Chapter 11 Hidden Desire <3

1.1K 40 3
                                    

 


   DAISY'S POV

 




   Simula palang noon alam kona na sarili ko na may ispesyal akong nararamdaman para sa kanya ..Iyon bang kahit na alam kong magkaibigan kami ay meron parin akong pagtatangi sakanya ,iyong kakaiba ang damdamin ko para sa kanya at hindi lang ito isang ordinaryong pagkagusto lang ..Noong una oo aaminin ko ,simpleng pagkagusto lang ang nararamdaman ko para sa kanya ,dahil kase ito sa ugaling pinapakita nya sa akin ,kung paano nya ako pakisamahan ,kung paano nya ako tulungan at damayan sa mga panahong kailangan ko ng isang kaibigan na masasandalan ..Sya iyong palaging nandyan na kahit kailan ay hindi ako iniwan ..

   Isa siguro yun sa dahilan kung bakit nagkaroon ako ng romantikong damdamin para sa kanya ,iyon siguro ang dahilan kung bakit minahal ko sya ..Oo mahal ko sya ,mahal na mahal ..Pangarap ko nga balang araw na maging sakin sya eh ,yung hindi lang ako basta bastang humahanga sakanya at nangangarap na mapapansin nya kundi iyong parehas din kami ng nararamdaman ..Ilang beses kuna nga bang pinangarap yan ??hindi kuna nga ata halos mabilang ,pero wala eh hanggang pangarap lang ako ..Hanggang imahimasyon lang kase masakit man ay kailangan kong tanggapin ang katotohanan na kailanman ay hindi mangyayari ang lahat ng iyon ,dahil nga hanggang doon lang ako.,hanggang pangarap na sana mapasakanya ako ,pero hindi eh ..Dahil sa napakaraming dahilan na pumipigil sakin para ipaalam sakanya ang damdamin ko ..

  Una nga dito ay ang takot ,takot na isa sa pinakamahalagang dahilan kung bakit hindi ko makuhang umamin sakanya ..Palibhasa kase ay puro mga negatibong pangyayari ang naiisip ko na pwedeng maganap kung sakali mang umaamin ako sakanya ..Parang realidad lang ,hindi ito nawawalan ng salitang "paano kung ?" ..Kagaya nga ng nasa isip ko ngayon ,na naging dahilan kung bakit mas pinili kong itago nalang ang aking nararamdaman para sa kanya ..Sa taong mahal na mahal ko ..

  Natatakot kase ako na baka may magbago kung sakali mang umamin ako sakanya ,..syempre kase magkaibigan kami ehh ..at hindi lang basta magkaibigan kundi matalik na magkaibigan ..Kaya nga ayaw kong masira iyon eh ,ayaw kong dumating iyong araw na magkailangan kami ,oh kaya naman magalit sya at hindi nya matanggap na nahulog ako sakanya ..Alam ko ang babaw ng dahilan ko pero kase ano eh ..naiisip korin kase na parehas kami ng kasarian at posibleng hindi magwork ang relasyon namin kung sakali man maging kami ..

   Oo tama kayo ,parehas kami ng kasarian dahil kagaya ko ay babae din sya ..tomboy sa mata ng marami pero para kase sakin ay babae parin sya katulad ko at naniniwala ako na hindi sya para sa akin ..Kundi para din sa isang tunay na lalaki ..

  Haayyy ewan ko nga ba ,ang gulo ehh ..ou tanggap kong tomboy ang kaibigan ko pero ang hindi kolang kase tanggap ay iyong makikipagrelasyon din sya sa isang babae ..Para kase sakin ay isang malaking kasalanan ang ganon ..Ang pinaniniwalaaan ko kase ay ang sinasabi rin ng mga relehiyosong tao na ang babae ay para lamang sa lalaki ,sa ganyang paniniwala kase ako iminulat ng aking mga magulang kaya siguro nadala ko iyan hanggang sa paglaki ..

Pero sadyang mapaglaro nga talaga ang tadhana dahil ito ang naglapit sakin sa isang tao na hindi ko akalaing makikilala ko ,magiging kaibigan at mamahalin ..Kagaya nga kase ng sabi ko ay wala naman talagang problema sakin eh kung tomboy man oh bakla ang isang tao ..Ang ayaw kolang talaga ay makipagrelasyon ang mga ito sa kaparehas nila ng kasarian. .Kaya din siguro kahit may nararamdaman ako kay Jaq ay pilit ko itong itinatago kahit na napakahirap para sa akin lalo pa at isa sya sa pinakamatalik kong kaibigan ..

  Tingnan nyo nga naman ang pagkakataon ano ,sinasabi kong mali ang makipagrelasyon sa kapwa babae pero ako itong patay na patay sa kaibigan kong tomboy ..haayyy kung bakit ba naman kase itong pasaway kong puso eh ,sya pa ang napiling mahalin ..Kung mauutusan kulang sana ito ay hindi ako aabot sa ganitong sitwasyon ..Sa isang sitwasyon na napakahirap pagdesisyunan ..Hindi kuna nga alam kung ano ang gagawin ko eh ,kung susundin kuba ang puso ko at aamin ako ng nararamdaman ko para kay Jaq oh mananatili ko itong ililihim para hindi ako makagawa ng isang bagay na alam kong kasalanan ..

Perfect Imperfections (lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon