Chapter 21 SILA <3

1.1K 30 10
                                    





JESSA'S POV

  Mula pa kaninang umaga ay hindi na talaga mawala ang inis ko na tila hindi na ata matatapos tapos ,.paano ba naman habang naglalakad ako sa hallway ay bigla na lamang sumulpot sa aking harapan ang tomboy na yun ,at talagang nakuha nya pang hawakan ako sa braso bagay na mas lalo kung kinainis ..Paano ba naman ,ayaw na ayaw ko kayang hinahawakan ako ng ganoon ,lalo na ng taong hindi ko naman kaclose ,.tapos para pa syang asong ulol na sunod ng sunod sa akin at pilit na nanghihingi ng sorry ..ano sya sinuswerte ??bakit sino sya para patawarin ko ??matapos ng ginawa nyang panlalait sa pagkatao ko ??matapos nyang ipamukha sa akin kung anong klaseng babae ako.,bagay na tinatawanan ngayon ng marami ..

   Akala ba nila hindi ko alam ,na tampulan ako ngayon ng ilang mga eayudyante dito sa university ,.napapansin ko naman iyon eh ..Habang naglalakad kase ako kanina ay may mangilan ngilang mga estudyante ang tila nag uusap tapos bigla na lamang mapapatingin sa akin saka tatawa ..Diba nakakaewan ang ganoon ..

   Pero bakit nga ba hindi ko magawang magalit sa kanila ??bakit nga ba hindi ko sila makuhang narayan katulad ng madalas kong ginagawa noon ??ewan ..hindi kona talaga maunawaan ang sarili ko ,at kasalanan ito ng tomboy na yun ..Sya ang dahilan kung bakit ako pinagtatawanan ng mga estudyante ngayon na alam ko namang walang ibang hinagad kundi makakita ng mga kamalian ko ..

   "si Jessa ,pwede kaba mamaya ??can you be my chewing gum ??nakakalokong saad ng isang lalaki pero nilagpasan kolang ito ..

  " Jessa ,patikim naman ng kiss mo ,saad pa ng isang nakasalubong ko kaya tuloy pakiramdam ko ay masyado nakong nababastos ..

   Pero sa halip na pansinin sila ay nagdirediretso nalang ako sa may hallway upang pumunta muna sa canteen dahil baka nandoon na ang mga alipores ko ,saka isa pa wala rin ako sa mood ngayon para patulan ang mga taong walang magawa ..

  Kagaya nga ng sabi ko ay bigla na lamang sumulpot sa harapan ko kanina si Jaq at pilit nga syang humihingi ng tawad sa akin dahil daw sa nagawa nyang pang iinsulto sa akin noong byernes ..At dahil nga ako si Jessa at galit ako sakanya ay hindi ko sya pinagbigyan ..para ano pa diba ??saka sino ba sya ??close ba kami ??ehh wala nga akong pakialam sakanya ..Kaya nga kahit na anong pilit nyang lapit sa akin ipang humingi ng tawad ay patuloy lang akong lumalayo ..Ang alam ko kase ay ayaw mo syang makausap or makita man lang ,ewan ko nga ba ,pero masakit parin kase talaga sakin ang dating ng ginawa nya eh ..ang kapal ng mukha nya sobra ..

   Pero kahit naman galit ako sakanya at ayaw ko syang makausap kahit na nagpupumilit sya ay ginawa ko parin naman ang ibinigay nyang assignment sa akin para sa project namin ,yung pag eedit ng magiging presentations namin ,syempre kahit naman kase paano ay dito parin naman nakasalalay ang grade ko ..Ayaw kong bumagsak ano ,oo nga at gaga ako ,brat at pasaway pero never naman akong nagpabaya sa pag aaral ,kahit naman kase paano ay gumagawa ako ng mga project na binibigay ng mga titser namin ,yun nga lang may madalas nalelate akong magsubmit lalo na kapag inatake ako ng katamaran ..

   Anyway kagaya nga ng sabi ko ay nagawa kuna ang video na pinapaedit nya dito ko kase itinuon ang inis ko noong mga nakaraang araw ,kumbaga hindi muna ako gumala at tinapos ko nga muna ito para naman wala syang masabi ,nakakahiya naman diba ??ininsulto na nga nya ako ,sisirain kupa yung project namin ..Masyado nakong magiging masama sa mga mata niya at nila kung ganoon ..

   "Ken ,pakibigay nan ito sa leader natin ,tapos kona iedit yan ..saad ko kay Kenneth ..

   " bakit ako pa ??ikaw na kaya magbigay ..tila nang aasar nyang saad kaya naman nabwisit ako ..

  "hindi muba ito ibibigay or itatapon ko nalang ito para pareparehas tayong walang grade ,pananakot ko at waring ibabato ang hawak kong flashdrive. 

Perfect Imperfections (lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon