Chapter 2 Enrollment Dissaster

2.2K 61 1
                                    

 


JAQ'S POV








Kasalukuyan parin kaming nandito sa library para isauli ang mga libro na kinuha ng mga pasaway na estudyante na iniwan lang kung saan ..Nakakaiinis nga eh ,hindi pa nga  nagsisimula ang pasukan ganyan na ang mga asta nila ..Naisip ko tuloy na ang mga may gawa nito ay mga kabataang sakit ulo ng lipunan ..Dahil kung matitino sila ay hindi nila gagawin ang ganito ..Sabi kase ni Daisy ay sa canteen daw ng school nya nakita ang mga libro ,at ngkataon nga na nakita rin ito ng principal kaya naman sya ang nautusan para magbalik nito sa library tutal naman ay trabaho nyang pangalagaan ang mga libro sa library ..

Well sumasideline kase si Daisy bilang student librarian sa school para may pagkunan ng allowance sa pang araw araw ..Kagaya nga kase ng sabi ko ay laki din sya sa hirap na gustong makatapos ng pag aaral kaya naman lahat din talaga ng paraan ay ginagawa nya para kumita kaya nga bilib din ako sakanya eh ,kase sa kabila ng lahat ay nakakaya nya ito .Wala rin kaseng magulang na kumakalinga sa kanya ,sa kanila ng mha kapatid nya ..Apat nga pala silang magkakapatid at maaga silang naulila sa magulang kaya naman gayon na lamang ang pagkadesidido nyang makatapos upang maiahon sa hirap ang kanyang mha kapatid ..

Katulad ko ay nakakuha din sya ng iskolar pero mula ito sa gobyerno kaya naman nakapasok sya sa pribadong iskwelahan na pinapasukan namin ngayon ..Pero kahit libre ang pag aaral nya ay pinili nya paring magworking student para masustentuhan ang iba nya pang mga kapatid ..Wala kaseng ibang aasahan ang mga ito kundi sya lang ..

"nakakapang init talaga ng ulo iyang mga istudyanteng pasaway ou ,.nanggagalaiti nya paring saad ..

" ang ipinagtataka kolang ,paano naman nila nailabas itong mga libro ??open naba ang library ??takang tanong ni Mel ..

"alam mo yan din ang pinagtataka ko eh ,saad naman ni Daisy ..

" ehh baka naman ,hindi ito pag aari ng library ??tanong ni Mel .

"imposible tol ,kase ayan yung tatak ohh ..saad ko naman sabay turo sa mga tatak ng libro .

" siguro sinadya nilang gawin ito ,..sambit ni Daisy ..

"sino naman ang gaawa nyan ng kaaga aga ??takang tanong ni Mel ..

" sino paba eh di ang pinaka bratt girl dito sa school ..inis na saad ni Daisy ..

"si Jessa ??sambit ni Mel ..

" may iba paba ??sya lang naman ang pinakapasaway dito ,.palibhasa anak ng may ari ng school ehh ..asiwa paring saad ni Daisy ..

"alam mo tama ka dyan eh ,kase sya lang naman ang pwedeng gumawa nyan wala ng iba ,naninigurado koring saad .

" grabe naman kayo makabintang ,depensa ni Mel ..

"bakit ba pinagtatanggol mo pa yung brat girl na iyon ??inis ulet na saad ni Daisy ..

" kase hindi tayo sigurado ,.saad ni Mel ..

"eh diba nung moving up ceremony may ginawa nanamang kagagahan yan ??kaya hindi malabong sya din ang may gawa nito ,pamimilit ni Daisy ..

" tama ka dyan ,kung bakit ba kase ganun yung babaeng iyon eh ,inis kuna ring saad ..Iba kase talaga yung ugali ng isang iyon ,.

"bahala nga kayo ,sya nandito na pala tayo ..ang mabuti pa iayos na natin ito para makabalik na tayo doon medyo mahaba pa naman ang pila ,saad ni Mel at ngmadali na nga kaming ayusin ang mga libro para makabalik na agad.  .

  Samantala ,ng maayos na namin ang mga libro ay nagtungo na kami sa admin para ayusin ang mga papel na kakailanganin namin sa enrollment ,at kagaya nga ng inaasahan ay napakadami nanamang mga istudyante ang nandito na ngkakagulo dahil sa pila ,.Mayroon din kaseng mga mainit na ang ulo dahil matagal na silang nakapila tapos may mga estudyanteng bigla nalang sisingit kahit alam naman nilang bawal ..haayysss mga walang disiplina sa isip isip ko ..

Perfect Imperfections (lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon