Chapter 42 Ang Kasunduan

924 33 4
                                    







  PAOLO'S  POV






   Talaga namang bagay na bagay ang dalawang bata at hindi ko yun maipagkakaila ,kahit pa nga parehas silang babae. mabuti nalang din talaga at nagkaroon kami noon ng kasunduan ni Santi na hindi ko naman inakala na totoong mangyayari ..Well kahit naman kase nagkaroon ako noon ng anak sa pagkabinata ay hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataon para makilala at makasama ang anak ko sa paglaki nito ,.Kaya nga inakala ko noon na mababalewala nalang ang usapan namin ng bestfriend ko na balang araw ay ipapakasal namin ang mga magiging anak namin ..Ngunit sino nga bang mag aakala na sa isang iglap ay maaring matupad ang lahat. .Yung usapan namin noon na parang biruan lang sa una pero maari pala talagang mauwi sa totoohanan. .

  Well sinadya nga pala talaga namin na hindi muna magtagpo ang dalawamg bata ..Kahit kase nakilala kuna at natanggap nako ng anak ko ay hindi ko muna ito nagawang ipakilala sa publiko oh maski sa kaibigan ko ,.Ang gusto ko kase itago muna ang pagkatao nya for some important reason.At iyon nga ay ang bagay na ito ,ang pagpapakasal nya sa anak ni Santi na alam kong hindi nya agad matatanggap pero mauunawaan nya ring para ito sa kapakanan nya...

  Ginawa ku nga din pala ang lahat para hindi muna malaman ng mga tao lalo na ng mga nasa business industries na si Jaq nga ang kaisa isa kong anak. .Although alam naman nila na magkaapelido kami pero kahit ganoon ay naitago ko parin naman ang pagkatao nya habang nag aaral pa sya ,.Naging madali din naman sa akin iyon dahil wala namang nakakaalam na nagkaanak ako noon kaya naitago korin ang lahat ,saka isa pa may pagkapribadong tao din kase ako at kaya koring gawin ang lahat para itago ang dapat itago ..


  Hindi ko pinagpasyahang itago ang katauhan ng aking anak dahil hindi ko sya tanggap ,kundi ito ang alam kong paraan para hindi muna maging magulo ang buhay nya. .Ang gusto ko kase yung mag enjoy muna sya habang nag aaral sya sa China ..Well alam naman ng iba na anak sya ng isang negosyante pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon para malaman kung sino ang ama nito..


  Magaling kase si Jaonne eh ,ang kapatid ko ,sya kase ang gumawa ng paraan para pansamantalang itago ang tunay na pagkakakilanlan ni Jaq.  Sa sitwaston kase ng anak ko mahirapna makilala sya kaagad ng mga tao gayong hindi pa sya handa eh ,Naisip korin kase na baka may masabing mga negatibong bagay sakanya ang mapanghusgang lipunan.Kaya nga pinag aral muna namin sya at tiniyak na kakayanin nya ang lahat ng mga responsibilidad na nakapataw sa kanya ..Mga bagay na naghihintay sakanya sa pagbabalik nya sa pilipinas ,.

  Bukod kase sa ipapakilala kuna sya sa publiko bilang kaisaisa kong anak na sya ring taga pagmana ko ay kailangan nya ring pakasalan si Jane ..ang panganay na anak ng pinakamatalik kong kaibigan. .

  Pero paano nga ba humantong sa ganoon ,.bakit kailangan nilang ikasal dahil lamang sa isang kasunduan ..Well para sakin ay hindi lamang isang ordinaryong kasunduan ang bagay na iyon ..Ako kase yung tipo ng tao na sobrang halaga para sa akin ng mga kasunduan ,pangako oh anumang bagay na may kinalaman sa dangal or prinsipyo ..Ibig sabihin ako yung taong tumutupad sa anumang napag usapan ..Kahit na ano payan ,dapat natutupad ,pinakaayoko kase sa lahat ay yung nagbobroke ng promise ..Kaya nga kahit ang tagal na ng panahong lumipas ay hinanap ko parin ang mag ina ko para mapanindigan sila.,na noong una nga ay hindi ko nakayanang harapin dahil sa takot ko ,pero kagaya nga ng sabi ko ay hinarap ko parin naman ito ,medyo natagalan nga lang pero ang mahalaga naman ay maayos na ang lahat ngayon ..

  Kumpleto na kase ang aming pamilya dahil sa wakas ay nagkaayos narin kami ni Jobel at buong puso koring tinanggap ang dalawa nya pang anak . kaya nga pakiramdam ko ay kumpleto narin ang aking pagkatao ,.


  Nang makilala ko si Jaq at matanggap na nila ako ay wala naman akong naging problema kung ganoon sya ..Kung lumaki syang lesbian or tomboy ,.hindi naman iyon naging hadlang or dissappointment sa akin eh kase kahit naman anong mangyari ay anak ko parin sya ,galing sa laman at dugo ko . Saka isa pa marami akong natuklasan sa pagkatao ni Jaq na maipagmamalaki ko sa lahat. .Napakarunong nya kase ,maraming pangarap ,responsable at sobrang mabuting anak kaya ano nga ba ang pwedeng maging dahilan para hindi ko sya matanggap diba ..

Perfect Imperfections (lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon