This is a work of fiction, names, characters, businesses, places events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
~
Prologue
Habang pinagmamasdan ko ang parang kumikinang niyang mga mata, ang matangos na ilong, ang labi --- parang bumalik lahat nang pinagdaanan naming dalawa.
Simula ata nang dumating siya sa buhay ko, lalong gumulo ang magulo ko nang mundo ko, nag-malfunction lahat ng sistema ko dahil sa kagagawan mo.
May igugulo pa pala ang mundo ko.
May ikakagakit pa pala ito.
May ikasisira pa pala ako.
Isa ka sa bagong karakter na nagbigay kulay sa buhay ko.
Pinaramdam mo sa'kin kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng isang pamilya, na may isang taong nag-iisip sa'yo, na may isang tao na handang samahan ka sa bawat lakad, sa takbo nang reyalidad, sa bawat yakap, sa bawat tulo ng luha kapag pagod na pagod na ako sa lahat --- nando'n ka palagi, nag-aabang habang ang mga kamay mo ay handa na kong hagkan.
Pero ang gago lang talaga maglaro nang tadhana, pero ang gagong iyon may magandang plano pala para satin sa hindi inaasahang oras at panahon.
Ang tadhana na lagi nating sinisisi dahil sa mga dagok ng reyalidad satin ay dapat pala nating pasalamatan dahil sa kung paano niya planuhin ang lahat.
Alam niyo 'yong nakakatuwa?
'Yong malakas na dagok ng tadhana ang magpapabago sayo para mas maging better kang tao.
'Yong gagong sinisisi natin lagi kapag problema na ang kalaban, sila ang naging dahilan kung bakit tayo nakatagpo ng isang taong akala natin hindi natin magugustuhan.
Aaminin ko minsan kaming parehong maloko... pero hindi ko lahat iyon pinagsisisihan.
'Yon yong gumanti nang gumanti sa kung anong binabato niya.
'Yong batuhan namin ng mura... napalitan ng mahal kita.
'Yong hampasan namin noon, ngayon naging yakap at halik na..
'Yong sakitan namin noon... ngayon napalitan nang tawa..
Hindi ko alam na aabot kami sa ganito.
But one thing I realized as I enjoyed hugging the person I never thought I would fall head over heels with, I finally found my way back home.
I didn't expect to find my back home.
You're my home, Almira.
~ • ~
Date started: October 2019
BINABASA MO ANG
Finding My Way Back Home (COMPLETED)
Novela JuvenilMinsan kahit saan tayo lumagar, saan tayo pumunta, sino ang kasama natin hindi natin maiwasan kung anong nakasanayan natin at kung sino tayo. Kahit ilang beses natin baguhin kung sino tayo, lalo lang tayong nahihirapan at nabibigo. Gago. Makasarili...