Chapter 26 Confirmed ????

1.1K 26 5
                                    







   GIESELLE'S  POV







    "kailangan nating mag usap ,importante..seryoso kong saad sakanya ng malapitan ko sya ..

  " tungkol saan ??seryoso nya ring tanong ..

  "basta ,magkita tayo mamaya ,sa likod ng library samay garden ..hihintayin kita doon wag mo sana akong bibiguin dagdag kupa ..

  " sige ,hintayin mo nalang ako doon pagkatapos ng klase ,.sagot nya pa at tuluyan na nga akong nagpaalam sakanya para makarating na ako sa classroom ..





   Samantala ng makarating na ako dito sa room ay lutang parin ang isip ko dahil sa isang bagay na gumugulo sa isip ko ..Sa isang haka haka ko na maaring totoo ,.pero iniisip ko palang ay natatakot nako ,..Paano kung totoo ang aking hinala ??hindi ko alam ..hindi ko kaya ,baka hindi ko kayanin ..kung bakit ba naman kase kailangan pang humantong sa ganito ..Ayan tuloy bigla na lamang sa isang iglap ay mukhang may malaking pagbabago ang magaganap.,isang bagay na hindi ko naman inaasahan ,ni hindi ko ginusto oh napaghandaan man lang ..

   "huyyy ...tapik sakin ng isang taong hindi ko pinagkaabalahang tingnan kung sino ..

  " bakit ba ??paasik kong saad ..kase naman eh ,ikaw ba naman ang gulatin habang nasa malalim kang pag iisip diba ??ano mararamdaman mo ..

  "sungit naman nito ,kanina pa kase kita kinakausap ayaw mong mamansin ,tulala kalang ganito ohh ..saad nya pa sabay akting ng animoy parang timang na biglang naestatwa ..

  " pwede ba Angelika Nicole ,tigilan mu nga ako ..umalis ka sa harap ko ,bwisit ..asar kong tugon sakanya ..

  "tawagin ba sa tunay na pangalan ??tila nagtatampo nyang saad. .

  " ehh anu daw ang gusto ??inis kong sagot ..

  "Nika nalang okay ,lakas makachiks ng pangalan ko eh ,oh kaya kung gusto mo Niko ,.pwede ring baby or honey ,dagdag pa nya sabay kindat ..

  " pwede ba ,magtigil ka nga ..ano bang kailangan mo ??pagtataray ko ulet ..

  "kasungit talaga ,para kang palaging may dalaw nyan eh ,pang aasar nya pa ..

  " kung makapagsalita ka naman parang ikaw hindi dinadatnan ..sagot ko ..

"ayy walang ganyanan ..pikon nyang saad ..haha akala nya ha ...

  " ehh ano ba kase talaga ang kailangan mo ??ulet ko ..

  "tatanong kulang sana kung nagawa mo ba yung assignment natin sa Filipino ,papatulong sana ko sayo ehh ,paano ba naman alam mo naman wala akong hilig magbasa ng mga kwento eh kahaba haba nun ,kaya kung pwede ikwento mo nalang sakin ,para magawan kuna ng pagsusuri ..paliwanag nya ..haayy kahit kelan talaga ..

  " ayoko nga ,anu ka sinuswerte ,..basahin mo kaya ,saka kung ikukwento kulang dimo rin magagawa yun ,.baka maguluhan kalang ,saad ko naman ..

  " ehh sige na ,kase naman title palang ang baduy na ,paano kong babasahin yun ??dagdag nya pa ..

  "okay naman yung title ahh ,sabi ko naman ..

" Bluemoon??ano ang maganda doon eh parang boring ,saka wala naman talaang ganoon eh ,.irita nyang saad.

"oyy hindi boring yun ah ..ang ganda kaya ng story na yun ,kaya nga naging movie din yun diba ??saka its all about love and sacrifice ..tila nag iimagine kong saad ..

  " aysus ,walang poreber ,.diba nga hindi naman sila nagkatuluyan doon ,saad nya pa ..

  "oo nga ,pero atlease nagkita sila bago nawala yung isa ..ganoon ang truelove ,kwento kupa ..

Perfect Imperfections (lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon