Chapter 19 The Transformations

1K 26 15
                                    





   DAISY'S  POV








   Ilang beses din akong kinulit ng mga kagrupo para lamang mapapayag nila ako sa gusto nilang mangyari tungkol sa project namin ,.Nakakainis nga eh ..pakiramdam ko kase ay pinagkakaisahan nila ako.,.Oo na hindi ako maganda ,alam ko naman yun eh ..pero bakit kailangan ba talagang magpaganda para lang makasabay ako sa ibang mga kabataan ngayon ??haayyss .Naku naman oo ,kung yun lang naman pala ang kailangan eh di ang dali sana ng buhay diba ??pero kase ewan koba ,magmula kase noong bata pa ako ay hindi naman kase talaga ako nasanay na gumamit ng kung ano anong mga bagay or produkto sa katawan ko ,para sa akin kase ay hindi kailangan ng mga ganoon ,basta naliligo ka at malinis sa katawan ayos na yun ,hindi na kailangan ng kung ano ano pang mga beauty products kuno na sinasabi ng iba na nakakaganda daw ,nakakaputi ,eh bakit hindi naman kailangang pumuti ah ,saka mga pilipino tayo ,kaya normal lang na kayumanggi ang kulay natin kaya ipinagmamalaki ko yun ,.pero gayon pa man ay hindi ko talaga maunawaan kung bakit nga ba kase may mga taong pilit na binabago ang itsura nila para lang mas magmukhang angat sila sa iba ..



   Karamihan sa mga tao ngayon lalo na ang mga kabataang babae ay kung ano ano na ang ginagamit sa kanilang mga mukha ,para ano ??para mapansin sila ng mga ibang tao ??para sabihin nila na ang ganda ganda nya ??hayy naku ..iyon lang ba talaga ang mga papuri na gusto nilang sabihin sakanila ng iba ??masaya na sila sa ganoon ??yung hinahangaan lang ng lahat dahil nga maganda daw ,pero peke naman ito dahil nanggaling lang sa mga produktong ginamit nya ..



   Palibhasa kase ay iba na talaga ang panahon ngayon ,umiikot nalang kase ang mundo ng mga tao sa mga bagay na hindi naman makabuluhan ..Sabi nga ng ibang mga matatanda ay ibang iba naraw talaga ang kabataan ngayon ,malayong malayo na sa noon ..Sa bagay naniniwala naman ako doon eh ,kase totoo naman ..



  Ang mga kabataan kase noon ay simple lang ,iyong hindi mo kababakasan ng anumang palamuti sa mukha ,simple lang ,mahinhin ,pino kung kumilos at sobrang natural ang ganda ..Samantalang ngayon ,yung ibang mga babae nagpapakapalan ng make up na daig pa ang mga binabae ,masyadong magaslaw kumilos at nawawala na iyong ugaling Maria Clara...Hayyy ewan ko nga ba ,kung bakit ba kase nagbago pa ang panahon ehh ..Pati tuloy ang mga kagaya ko na simpleng babae lang kay nadadamay sa panlalait ng mga matatanda ngayon ,.Ang sabi kase nila ibang iba na nga daw talaga ang mga kabanaihan ngayon ,kaya naman pakiramdam ko pati akong nananahimik ay nadadamay. .

   "sis ,bakit ba kunot noo ka nanaman ??maya maya'y tanong ni Laika ..

  " kase naman eh ,kailangan nyo ba talaga akong imake over ??inis kong nanay ..

   "oo eh ,diba nga yun ang kailangan natin para sa project ,sagot nya ..

   " kase naman eh ,.sabihin mo nga ganoon ba talaga ako kapangit ??muli ay tanong ko ..

   "offcourse not ,maganda ka naman eh ,.yun nga lang hindi ka marunong mag ayos. .sagot nya. .

   " ehh hindi naman na kailangan yun eh..saad kupa .

  "Daisy kailangan yun ,dalaga kana eh. .kaya dapat kahit paano ay marunong kanang mag ayos ,gusto muba na palagi ka nalang nila tinutukso ??na oo nga matalino ka ,masipag pero hindi ka naman marunong mag ayos ..alam mo sa panahon ngayon dapat nakikisabay kana rin sa ikot ng mundo ,hindi yung ikinukulong mo yung sarili mo sa nakaraan ,sa nakagisnan mo ,gusto muba habang panahon ganyan ka nalang ??walang social life dahil sa mga paniniwala mo ,paliwanag nya. 

   " saka wag kang mag alala ,hindi naman namin yun gagawin para lang sa  project eh ,at hindi rin dahil kailangan ,kundi dahil gusto ka namin matulungan ,sabat naman ni Gwen na noon ay lumapit din sa amin ..

Perfect Imperfections (lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon