Chapter 59 Posas ???

1.2K 40 12
                                    









  JAQ'S  POV










  Simula ng makausap ko si daddy tungkol sa plano kong pagpopropose kay Jessa ay sinimulan ko narin ang mga gagawin kong hakbang para dito ,well gusto ko kase maging ispesyal ang araw ng paglalahad ko sakanya ng aking damdamin ,dapat yung tipo na talagang mapapakita ko sakanya kung gaano ko sya kamahal ,tutal naman ay deserve naman talaga ni Jessa ang ganoon ,ang iturin na ispesyal at pinaka mahalagang babae sa buong mundo ,ganoon kase sya kahalaga sa akin at ganoon ko sya kamahal kaya nakahanda rin akong gawin ang lahat mapasaya ko lamang sya ..



  Haayy ganoon siguro talaga ano kapag mahal mo talaga ang isang tao,kahit anong kakornihan payan willing kang gawin para sa kanya mapatunayan molang na talagang seryoso ka sakanya...


  Anyway kung tutuusin okay naman na talaga kami ni Jessa eh at alam narin namin kung gaano namin kamahal ang bawat isa ,pareho narin kase naming binibigyang halaga ang kasal namin na naganap may pitong taon na ang nakakalipas ..Sa paglipas kase ng panahon mula ng magkaayos kami ay sobrang pinahalagahan na talaga namin ang marriage namin ..Yung talagang asawa na naming iturin ang bawat isa ,napagkasunduan din kase namin na hindi na namin itutuloy ang nauna naming plano na maghihiwalay din pagkatapos ng dalawang taon ..


  Magmula kase ng dumating sa buhay namin si Cj ay talaga namang nabago ang lahat,yun bang pareho naming pinilin kalimutan ang aming kasunduan ,.Nagkaaminan kase kami ng mga nararamdaman namin sa bawat isa ,matapos naming magkapatawaran ,at sa bawat araw nga na nagdaraan ay mas lalong tumamis ang aming pagsasama hanggang sa dumating yung point na bigla kong narealized na gusto ko ulet syang pakasalan..


   Gusto ko ulet ulitin ang naging sumpaan namin noon ,kase yung noon hindi ko gaanong naramdaman eh .Well hindi kase ako aware sa mga nangyayari noong panahong iyon ..Kumbaga walang feelings na involve noon kaya hindi mo masasabi na kumpleto ang kaligayahan ko ng mga oras na iyon ..Kase maski ang mga ngiti ko noon ay mahahalata mong peke at hindi tunay ..

  Kaya naman this time ,gusto kong gawing totoo ang lahat ,yung mararamdaman mismo ng mga tao na talagang masaya kami pareho ,na totoong mahal namin ang isa't isa at para magawa ko nga yan ay kailangan ko paring hingin ang permiso ng aming mga magulang ,.kung saan una ko ngang kinausap si daddy ang tatay ni Jessa ,at naging masaya nga ako kase buo ang kanyang suporta sa binabalak ko ..


  Sabagay alam ko naman talaga na papayag sya at matutuwa sa plano ko eh ,una palang naman kase ay alam ko narin na gusto nya talaga ako para sa anak nya ..Well ganoon pa man ay hindi ko parin naman naiwasang kabahan kanina habang kausap ko sya ..Kahit naman kase kampante ako na hindi sya tututol ay hindi ko parin talaga maiwasang makaramdam ng kaba ,baka lang kase magkamali ako ng pagkakasabi oh kaya naman baka umurong yung dila ko ,pero buti na nga lang at nasabi ko ng maayos sakanya lahat ng gusto kong sabihin at naging maganda nga ang kinahinatnan nito dahil ibinigay nya ang kanyang basbas para sa aking gagawin ..


  Samantala matapos kong makausap si daddy ay agad kong tinawagan si papa para masabi din sakanya ang aking balak ..


  " hello pa.,.saad ko ng sagutin na nya ang tawag ..

  " ohh anak ,may problema ba ?? sagot naman nya ..

  " wala po pa.,.pwede ko po ba kayong makausap.?? tanong ko ..

  " sure ,ano bayan ?? mukhang sobrang importante ah ,ang seryoso mo eh ..sabi  pa nya ..

  " opo pa ,importante nga po ,sabi ko naman ..

  " ohh sige ang mabuti pa punta ka nalang dito sa bahay ,kase andito lang naman ako...pahayag nya ..

  " sige po papa ,pupunta nalang po ako dyan ..sagot ko naman at ibanaba kuna ang tawag ..


Perfect Imperfections (lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon