo bigla akong napayakap sa kanya. Nakadikit ang ulo ko sa likod niya, parang awtomatik akong may something na dinadama. Narinig ko ang tawa niya. Naramdaman ko kung gaano siya kasaya sa buhay.

Breakthrough Where stories live. Discover now