Chapter 24 Kapiling Ka <3

1K 36 12
                                    

  JESSA'S  POV

    Nakauwi nako dito sa bahay pero hanggang ngayon ay hindi parin mawaglit sa aking isipan ang mga pangyayari kanina lang ,.Ang naging napakasayang bonding sa pagitan naming dalawa ni Jaq ..Grabe naman kase hindi ko ineexpect yung ginawa nya kanina na bigla na lamang nya akong hinalikan matapos kong kumanta ,pero imbis na magalit ay tinugon ko ito ng buong puso ..

  Hindi ko nga rin maunawaan ang aking sarili eh ,kung bakit kakibang saya ang aking nararamdaman sa tuwing kasama ko sya ..Alam nyo yung parang halos ayaw kunang matapos ang oras ,yung kung pwede lang sana tumigil ang ikot ng mundo pero alam kong napakimposible ..Paano ba naman ang makasama kase si Jaq ay heaven para sa akin ,.ewan koba pero yan ang nararamdaman ko ehh ..Hindi ko naman ginusto pero kusa nalang nangyari ..

   Magmula kase noong araw na nagkasama kami at tinuruan nya akong magbisikleta ay doon ko narealized na masarap pala syang kasama ,.na gusto ko palang maulit ang mga oras na iyon ..Ang mga oras na pakiramdam ko ay isa lamang akong ordinaryong tao.,.Hindi ko kailangang baguhin ng mga kilos ko para hangaan ako ng iba ..Hindi ko kailangang magpanggap na sosyal ako kagaya ng tingin sakin ng iba ..

  Ang totoo kase nyan kapag kasama ko sya ay doon ko talaga naipapakita yung totoong ako eh ,.yung side ko na parang bata ...ay mababaw na kaligayahan at madaling pasayahin ..Ganyan naman talaga ako eh ,pero alam kong walang nakakaalam nun ,.Dahil wala naman talagang nagtitiyaga na makilala ako eh ..Walang may gusto na makasama ako ,dahil lahat sila ay natatakot ..Iniisip kase nila na masama ako masungit ,mataray at walang ibang alam kundi mang away ng mga estudyante. .Pero sa totoo lang ,hindi naman talaga ako yun ehh ..Aaminin ko ,siguro nilamon lang talaga ako ng insecurities ko kaya ako naging ganun ..Saka isa pa ayaw ko kaseng muling mapagtawanan kaya naman ipinakita ko sa lahat na matapang ako ,palaban at walang inuurungan ,ang kaso sumobra ata ang katapangan ko kaya marami rami narin akong napeperwisyo bagay na pinagsisisihan kuna ..

   Pero hindi pa naman huli ang lahat diba ??pwede pa naman ako magbago ,or should i say bumalik sa dati ..Sino nga ba ako noon bago pa mawala si mommy ??hindi kuna ata masyadong maalala ..Pero dati kase ay isa akong sweet na bata ,masayahin ,masunurin magalang at higit sa lahat mapagbigay ,.Madalas kase ako noon sumama kay mommy kapag may mga programa sya kagaya ng medical mission oh kaya naman feeding program ..

   Well mabait kase ang nanay ko at sobrang mapagmalasakit sa kapwa ,.sya rin yung tipong napakamapagbigay ,para kase sakanya ano mang natatanggap na blessings ay dapat ipamahagi din sa iba ..By the way ,.my mom is a doctor nga pala ,..Kaya madalas sya sa mga medical mission ,karangalan daw kase nya ang makatulong sa kapwa. .

   Yung mga ngiti nya habang tumutulong sa mga tao ay masasabi kong priceless ,.kase tama naman sya ehh nakapagpapagaan ng loob ang pagtulong sa mga taong nangangailangan ..Kaya nga lumaki ako sa ganoon ,masaya punong puno ng pagmamahal at kumpletong pamilya ..

  But every happiness has its ending , Dumating kase yung araw na nadissappoint sakin si daddy dahil nga sa pagkapahiya nito ng masira ang drawing ko sa isang contest ..Thay day si mommy lang ang naging kakampi ko ,at doon din nagsimula na unti unti akong nagbago.  Natuto akong magsungit ,at maging pasaway ,nawalan din ako ng ganang magdrawing ,pakiramdam ko kase talaga noon ay hindi para sa kin ang ganoong talento ..

  Hanggang sa ilang taon pa ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon ay bigla na lamang unti unting nanghina si mommy ,abd we discovered nga na she has a cancer at malala na ito ..We tried to resolve her life pero kusa ng sumuko ang katawan ni mommy ..Bagay na sobrang nagdulot ng kakaibang sakit sa akin ..Kaya nga sa musmos kong isipan ay naranasan kuna kung paano masaktan ng sobra dahil nawala sa akin ang kaisaisang tao na kakampi ko ,ang taong nagparamdam sakin ng walang katumbas na pagmamahal. The one who teach me how to become a good person.  Pero ng mawala sya ay inalis kuna rin ang lahat ,kasabay ng pagbabaon kay mommy sa lupa ay parang unti unti ko naring ibinaon ang aking tunay na pagkatao ..

Perfect Imperfections (lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon