Chapter 53 Insidente !!!

1.1K 29 3
                                    







  JAQ'S









    May ilang buwan narin pala ang nakakalipas magmula ng muli akong pumayag sa isang kasunduan tungkol sa pagsailalim namin sa tinatawag nilang in vitro fertilization ..Kung saan nga ay maari kaming magkaanak sa pamamagitan nito ..Noong una ayaw ko naman talaga ,kase pakiramdam ko ay ginagawa na lamang kaming mga tautauhan ng aming mga ama dahil sa kung ano ano na lamang ang mga naiisipan nilang ipagawa sa amin ,katulad na nga lamang ng pagpupumilit nilang makasal kami.,tapos ngayon isang anak naman ang gusto nila bagay na talaga namang kinadidismaya kona dahil palagi na lamang sila ang kailangang magdesisyon para sa amin ..


  Para bang dinaig pa namin ang mga bata na kailangang sumunod sa kanila ,.Isa rin siguro iyon sa mga dahilan kung bakit ,sumabog na ako ng tuluyan ,kung bakit nailabas kuna yung galit ko at ang lahat nga ng iyon ay dahil sa mga pakikialam nila ..Kung tutuusin kase sumosobra na sila eh ,kulang nalang pati paghinga namin kailangan sila ang magdidikta. ..


  Naisip ko tuloy ,ito ba talaga ang kapalit ng lahat ??ng pagkakaroon ko ng ama at kumpletong pamilya ??Ang kawalan ko ng sariling desisyon ,kase nga nadidiktahan na ito at para bang wala akong karapatang sumuway sa a unumang gustuhin nila ,.bakit naman ganoon ??tsss !!!


  Anyway ,magmula nga pala ng magkausap kami ni Jessa ay naging maayos naman ang samahan namin ,naging magkaibigan na kase kami ,hindi na kami yung nagkakailangan na katulad ng dati ..Ngayon kase ay nakakapag usap na kami ng maayos ,nagkakasabay ng kumain at may pakialam na sa isa't isa.  May mga pagkakataon kase na nagsasabi na ako sakanya ng mga ginagawa ko or kung nasaan ako ,yung kahit paano ay binigyan na namin ng karapatan ang bawat isa sa mga sarili naming buhay. .


  Sa totoo lang ,masaya ehh ..nakakagaan kase ng pakiramdam , ang sarap pala ng ganoon .yung wala kang mabigat na pasanin ..Yung wala kang iniisip na kung ano pa man ..Yung masaya lang ,walang stress ,walang hassle ..At nanatili nga kami ng ganoon sa loob din ng halos isang buwan ..Maayos ang lahat ,itinurin na kaibigan ang bawat isa hanggang sa isang araw bigla na lamang kaming kinausap nila papa tungkol nga doon sa kagustuhan nilang magkaanak daw kami. .

  Ewan koba pero nakakainis lang kase eh ,kase hanggang sa bagay ba naman na iyon ay makikiaalam sila at mag uutos sa amin ..Pakiramdam ko tuloy ay hindi anak ang turin nila sa amin kundi mga tauhan at didiktahan nila ng mga gusto naming gawin ..Oo alam ko ang babaw ko dahil iniisip lang naman nila kami ,pero hindi ba nila naisip yung nararamdaman namin ??Manhid ba sila para hindi nila maramdaman na nakakasakal na sila ?? na sumosobra na sila ?? hindi ba dapat this time ay hayaan naman nila kami sa mga gusto namin ??tutal naman ay pumayag na kami sa kasunduang kasal na gusto nila...


  Ang daya lang eh ,sobra ..paano pakiramdam korin ay napagkakaisahan ako ,lalo pa ng bigla na lamang makisali si Jessa sa usapan ..Ang akala ko parehas kami ng nararamdaman eh ang akala ko kagaya ko ay ayaw narin nyang magpadikta pero akala kolang pala yun. .Dahil sya mismo ay gustong makisali sa kalokohan ng aming mga tatay ..Paano ba naman ,gayon na lamang ang pagpayag nya sa naiisip ng mga ito ..Kaya nga gayon na lamang din ang pagkadismaya ko dahip sa katotoanang wala pala talaga akong kakampi ,kaya nga iniwan ko sila.at nagtungo ako sa aking kwarto para sana mapag isa ..Subalit ilang saglit lang ay bigla na lamang sumunod dito sa akin si Jessa para makipag usap ..


  Nakiusap sya sa akin at humiling ng isang bagay ,at iyon nga ay may kinalaman tungkol sa kagustuhan nila papa ..

  Sinabi nga nya sa akin na gusto.nya daw magkaanak ,at kitang kita ko sa kanyang mga mata ang paglasinsere sa bagay na iyon. .Ramdam ko eh na hindi nya lang gusto kundi gustong gusto ..


Perfect Imperfections (lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon