Chapter 27 I Feel COMPLETE <3

946 27 11
                                    








    KENNETH'S POV








     Kailanman ay hinding hindi ko makakalimutan ang araw kung kailan ko sya unang nasilayan ,halos anim na buwan narin ng nakakalipas ..Ang napakaamo nyang mukha na animo'y isang anghel na nagmula sa langit,ang maganda nyang mga mata na animo'y parang mga nagkikislapang bitwin sa kalawakan ..Alam ko ang corni masyado pero sa ganoong mga salita ko kase maisasalarawan ang naging reaksiyon ko noong una ko syang makita ..Noong mga panahong sinabi ko sa sarili ko na hindi nako muling magmamahal dahil sa sakit na aking dinanas sa aking nakaraang relasyon ..


  Nagkagirlfriend kase ako noon ,one year ago bago ko sya nakilala ..Noong una ang akala ko kami na ni Gela ang meant to be ,kase nga nasakanya na lahat ,.Saka isa pa pareho kaming masaya at mahal ang isa't isa ..Pero sa isang relasyon hindi pala sapat yung mahal nyo lang ang is't isa ,.Dahil ang bawat saya ay palaging may kakambal na kalungkutan ..Dumating kase sa punto na masyado ko syang minahal ,at dahil doon ay parang nasakal sya ,hanggang sa pinag pasyahan nyang maghiwalay nalang kami ..Napapadalas narin kase noon ang mga pagtatalo namin ,araw araw puro away ..Siguro kase parehas pa kaming mga bata noon ,kaya madalas talaga may mga bagay kaming hindi pinagkakasunduan na naging dahilan nga para tapusin nalang namin ang lahat ..



   Noong una ,ayaw ko ..masakit eh ,hindi ko kaya ..Dumating nga sa punto na halos mapabayaan ko ang aking pag aaral dahil sa naranasan kong kasawian ,.Kamuntik na nga ako noon madrop eh ,mabuti nalang at napakiusapan ni kuya ang advicer ko ,at kahit bata pa ako ay natuto nakong magbisyo ..Uminum manigarilyo ,pakiramdam ko patapon na yung buhay ko noon ,.Pero nandyan si kuya Kean palaging handang makinig ,umunawa at magpayo sa akin kahit puro kalokohan ang ginagawa ko ..Kahit madalas ku nga syang biguin ..



  Well as all you know ,si kuya na nga lang pala ang kasama ko sa buhay ,sya kase ang nagtaguyod sa akin mula ng mawala si mama dahil sa sakit ..Yung tatay naman namin ,wala akong balita sa kanya ..Basta ang sabi ni mama ay isa raw itong sundalo at obviously hindi namin ito nasilayan , .Hindi nga rin nito pinakasalan si mama eh ,kase nga second family lang kami ..or mas tama ata kung hindi ko sasabihing family kase wala naman talaga kami noon. .Si mama lang ,si kuya at ako ..Pero ngayon dadalawa nalang kami ..


   Tatlong taon nga pala ang agwat namin ni kuya ,at sa batang edad nga ay nakapagpatayo na sya ng bar ,pero hindi nya ito sarili ..Magkasosyo kase sila ni kuya Avi yung bestfriend nya na anak ng mayamang negosyante ..Well parang kapatid na kase ang turingan ng dalawa ,kaya naman kahit wala namang share na pera si kuya sa bar ay itinuturin parin ni kuya Avi na pag aari nila ni kuya ang bar ,kagaya ng alam ng lahat ..Sabagay ,ideya rin naman kase talaga ni kuya ang buong konsepto ng bar eh ,.Sya kase ang nag isip kung ano ang magiging itsura nito at dahil nga rin musician si kuya ay sya narin ang kumakanta dito sa bar. .Magaling kase si kuya eh ,kaya nga idol ko sya at sya nga rin ang nag inspire sakin para mahalin korin ang musika ..Ang pinagkaiba lang namin si kuya rakista ..yung tipong Bon Jovi ang mga kinakanta nya ,pero ako mas type ko ang mga song na may pagka accoustic ..


  Anyway napasok nga pala ako sa San Lorenzo University dahil sa scholar , isa kase akong football player since junior highschool pa ..Nag try out lang naman ako noon eh ,kumbaga sinubukan kulang kung kaya ko hanggang sa nadevelop ko nga yun kaya ngayon ay team captain nako ng team namin ,kaya naman wala akong problema.sa tuition at iba pang bayarin dahil sagot na ito ng university at bukod pa doon ay may monthly allowance ako ..



  Mabalik tayo.sa binabanggit ko kanina ,kagaya nga ng sabi ko ay unang kita ko palang sakanya ay may kakaiba na kong naramdaman ..Yun bang parang gusto kong bawiin yung sinabi ko dati na hindi nako magkalagusto pa ulet kahit kanino ..Well kase ano eh ,tinamaan ko sakanya and i mean it ..


Perfect Imperfections (lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon