Chapter 31 Ang Paglayo !!!

901 32 18
                                    








   JAQ'S  POV









  "anak sigurado kanaba talaga dyan ??baka napipilitan kalang ..tanong ni nanay ..

  " nay ,oo naman po.,.siguradong sigurado nako ..saka wag kayong mag alala ,gagawin ko naman ito para sa sarili ko eh ,para sa inyo para sa future natin ..paliwanag ko ..

  "pero anak ,alam mo naman na hindi ako sanay na mawala ka sa tabi ko diba ??saka isa pa masyadong matagal ang anim na taon ..naluluha nya pang saad ..

  " mabilis lang po ang panahon.,hindi nyo namamalayan andito na ulet ako.,magkakasama na po ulet tayo ..sambit ko naman ..

  "pero anak kase ,wala kang kasama doon ..dagdag pa ni nanay ..

" nay ,pwede naman daw kayong dumalaw doon nila papa diba ??sagot ko naman ..

  "haayyy ..ohh sya kung buo na talaga ang desisyon mo wala nakong ibang magagawa kundi ibigay ang aking suporta ..basta tatawag ka ha ,dapat palage...tapos wag mong pababayaan yung sarili mo ,mag aaral kading mabuti ,dagdag pa nya ..

  " opo nay ,lahat po yan ,susundin ko ..at pangako mag aaral akong mabuti para maipagmalaki ako ni papa sa lahat ,nakangiti ko namang saad at umakap ako kay nanay ..


   Maya maya'y pumasok din sa kwarto sina Jeni at Jona ..

  "ate ,mamimiss ka namin ..mag iingat ka doon ha ,naiiyak na saad ni Jona sabay akap sakin ..

" oo naman ,mamimiss din kita bunso ,.saad ko sabay akap din sakanya ..

  " kuya balita ko madami daw magagandang chics doon ,sabi naman ni Jeni ..

  " hayyy nako ,ikaw talaga pupunta ko doon para mag aral okay ,..halika nga dito.,sagot ko naman sabay akap din kay Jeni ..



   Haayyy namimiss ko talaga ang mga taong ito ..Paano ba naman nasanay ako na kami ang palaging magkakasama,kahit kailan din kase ay hindi kami nagkakahiwalay ,.Ngayon lang ,kase nga kailangan ..Saka isa pa ay ito ang tama kong gawin ng sa gayon ay matupad ko ang mga pangarap ko para sa kanila ..Ayaw ko naman kase na palagi lang umasa kay papa gayong may magagawa naman ako para makatulong sakanya ..


   Well mula kase ng magkaayos sila nanay at papa ay unti unti naring naging maayos ang buhay namin ..Bagay na ikinatutuwa ko dahil sa wakas ay nakaahon narin kami sa hirap ..Noong una akala ko nga ay mananatili nalang kaming ganoon ,isang kahig isang tukha. .Pero sino nga ba naman ang mag aakala na bigla na lamang darating ang aking tunay na ama at sya ang makatutulong para maging maayos ang buhay namin ..


   Nang makilala ko sya may limang buwan na ang nakakalipas naramdaman ko agad na sobra akong nangungulila sa kalinga ng isang ama ,iyon kase yung panahon kung saan pakiramdam ko api ako ,.Yung panahon kung saan sobra akong nasaktan ..Kaya din siguro dumating sy para maging karamay ko sa mga oras na iyon ,.Alam nyo yung kahit may nanay naman ako iba padin kase yung tatay ang uunawa sa akin ..Saka noong mga panahong iyon ramdam kudin na sincere sya sa paghingi ng tawad kaya naman ako na mismo ang unang tumanggap sakanya ,.Saka naisip korin kase na hindi nya talaga ginusto ang mga nangyari ,at kahit naman nawalay sya sa amin atlease gumawa sya ng paraan para makatulong parin samin kahit paano diba ..Yung nakuha nyang humingi ng tawad sa nagawa nyang mali ,yun naman ang mahalaga eh ..


   Mabilis ngang lumipas ang panahon mula ng araw na iyon ,at sa bawat araw nga ay walang ginawa si papa kundi patunayan sa amin ni nanay na nagsisisi na sya sa nangari ,hanggang sa humantong nga sa punto na  ramdam kong lumalambot narin ulet ang puso ni nanay para sakanya ..,at sa wakas nga ay nagkaayos na sila bagay na sobra kong ikinatutuwa dahil sa wakas ay nagkaroon na ako ng isang kumpletong pamilya na akala ko noon ay hindi na mangyayari kahit kailan ,kaya naman masasabi kong mabuti parin talaga ang diyos dahil muli nyang ibinalik sa amin ang tatay ko...

Perfect Imperfections (lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon